Ups&Downers

Ups&Downers THE EXPONENT OF PROGRESS
Since 1996

π“π€π‘π„π‹π‚πŽ 𝐈𝐈, 𝐍𝐀𝐆𝐋𝐀𝐀𝐍 𝐍𝐆 π„πƒπ”π‚π€π“πˆπŽππ€π‹ π€π’π’πˆπ’π“π€ππ‚π„ 𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟎 π’π‚π‡πŽπ‹π€π‘π’ 𝐒𝐀 πˆπŠπ€-πŸ’πŸ’ π€ππˆππ„π‘π’π€π‘π˜πŽTARLAC CITY β€” Bilang bahagi ng pagdir...
06/08/2026

π“π€π‘π„π‹π‚πŽ 𝐈𝐈, 𝐍𝐀𝐆𝐋𝐀𝐀𝐍 𝐍𝐆 π„πƒπ”π‚π€π“πˆπŽππ€π‹ π€π’π’πˆπ’π“π€ππ‚π„ 𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟎 π’π‚π‡πŽπ‹π€π‘π’ 𝐒𝐀 πˆπŠπ€-πŸ’πŸ’ π€ππˆππ„π‘π’π€π‘π˜πŽ

TARLAC CITY β€” Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-44 anibersaryo ng Tarlac II Electric Cooperative, Inc. (TARELCO II), namahagi ang kooperatiba ng educational assistance sa kabuuang 200 TARELCO II scholars mula sa mga bayan ng La Paz, Bamban, Capas, at Concepcion.

Ayon kay TARELCO II Board President Antonio β€œToni” Santos David, kabilang sa mga benepisyaryo ang 52 scholars mula sa bayan ng Concepcion, habang ang iba ay mula sa tatlo pang district areas na sakop ng kooperatiba.

Bawat iskolar ay makatatanggap ng β‚±10,000 educational assistance kada semestre bilang suporta sa kanilang pag-aaral. Upang patuloy na makatanggap ng nasabing tulong, kinakailangang mapanatili ng bawat benepisyaryo ang general average na 2.0 o katumbas ng 85%.

Ayon sa TARELCO II, layunin ng programang ito na makatulong sa mga kabataang mag-aaral at mabigyan sila ng mas malaking pagkakataong maipagpatuloy ang kanilang edukasyon sa kabila ng mga hamon sa gastusin sa pag-aaral.

Ang pamamahagi ng educational assistance ay isa lamang sa mga aktibidad na inilunsad ng TARELCO II bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang 44 na taon ng paglilingkod sa kanilang mga Member-Consumer-Owners (MCOs) at sa mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran.

Sa pamamagitan ng programang ito, muling pinagtibay ng TARELCO II ang kanilang suporta sa edukasyon at pagpapaunlad ng kabataan. Inaasahan ng kooperatiba na ang tulong na ipinagkakaloob ay magsisilbing inspirasyon sa mga iskolar upang lalo pang pagbutihin ang kanilang pag-aaral at maabot ang kanilang mga pangarap, habang patuloy na isinusulong ng TARELCO II ang mga programang nagbibigay ng positibong ambag sa pag-unlad ng kanilang mga miyembro at ng buong komunidad.(GonzalesElizabeth)

𝗧𝗔π—₯π—˜π—Ÿπ—–π—’ π—œ π—‘π—”π—šπ——π—œπ—ͺπ—”π—‘π—š π—‘π—š π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ π—Ÿπ—œπ—‘π—˜π—ͺ𝗒π—₯π—žπ—˜π—₯𝗦' 𝗔𝗣𝗣π—₯π—˜π—–π—œπ—”π—§π—œπ—’π—‘ 𝗗𝗔𝗬AMACALAN, Gerona, Tarlac – Nagtipon ang pamunuan, mga emple...
06/08/2026

𝗧𝗔π—₯π—˜π—Ÿπ—–π—’ π—œ π—‘π—”π—šπ——π—œπ—ͺπ—”π—‘π—š π—‘π—š π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ π—Ÿπ—œπ—‘π—˜π—ͺ𝗒π—₯π—žπ—˜π—₯𝗦' 𝗔𝗣𝗣π—₯π—˜π—–π—œπ—”π—§π—œπ—’π—‘ 𝗗𝗔𝗬

