04/10/2025
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | Liwanag sa daan, Bayani ng Kabataan: JVYNHS Teachersโ Day 2025
Tikโฆtikโฆtikโฆ
Muling nagmulat ang umaga sa mga ngiti at palakpak, hindi lamang para sa karaniwang klase kundi para sa mga taong araw-araw ay nagsisilbing ilaw sa dilimโang ating mga g**o.
Nito lamang Oktubre 3, 2025, naging makulay at makabuluhan ang selebrasyon ng Teachersโ Day sa Jose V. Yap National High School, kung saan pinagsama ang musika, sayaw, at taos-pusong pagpaparangal para sa mga g**o na walang sawang nagtuturo at nagmamahal sa kanilang mga mag-aaral.
Marahil hindi na bago ang pagdiriwang ng Teachersโ Day, ngunit sa JVYNHS, itoโy tunay na higit pa sa isang seremonyaโito ay isang pagpupugay sa mga bayani ng paaralan.
Sa pagbubukas ng programa, sinalubong ang mga g**o ng isang mainit na sorpresa kung saan ibinaba ang tatlong mga trapal kasabay ng pagbagsak ng mga matitingkad na kulay ng mga lobo bilang isang simpleng tanda ng walang hanggang pasasalamat ng bawat mag-aaral. Isinagawa ang โGrand Entranceโ ng mga g**o kung saan isa-isang pumasok at pumunta sa kaniya-kaniyang pwesto ang mga g**o na nagmula sa ibaโt ibang baitang. Sa kanilang pagpasok, dinig ang maganda at mahusay na musika sa pagtugtog at pagtanghal ng instrumentong byolin ni Trisha Daniella Tuparan na nagbigay ng mas emosyonal at espesyal na pagsalubong sa kanila. Pagkatapos ng pagpasok ng mga g**o, isa-isang ipinakilala ang mga butihing administrators, head teachers, at OIC, kasunod ng per grade level pagpapakilala ng mga g**o mula sa ibaโt ibang departamento.
Matapos nito, pinangunahan muli ni Trisha Daniella Tuparan ang panalangin at sinundan ng pag-awit ng Lupang Hinirang. Pormal na binuksan ang programa sa pamamagitan ng opening remarks ng presidente ng paaralan na si Jean Claude Vann Mendoza, at sinundan ito ng mga inspirational message mula kina SPTA President Mrs. Evangeline Gallardo, Focal Person Mrs. Dana Jane Diaz, at OIC School Head Dr. Lawrence M. Santiago. Kasunod nito ang roll call ng mga g**o na nagbigay sigla sa programa.
Sa bahagi ng pagsasayaw, hindi naglaon ay nagbigay ng paunang aliw ang Firefly hip-hop intermission. Sunod-sunod namang nagpakitang-gilas ang bawat grade level sa kani-kanilang mga pagtatanghal tulad ng Hawaiian, 90s, Modern, OPM at iba pang genre ng sayaw na nagbigay kulay at kasiyahan sa programa. Naging patunay ito ng talento at dedikasyon ng mga mag-aaral sa pagbibigay-pugay sa kanilang mga g**o.
Hindi rin nagpahuli ang bahagi ng palaro na nagbigay kasiyahan at tawanan sa mga g**o at mag-aaral. Isa sa mga ito ang โPop the Balloonโ na pinangunahan nina BKB Ruzel at Sofiah, at ang nakakatuwang โEh Ikawโ na nilahukan ng Junior and Senior High School na mga g**o. Sa pamamagitan ng mga ito, naging mas malapit ang mga g**o at mag-aaral sa isaโt isa habang nagkakasiyahan.
Kasabay ng mga palaro ay isinagawa rin ang mga raffle draws na labis na kinatuwaan ng lahat. Maraming g**o ang nakatanggap ng mga sorpresa at regalo, at isa sa mga pinakaaabangan ay ang grand raffle prize na napanalunan ni Maโam Abby T. Pangilinan. Bukod dito, nagkaroon din ng SSLG intermission, SPTA gift-giving, at pamimigay ng utility gifts na nagbigay dagdag saya sa pagdiriwang.
Isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng programa ang awardings, kung saan ginawaran ng parangal ang mga natatanging g**o bilang pagpapakita ng pasasalamat at paghanga ng mga estudyante. Pinangalanan ang mga Most Loved Teachers kada baitang:
Grade 7 โ Maโam Analyn Manlapat
Grade 8 โ Maโam Theresa Parcasio
Grade 9 โ Maโam Diwata Udiong
Grade 10 โ Maโam Jean Villarta
Grade 11 โ Sir Bryan B. Quimora at Sir Restituto Felipe III
Grade 12 โ Maam Olga L. Asia
Itinanghal din bilang Overall Most Loved Teacher ng buong school si Maโam Olga L. Asia; Most Admirable si Maโam Donnabel Facun; habang Most Influential si Ma'am Shirley Pamintuan
Sa pagtatapos ng programa, nagbigay ng pasasalamat ang SSLG na si Adviser Maโam Glenda Capulong bago pormal na isara ang pagdiriwang sa pamamagitan ng closing remarks ni Maโam Eva Agustin.
Sa bawat kasiyahan, sa bawat sayaw na isinayaw ng mga kalahok, sa bawat hiyaw ng mga tao, tunay nga namang dama ang mensahe ng pagkilala: ang g**o ay haligi ng pag-asa. Sila ang gumagabay sa bawat hakbang, sa bawat pagkakamali, at sa bawat tagumpay ng kabataan.
Pawis, luha, oras, tawa.
Sa likod ng makukulay na disenyo, sa likod ng mga regalo, sandamakmak na mga estudyante mula sa ibaโt ibang organisasyon ang nagbuhos ng dedikasyon, pagmamahal, at pasasalamat sa bawat parte na isinagawa upang maging matagumpay ang pagdiriwang.
Tikโฆtikโฆtikโฆ
At nang bumaba na ang araw, iniwan ng pagdiriwang ang isang malinaw na paalalaโmaaaring lumipas ang selebrasyon, ngunit ang alaala ng pagtanaw ng pasasalamat sa g**o ay hindi malilimutan. Tulad ng araw na muling sisikat bukas, mananatiling gabay ang mga g**o sa paglalakbay ng bawat mag-aaral tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.
๐๐ด๐ช๐ฏ๐ถ๐ญ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช๐ฏ๐ข:
๐๐ถ๐น๐ถ๐ฎ๐ป ๐ง๐ฒ๐ท๐ฒ๐ฟ๐ผ
๐๐๐ฟ๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ฒ ๐๐ฎ๐ฟ๐น๐ฒ๐
๐๐ถ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ณ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐ข:
๐ฆ๐ต๐ฒ๐น๐น๐ฒ๐ ๐ฅ๐ฒ๐ถ๐ฐ๐ ๐๐๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป
๐๐๐น๐ฎ ๐๐๐ป๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ญ๐ฎ๐ฏ๐น๐ฎ๐ป
๐๐ถ๐น๐ถ๐ฎ๐ป ๐ง๐ฒ๐ท๐ฒ๐ฟ๐ผ