Tarlac Forerunner

Tarlac Forerunner To express not to impress

SINO NGA BA AT ANO ANG NAGING PERFORMANCE NG ISANG DATING MAYOR CRISTY ANGELES SA LUNGSOD NG TARLAC?NAKILALA  ANG ISANG ...
18/08/2025

SINO NGA BA AT ANO ANG NAGING PERFORMANCE NG ISANG DATING MAYOR CRISTY ANGELES SA LUNGSOD NG TARLAC?

NAKILALA ANG ISANG "CRISTY ANGELES" SA MUNDO NG PULITIKA NOONG TAONG 2013 BILANG BOARD MEMBER NG 2ND DISTRICT.

PAGDATING NG HALALAN 2016 SIYA AY PINAGKAISAHAN NG MGA TARLAKENTO BILANG PUNONGBAYAN SA KANILANG LUNGSOD.

SA KANYANG PAMAMAHALA AY IBINIGAY NIYA ANG BUONG HUSAY AT KATAPATAN PARA MAITAAS ANG ANTAS NG LUNGSOD TUNGO SA TAGUMPAY.

SA MGA DATOS NA ATING NAKALAP AY DINATNAN NIYA ANG LUNGSOD NOONG 2016 NA MAY DEFICIT NA ₱103M AT MAY PAGKAKAUTANG NA ₱600M.

NAGING MA-DISKARTE ANG ADMINISTRASYON NG DATING MAYOR,HINDI NIYA GINAWA ANG MANGUTANG BAGKUS AY NAGTIPID SA PAGGAMIT O PAG GASTA SA PONDO.

NAGBUNGA ANG PAMAMARAAN KAYA LAHAT NG UTANG NG LUNGSOD AY NABAYARAN, NAWALA ANG DEFICIT, AT LUMOBO ANG PONDO.

NAGING MASIGASIG DIN SIYA SA PAGSESERBISYO, PERSONAL NA HINAHARAP ANG KANYANG MGA KABABAYAN SA PEOPLE'S DAY PARA SA PANGKALUSUGAN.

SUMIBOL ANG MGA MALALAKING PROYEKTO SA LUNGSOD NA DI INAKALA NG MGA TAO NA MAGAGAWA NG ISANG BABAENG ALKALDE. GAYUNDIN SA BUONG 76 NA BRGY. AY NAKAPAGPATAYO NG MGA KAPAKI - PAKINABANG NA MGA PROYEKTO.

ANG PAMAHALAANG ANGELES AY NAGKAMIT NG SEAL OF GOOD FINANCIAL HOUSEKEEPING MULA SA KAGAWARAN NG DILG.

MULA 2017 HANGGANG 2024, 7 TAON NA NAGPAPATUNAY DA HUSAY, MATAPAT, MALASAKIT AT MABUTING PAMAMAHALA.

ANG LIDERATO NG ANGELES AY DIRETSO AT TAAS NOO NA HINAHARAP SA MGA TARLAKENYO NA MAKAPAG - IWAN SILA SA LUNGSOD NG WALANG UTANG, MAY HIGIT PANG 2 BILYON NA PONDO AT WALANG AUDIT DIS ALLOWANCE.

UMALIS SA LUNGSOD SI DATING MAYOR CRISTY ANGELES DAHIL NATAPOS NA ANG KANYANG TATLONG TERMINO.

DAHIL SA HINANGAAN SIYA NG MARAMI, NAKILALA SA KANYANG GALING AT KABUTIHAN NA UMABOT SA IBAT - IBANG BAYAN NG TARLAC.

SIYA AY BINANSAGANG "GIANT KILLER" DAHIL NAPATUMBA NIYA ANG KANYANG KATUNGGALI SA PULITIKA SA KALAMANGAN NG MALAKING BOTO PARA HI RANGING KINATAWAN NG SEGUNDO DISTRITO.

ANG KANYANG KATUNGGALI SA PAGIGING KONGRESISTA AY ISA NG MAITUTURING NA BETERANONG PULITIKO SA PROBINSYA TARLAC.