AMACALAN, Gerona, Tarlac – Nagtipon ang pamunuan, mga empleyado, at mga lineworker ng Tarlac I Electric Cooperative, Inc. (TARELCO I), sa pangunguna ni TARELCO I General Manager Francisco Owen D. Dizon, CPA, upang ipagdiwang ang National Lineworkers' Appreciation Day bilang pagkilala sa dedikasyon, katapangan, at mahalagang papel ng mga lineworker sa patuloy na paghahatid ng ligtas at maaasahang serbisyo ng kuryente sa mga member-consumer-owners. Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay "2026 NLAD: Kuryenteng Dumadaloy, Pagpupugay ay Patuloy."

Sa kanyang solidarity message, sinabi ni TARELCO I General Manager Francis Owen D. Dizon, CPA na ang pagdiriwang ay isang paraan ng kooperatiba upang kilalanin at pasalamatan ang mga lineworker na patuloy na nagsasakripisyo upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo ng kuryente sa kanilang mga nasasakupan.

Binigyang-diin din ni Dizon na ang matagumpay na pagdaraos ng programa ay naisakatuparan sa suporta at inisyatiba ng Board of Directors at ng top management ng kooperatiba.

Dagdag pa niya, marami nang naisagawang programa at aktibidad ang kooperatiba nitong mga nakalipas na buwan upang higit pang mapabuti ang serbisyo para sa kanilang mga member-consumer-owners, na naging posible sa tulong ng mga katuwang ng kooperatiba at sa dedikasyon ng kanilang mga lineworker.

Dinaluhan din ng mga opisyal at miyembro ng TARELCO I Board of Directors sa pangunguna ni Board President Nathaniel D. Balmores ang National Lineworkers' Appreciation Day. Dumalo rin sina Technical Services Manager Engr. Rodolfo R. Tal Placido, dating COMD Chief Engr. Renato Lalas, COM Section Head Richard Facunla, at COMD Chief Eden Mendoza, na nagbigay ng kani-kanilang mensahe ng suporta, inspirasyon, at pasasalamat sa mga lineworker.

Bahagi rin ng programa ang paggawad ng Certificates of Appreciation bilang pagkilala sa dedikasyon, katapangan, at mahalagang ambag ng mga lineworker sa patuloy na paghahatid ng ligtas at maaasahang serbisyo ng kuryente sa mga member-consumer-owners ng TARELCO I.

Sa pamamagitan ng pagdiriwang, muling ipinakita ng TARELCO I ang mataas na pagpapahalaga sa dedikasyon, katapangan, at sakripisyo ng mga lineworker na patuloy na nagsisilbi sa kanilang mga member-consumer-owners. Nagsilbi rin itong pagkilala sa mahalagang papel ng mga lineworker sa pagpapanatili ng ligtas, matatag, at maaasahang serbisyo ng kuryente sa mga komunidad na sakop ng kooperatiba.(GonzalesElizabeth)

NGCP prepares for Tropical Storm  Power system operator and transmission service provider NGCP has implemented the neces...
05/08/2026

NGCP prepares for Tropical Storm

Power system operator and transmission service provider NGCP has implemented the necessary preparations and precautions to minimize the impact of Tropical Storm Maymay on transmission operations and facilities.

Preparations include ensuring the reliability of communications equipment, availability of hardware materials and supplies necessary for the repair of damage to facilities, as well as the positioning of line crews in strategic areas to facilitate immediate restoration work.

NGCP’s Integrated Disaster Action Plan (IDAP) prescribes these and other procedures to ensure the readiness of all power transmission facilities expected to be affected by the passage of the weather disturbance. # # #

MGA ISKOLARS, BIKTIMA NG PAMUMULITIKA?Isang masakit na katotohanan ang muling sumambulat sa mga kabataang Tarlakenyo na ...
04/08/2026

MGA ISKOLARS, BIKTIMA NG PAMUMULITIKA?

