
01/08/2025
Magandang araw, mga Bosconians!
Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, tayo ay magkakaroon ng Salita ng Araw upang mas mapalalim ang ating kaalaman at pagmamahal sa wikang Filipino.
Ang ating Salita ng Araw ay ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ โ na nangangahulugang malalim na pag-iisip o paggunita sa mga alaala, karanasan, o damdaming matagal nang lumipas.
Halimbawang pangungusap:
Nakaramdam ako ng salamisim habang tinitingnan ang aming lumang larawan na hindi na mangyayaring muli kailan man.
Inaanyayahan ang lahat na gamitin ang salitang ito sa malikhaing paraan o sa isang pangungusap.
May nakalaan na dropbox na matatagpuan sa ating Cresendo Lobby, kung saan maaaring ihulog ang inyong mga gawa. Ang estudyanteng may pinakamagandang paggamit ng salitang ito ay makatatanggap ng premyo!
Kaya't halinaโt makiisa, gamitin ang ating wika, at ipamalas ang talas ng isip at damdamin!
Maraming salamat at mabuhay ang wikang Filipino!