18/10/2025
πππππππππ | Pinagtagpi-tagping Kultura
Ang hiblang kay tatag, katapangang hindi matitinag,
Sa bawat lupang hinabi ng kapalaran,
Walang sinuman ang sasakupin.
β kulturang itinanim sa lupain.
At kung sa muling pagsikat ng araw,
Hatid ang pag-asang ibinungkal,
Mananatili ang inyong diwa sa kinabukasan,
β ang lahi, ang ani na siyang umusbong.
Ang paglinang sa lupa ng nayon,
Hanggang sa paghabi ng kasaysayan,
Ang mga katutubo ay tutubo,
mula sa pang-aabuso.
Sa pagsibol ng mga puno at halaman,
Kasabay ng huni at awit ng mga ibon.
Muling liliwanag ang kulturang umuugat,
β mula sa karahasan ng mangangahoy.
At sa wakas magiging sandata nila
β ang kulturang nilinang sa sariling lupain.
Mga kasaysayang hinabi ng bawat isa,
Lalo nang pinagyaman ng panahon.
Ngayong π‘ππ§ππ’π‘ππ ππ‘πππππ‘π’π¨π¦ π£ππ’π£πππ¦' π π’π‘π§π ating tuklasan ang legasiya na pinalago kasabay ng panahon. Ating bigyan ng karangalan ang natitirang alaala ng kanilang kulturang dating matayog na nakatanim sa lupain, ngunit ngayo'y napapatag na ng modernisasyon.
________
Mga salita nila John Hermie Sarceda at Chinee Dela PeΓ±a
Dibuho ni Clarence Deseo
Inilapat ni Mark Joseph Garcia