Isang masakit na katotohanan ang muling sumambulat sa mga kabataang Tarlakenyo na umaasang makapagpapatuloy sa pag-aaral sa pamamagitan ng tulong-pinansyal. Sa halip na maging araw ng pasasalamat at pag-asa sa loob ng Gymnatorium, ang araw ng pamimigay ng scholarship sa ilalim ng programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay naging isang madilim na gunita ng kawalang-respeto sa karapatan ng mga kabataan.

Dumating ang mga scholar tangan ang kanilang mga pangarap, bitbit ang pag-asa na sa wakas ay may sasalo sa kanilang gastusin sa eskwela. Subalit ang sumalubong sa kanila ay hindi ang tulong na inaasam, kundi ang malamig na katotohanan na wala na ang kanilang mga pangalan sa opisyal na listahan. Walang abiso, walang pasubali, at walang paliwanag. Para bang ang mga taon ng kanilang pagsusumikap ay madali lamang burahin sa isang iglap ng mga taong may hawak ng kapangyarihan.

Ayon sa ilang kapitan ng barangay, ang biglaang pagtanggal sa mga benepisyaryong ito ay posibleng may halong kulay ng pulitika. Nakalulungkot isipin na maging ang kinabukasan ng mga estudyante ay ginagamit pa bilang piyesa sa maduming laro ng impluwensya. Kapag ang tulong ng pamahalaan ay dumaan sa salaan ng personal na interes at padrino system, ang tunay na nangangailangan ang laging nasasaktan.

Ang mga kabataang ito ay hindi humihingi ng limos; sila ay humihingi lamang ng makatarungang suporta para sa kanilang edukasyon na ipinangako naman ng pamahalaan. Ngunit paano sila lalaban kung ang mismong sistema na dapat kumalinga sa kanila ay siya pang pumuputol sa kanilang mga pakpak? Ang ganitong uri ng pamumulitika ay nagpapakita lamang ng kawalang-hiyaan ng mga taong mas pinapaboran ang kanilang mga kaalyado habang tinatapakan ang mga walang boses.

Ang insidenteng ito sa Tarlac ay hindi simpleng administrative oversight. Ito ay malinaw na paglapastangan sa dignidad ng mga kabataang umaasa sa bawat patak ng suporta upang marating ang kanilang layunin. Hanggang kailan magiging biktima ang mga maralitang estudyante ng mga pulitikong mas pinapahalagahan ang sarili kaysa sa kinabukasan ng bayan? Kung ang edukasyon ay patuloy na magiging bihag ng pulitika, paano pa aahon ang mga kabataan mula sa kahirapan?

Tropical Depression   UpdateAs of 03 August 2026/ 5:00PMNGCP’s transmission lines and facilities are under normal operat...
03/08/2026

Tropical Depression Update
As of 03 August 2026/ 5:00PM

NGCP’s transmission lines and facilities are under normal operations.


π—–π—’π—¨π—‘π—–π—œπ—Ÿπ—’π—₯ 𝗝𝗒𝗝𝗒 𝗕π—₯π—œπ—’π—‘π—˜π—¦, π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—£π—”π—‘π—¨π—žπ—”π—Ÿπ—” π—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—§π—”π—§π—”π—¬π—’ π—‘π—š π—–π—œπ—§π—¬ π——π—’π—š 𝗣𝗒𝗨𝗑𝗗TARLAC CITY β€” Nais ni City Councilor Jojo Briones n...
03/08/2026

π—–π—’π—¨π—‘π—–π—œπ—Ÿπ—’π—₯ 𝗝𝗒𝗝𝗒 𝗕π—₯π—œπ—’π—‘π—˜π—¦, π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—£π—”π—‘π—¨π—žπ—”π—Ÿπ—” π—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—§π—”π—§π—”π—¬π—’ π—‘π—š π—–π—œπ—§π—¬ π——π—’π—š 𝗣𝗒𝗨𝗑𝗗

TARLAC CITY β€” Nais ni City Councilor Jojo Briones na magkaroon na ng City Dog Pound sa Tarlac City bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya laban sa rabies at sa lumalalang problema sa mga a*ong pagala-gala.

Sa isang resolusyong pinagtibay ng Sangguniang Panlungsod noong Hulyo 22, 2026, hinimok ni Briones kay City Mayor Susan Yap na isama sa panukalang 2027 budget ang pondo para sa pagtatayo, pagpapatakbo, at pangangalaga ng City Dog Pound, gayundin ang pagsasanay ng mga tauhang mamamahala rito.

