
01/08/2025
💸 Utang ng Pilipinas Umabot na sa ₱17.27 Trilyon! 😰
Sa ulat ng GMA Integrated News, ibinunyag ng Department of Finance na ang kabuuang utang ng bansa ay umabot na sa ₱17.27 trilyon.
Kapag hinati ito sa bawat Pilipino, lumalabas na may utang na ₱153,000 ang bawat isa sa atin — kahit mga sanggol, kasali na! 😟
Paliwanag ni Finance Secretary Ralph Recto, ang pangungutang ay ginagawa para mapalago ang ekonomiya at masuportahan ang mga gastusin ng pamahalaan.
💬 Sa laki ng utang, ramdam mo ba ang naging benepisyo para sa'yo at sa komunidad mo?