SI DATING MAYOR CRISTY ANGELES AY ISA NG CONGRESSWOMAN NA NAGSISIMULA NA NAMAN NA UMUKIT NG KASAYSAYAN SA BAYAN NG GERONA, SAN JOSE, VICTORIA AT SA TARLAC CITY NA KANYANG LABIS NA MINAHAL AT PINAGLUNGKURAN.

01/05/2025

Sino siya?

Siya si Winston Nucum Torres o mas kilala sa tawag na pangalang "Tonton Torres. 40 years old ipinanganak noong September 13,1984 sa Tarlac . Naging Sangguniang Kabataan (SK) Chairman ng Matatalaib taong 2022, nagpatuloy bilang Brgy. Kagawad noong 2007 pagkatapos ang tatlong taon ay napagkaisahang ihalal ng kanyang mga ka-Barangay na maging Brgy. Kapitan hanggang mahirang na rin bilang ABC Kapitan ng 76 Brgy. ng Lungsod ng Tarlac at siya ay naging Ex-Officio sa Sangguniang Panglungsod.

Ngayong Eleksyon 2025 siya ay lumalahok bilang Konsehal sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas at kasama ang buong Team Angeles sa pangunguna ni Aspiring Mayor Vic Angeles.

Adbokasiya ng isang Konsehal Tonton Torres na tuloy tuloy na maibaba at maiparamdam pa ang mga serbisyo sa mga Tarlakenyo lalo na ang mga nasa laylayan at pangarap na maging bahagi para sa isang masagana at maunlad pa na Tarlac City.

"Magsilbi Tamu"
Tarlac City

# 28 sa Balota
Torres, Tonton






KONSEHAL KT ANGELES KINONDENA ANG TAHASANG PAGTAPYAS SA 2025 BUDGET NG TARLAC CITY.Ito ang posisyon ni Councilor KT Ange...
25/04/2025

KONSEHAL KT ANGELES KINONDENA ANG TAHASANG PAGTAPYAS SA 2025 BUDGET NG TARLAC CITY.

Ito ang posisyon ni Councilor KT Angeles kung saan siya ay bumoto ng "N0" sa kanilang naging session sa Pag apruba ng Budget kamakailan lamang, Aniya para sa kanya ito ay Isang pamumulitika na di dapat magtagumpay sapagkat para kanya ang dapat laging isina alang - alang ay ang sambayanang Tarlakenyo.

Kahit na pa ipasa daw ng mga Kagawad o ng Sangguniang Panlungsod (SP) bilang ordinansa ang 2025 Budget, maraming nabagong programa mula sa original na mga planong paglalaanan na mungkahi ni Mayor Cristy Angeles dahil ito ay babawasan o tatapyasan ng pondo.

Ang mga ito ay para sa libreng gamot, libreng bakuna sa mga nakagat ng a*o o pusa, libreng school bags at school kits, koleksyon ng basura, at iba pang serbisyong direktang makikinabang ang mga Tarlakenyo.

Kaya ang giit ni Konsehal KT Angeles ay malaking NO, ang hakbang na ito at pagsabotahe sa operasyon ng lokal na pamahalaan at para sa matinong serbisyo para sa mga Tarlakenyo. Ito ay marka ng pamumulitika na walang pakinabang sa taong bayan.

Buwan ng Oktubre taong 2024 pa lamang ay isinumite na ang mungkahing P2.8B budget na pinag-aralan, kinonsulta sa mga department heads, at nakaangkla sa pangangailangan ng mga barangay at sektor ng lipunan. Isang matino at makataong budget na naglalayong tugunan ang tunay na pangangailangan ng lungsod.

Matapang na tumindig at ipinaglaban ng isang Konsehal KT Angeles na kandidato rin na Bise Mayor na hindi siya masisindak o tatahimik lalo na kung ito daw MALI!

Kaisa niya sa kanyang desisyon sa pagtutol sina Councilor Henry De Leon, Cesar Go, ABC Kap. Cernan Cruz, at SK Fed. Kakay Gozum sa paninindigang ipaglaban ang kabutihan at ipaglaban kung saan nakalaan ang Pondo ay doon dapat para sa kapakanan ng Taumbayan.