Ayon sa konsehal, makatutulong ang naturang pasilidad upang mas maging epektibo ang pagpapatupad ng City Ordinance No. 027-19 na nagtataguyod ng rabies control, pamamahala sa mga stray animals, at responsableng pag-aalaga ng mga alagang hayop. Kasabay nito, mas mapatitibay rin ang implementasyon ng Animal Welfare Act of 1998 at Anti-Rabies Act of 2007.

Sinabi ni Briones na bagama't mayroon nang umiiral na ordinansa kaugnay ng mga a*ong at pusang pagala-gala, nahihirapan ang pamahalaang lungsod na ganap itong maipatupad dahil wala pang city dog pound na pamamahalaan ng City Veterinary Office.

Aniya, magiging mas organisado rin ang pagpaparehistro ng mga alagang a*o at ang regular na pagbabakuna laban sa rabies kung magkakaroon ng pasilidad na maaaring pagdalhan at pangasiwaan ang mga nahuhuling stray animals.

Batay sa tala ng Animal Bite Treatment Center, tinatayang nasa 17,000 ka*o ng animal bite ang naitatala bawat taon noong 2024 at 2025. Ito ay katumbas ng halos limang porsiyento ng tinatayang 390,000 populasyon ng Tarlac City.

Dahil dito, iginiit ni Briones na napapanahon nang maglaan ng sapat na pondo ang pamahalaang lungsod para sa pagtatatag ng City Dog Pound upang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan, habang isinusulong ang responsableng pag-aalaga ng mga alagang hayop.(GonzalesElizabeth)

π—”π—¦π—˜π—­ π—ͺ𝗔𝗒, π—–π—’π—‘π—š. 𝗖π—₯π—œπ—¦π—§π—¬ π—Ÿπ—¨π— π—”π—šπ——π—” π—‘π—š 𝗠𝗒𝗔 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—˜π—‘π—©π—œπ—₯π—’π—‘π— π—˜π—‘π—§π—”π—Ÿ π—œπ—‘π—œπ—§π—œπ—”π—§π—œπ—©π—˜π—¦SAN JOSE, TARLAC β€” Pormal na nilagdaan ni Cong. C...
03/08/2026

π—”π—¦π—˜π—­ π—ͺ𝗔𝗒, π—–π—’π—‘π—š. 𝗖π—₯π—œπ—¦π—§π—¬ π—Ÿπ—¨π— π—”π—šπ——π—” π—‘π—š 𝗠𝗒𝗔 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—˜π—‘π—©π—œπ—₯π—’π—‘π— π—˜π—‘π—§π—”π—Ÿ π—œπ—‘π—œπ—§π—œπ—”π—§π—œπ—©π—˜π—¦

SAN JOSE, TARLAC β€” Pormal na nilagdaan ni Cong. Cristy Angeles at ng ASEZ WAO (Save the Earth from A to Z Worldwide) ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa ginanap na People’s Day sa Bayan ng San Jose, bilang pagsisimula ng kanilang pagtutulungan upang isulong ang iba't ibang environmental initiatives sa komunidad.

Dumalo rin sa naturang programa si Board Member Arron Villaflor ng Ikalawang Distrito ng Tarlac bilang pagpapakita ng suporta sa nasabing kasunduan at sa mga programang naglalayong pangalagaan ang kalikasan.

Layunin ng naturang kasunduan na palakasin ang mga programang nagtataguyod ng pangangalaga sa kalikasan, pagpapalawak ng kamalayan sa mga isyung pangkapaligiran, at paghikayat sa aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga gawaing nakatutulong sa pagpapanatili ng malinis at ligtas na kapaligiran.

Matapos ang ceremonial signing ng MOA, nagbigay naman ng makabuluhan at masiglang pagtatanghal ang mga kinatawan ng ASEZ WAO para sa mga dumalo sa People’s Day. Sa pamamagitan ng kanilang performance, ibinahagi nila ang kahalagahan ng pagkakaisa, volunteerism, at responsableng pangangalaga sa kalikasan bilang bahagi ng kanilang adbokasiya.

Inaasahang magsisilbing daan ang naturang kasunduan upang higit pang mapalawak ang mga environmental initiatives sa San Jose sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan, mga volunteer, at iba pang sektor ng komunidad. Ipinakita rin ng People’s Day na sa pamamagitan ng pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng bawat isa, mas magiging epektibo ang pagsusulong ng mga programang naglalayong pangalagaan ang kalikasan para sa kapakinabangan ng kasalukuyan at ng mga susunod na henerasyon.(GonzalesElizabeth)

π—–π—’π—‘π—š. 𝗖π—₯π—œπ—¦π—§π—¬ π—”π—‘π—šπ—˜π—Ÿπ—˜π—¦ π—‘π—”π—žπ—œπ—œπ—¦π—” 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—Ÿπ—¨π—Ÿπ—¨π—‘π—¦π—”π—— π—‘π—š π—•π—”π—šπ—’π—‘π—š π—£π—œπ—Ÿπ—œπ—£π—œπ—‘π—”π—¦ 𝗕𝗔π—ͺ𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π— π—”π—žπ—œπ—žπ—œπ—‘π—”π—•π—”π—‘π—š 𝗦𝗔 𝗧𝗔π—₯π—Ÿπ—”π—–TARLAC CITY β€” Nakiisa ...
03/08/2026

π—–π—’π—‘π—š. 𝗖π—₯π—œπ—¦π—§π—¬ π—”π—‘π—šπ—˜π—Ÿπ—˜π—¦ π—‘π—”π—žπ—œπ—œπ—¦π—” 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—Ÿπ—¨π—Ÿπ—¨π—‘π—¦π—”π—— π—‘π—š π—•π—”π—šπ—’π—‘π—š π—£π—œπ—Ÿπ—œπ—£π—œπ—‘π—”π—¦ 𝗕𝗔π—ͺ𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π— π—”π—žπ—œπ—žπ—œπ—‘π—”π—•π—”π—‘π—š 𝗦𝗔 𝗧𝗔π—₯π—Ÿπ—”π—–

TARLAC CITY β€” Nakiisa si Tarlac 2nd District Congresswoman Cristy Angeles kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa paglulunsad ng programang "Bagong Pilipinas: Bawat Bayan Makikinabang" sa Tarlac City Civic Center noong Hulyo 30.

Bilang Provincial Chairman ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa Tarlac, kabilang si Cong. Cristy Angeles sa mga opisyal na inimbitahan sa paglulunsad ng programang "Bagong Pilipinas: Bawat Bayan Makikinabang."

Layunin ng programa na palakasin ang suporta ng pambansang pamahalaan sa mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo para sa mga proyektong pangkaunlaran, edukasyon, at food security.

Sa naturang programa, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng β‚±102.2 milyong Socio-Civic Projects Fund (SCPF) para sa 511 barangay sa Tarlac. Kabilang dito ang β‚±100,000 para sa mga proyektong pangkaunlaran at pangkaligtasan ng bawat barangay, gayundin ang karagdagang β‚±100,000 bilang suporta sa limang Presidential Scholars sa bawat barangay.

Nasaksihan din ang pamamahagi ng rice assistance sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF), habang personal ding nakausap ng Pangulo ang ilang Presidential Scholars at hinikayat ang mga ito na gamitin nang mabuti ang tulong na kanilang natanggap upang makatulong sa pag-unlad ng bansa.

Ipinahayag ni Cong. Cristy Angeles ang kanyang suporta sa programa, na aniya ay malaking tulong ito para sa mga barangay at sa mga mamamayan ng Tarlac.

"Malaking tulong ito para sa ating mga barangay sa pamamagitan ng pondo para sa mga proyektong pangkaunlaran, Presidential Scholars, at rice assistance. Maraming salamat po, PBBM, sa patuloy na suporta sa Tarlac at sa bawat TarlaqueΓ±o," ani Angeles.