24 IN 1 PROGRAMA NI MAYORA CRISTY PATOK SA MASANG TARLAKENYO.Ito ang ang isa sa mga programa sa pangkalusugan ang iiwana...
22/04/2025

24 IN 1 PROGRAMA NI MAYORA CRISTY PATOK SA MASANG TARLAKENYO.

Ito ang ang isa sa mga programa sa pangkalusugan ang iiwanan ni Mayor Cristy Angeles sa pagtatapos ng kanyang termino bilang Alkalde ng Lungsod ng Tarlac ang 24 in 1 program.

Taong 2016 noong maging ina ng lungsod si Mayor Cristy at ang programa ay nagsimula lamang sa 5 in 1 hanggang sa lumawak ng lumawak dahil sa pagpupursige ng Angeles Administration sa layuning makapaghatid ng dekalidad na serbisyo sa mga Tarlakenyo ito ay naging posible.

Tuwing lunes ang araw ng People's Day sa Araw ng lunes dumadagsa ang tao upang humingi ng tulong sa Mayora ng Lungsod at ito agad agad na binibigyan ng aksyon lalong lalo na sa mga suliranin sa pangkalusugan.

Ang Programa din na ito ay lumalapit na rin sa Bawat Brgy. upang mas mapadali ang pagseserbisyo sa mga tao. ito ang pagmamahal at malasakit ng isang Mayor Cristy Angeles sa lahat ng mga Tarlakenyo lalong lalo na sa kanyang mga minamahal na nasasakupan.

MGA LARAWAN NG PAKIKIISA PARA SA KAPAYAPAAN SA  DARATING NA ELEKSYON 2025 NG MGA KANDIDATO SA BAYAN NG CONCEPCION!Paglal...
27/02/2025

MGA LARAWAN NG PAKIKIISA PARA SA KAPAYAPAAN SA DARATING NA ELEKSYON 2025 NG MGA KANDIDATO SA BAYAN NG CONCEPCION!

Paglalakad ng sama sama, panunumpa at paglalagda bilang tugon sa panawagan ng Comelec na sundin ang mga panuntunan na nakatala ng maging maayos at maisulong ang matapat, maayos, patas at malayang halalan.

Ang mga kandidatong dumalo ay mula sa
Partido NPC sa pamumuno ng Kasalukuyang Mayor Noel Villanueva kasama kanyang Bise Mayor na si dating Kagawad ng Bayan Evelyn Rivera Partido at mga konsehales ng Team Luv ko to.

Mula naman sa Partido Federal ng Pilipinas Concepcion Chapter (Team Anjo) ay dumalo si dating Mayor Andy David Lacson kasama ang kasalukuyang Bise Mayor na si Carla Bautista at ang Team P**a.

Dumating din mga kandidatong walang partidong pulitikal o Indipindyente nakiisa sa layuning maayos na eleksyon 2025.

Sa hanay naman ng kapulisan at militar ay kanilang ipinangako na pagpapaigting ng batas para sa kaligtasan at kapayapaan sa komunidad lalo na ang mga lumalahok sa pulitika.

Tulong tulong at pinagsikapan na idaos ang Peace Covenant Signing kahit magkakaiba ng paniniwala, pananaw at sinundang kandidato, p**a man o berde ay iisa ang hangarin maging malinis, matapat at malaya ang mga tao sa darating na eleksyon sa pagpili ng tamang kandidato na maglilingkod sa Bayang Concepcion!

**a ゚ **a

TINGNAN:  Mga nag - gagandahang kandidata ng Miss Paniqui 2025 nagpakilala na sa mga Paniquenians, sila ay binubuo ng 17...
16/02/2025

TINGNAN: Mga nag - gagandahang kandidata ng Miss Paniqui 2025 nagpakilala na sa mga Paniquenians, sila ay binubuo ng 17 na kandidata mula sa ibat ibang Brgy. ng Bayan.

Humarap din sila sa mga Kagawad ng Media para sa Q&A.

Ang mga kandidata ay binisita ni Paniqui Mayor Max Roxas at Inalalayan naman ni Vice Mayor Bien Roxas hanggang sa matapos.

Ang Miss Paniqui 2025 Sashing & Press Presentation ay ginanap kahapon ng 9am sa Waltermart, Paniqui, Tarlac.





Address

Tarlac
Tarlac
2314

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tarlac Forerunner posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share