Sa pamamagitan ng naturang programa, muling ipinakita ang pagtutulungan ng pambansa at lokal na pamahalaan upang higit pang mapalawak ang mga serbisyong nakatuon sa edukasyon, kabuhayan, at kaunlaran ng mga barangay, na layuning makapaghatid ng mas maraming oportunidad at benepisyo sa bawat TarlaqueΓ±o.(GonzalesElizabeth)

NGCP prepares for Tropical Depression  Power system operator and transmission service provider NGCP has implemented the ...
02/08/2026

NGCP prepares for Tropical Depression

Power system operator and transmission service provider NGCP has implemented the necessary preparations and precautions to minimize the impact of Tropical Depression Luis on transmission operations and facilities.

Preparations include ensuring the reliability of communications equipment, availability of hardware materials and supplies necessary for the repair of damage to facilities, as well as the positioning of line crews in strategic areas to facilitate immediate restoration work.

NGCP’s Integrated Disaster Action Plan (IDAP) prescribes these and other procedures to ensure the readiness of all power transmission facilities expected to be affected by the passage of the weather disturbance. # # #

𝗧𝗔π—₯π—˜π—Ÿπ—–π—’ π—œ, π—‘π—”π—šπ—£π—”π—Ÿπ—œπ—ͺπ—”π—‘π—”π—š 𝗦𝗔 π— π—”π—Ÿπ—œπ—‘π—š π— π—˜π—§π—˜π—₯ π—₯π—˜π—”π——π—œπ—‘π—š 𝗦𝗔 π—©π—œπ—–π—§π—’π—₯π—œπ—”VICTORIA, Tarlac β€” Naglabas ng opisyal na pahayag ang Tarlac ...
02/08/2026

𝗧𝗔π—₯π—˜π—Ÿπ—–π—’ π—œ, π—‘π—”π—šπ—£π—”π—Ÿπ—œπ—ͺπ—”π—‘π—”π—š 𝗦𝗔 π— π—”π—Ÿπ—œπ—‘π—š π— π—˜π—§π—˜π—₯ π—₯π—˜π—”π——π—œπ—‘π—š 𝗦𝗔 π—©π—œπ—–π—§π—’π—₯π—œπ—”

VICTORIA, Tarlac β€” Naglabas ng opisyal na pahayag ang Tarlac I Electric Cooperative, Inc. (TARELCO I) kaugnay ng naiulat na insidente ng maling meter reading na nagresulta sa hindi tamang billing ng isang Member-Consumer-Owner (MCO) sa bayan ng Victoria, Tarlac.

Ayon sa TARELCO I, kaagad silang nagsagawa ng beripikasyon at masusing imbestigasyon matapos matanggap ang ulat ng insidente. Sa paunang pagsusuri, napag-alamang ang maling billing ay dulot ng hindi sinasadyang human error sa pagbasa at pagtatala ng metro, at hindi bunga ng sistematikong problema sa kanilang billing process.

Agad ding nakipag-ugnayan ang mga kinatawan ng kooperatiba sa apektadong consumer upang maitama ang account at matiyak na ang tamang konsumo lamang ang maisisingil. Kasabay nito, isinailalim na rin sa administrative review ang kinauukulang personnel alinsunod sa umiiral na mga patakaran ng TARELCO I upang matukoy ang pananagutan at maiwasan ang kahalintulad na insidente sa hinaharap.

Binigyang-diin din ng kooperatiba na paiigtingin nila ang validation at quality control measures sa kanilang meter reading at billing operations. Layunin nitong mapalakas ang katumpakan ng pagbabasa ng metro at mapanatili ang tiwala ng kanilang mga Member-Consumer-Owners sa serbisyong kanilang ibinibigay.

Humingi rin ng taos-pusong paumanhin ang pamunuan ng TARELCO I sa abalang naidulot ng insidente sa apektadong consumer. Iginiit nila na nananatili silang nakatuon sa pagbibigay ng tapat, patas, at de-kalidad na serbisyo sa lahat ng kanilang mga miyembro.

Samantala, hinihikayat ng TARELCO I ang mga consumer na may katanungan o nais magpa-re-reading at beripikasyon ng kanilang metro o billing statement na bumisita o makipag-ugnayan sa kanilang mga tanggapan upang agad na mabigyan ng kaukulang tulong at malinaw na paliwanag.(GonzalesElizabeth)

Address

Tarlac
2300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ups&Downers posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share