06/09/2026
DEAR SINGLES, 🤍
HINDI KA KULANG DAHIL SINGLE KA.
Sino ang nagsabi sa’yo na may kulang sa buhay mo dahil wala kang boyfriend o girlfriend?
Dahil ba wala kang kausap tuwing gabi?
Wala kang ka-holding hands?
Wala kang makasama sa dates?
O dahil sa tuwing may family gathering o kasalan, may nagtatanong:
“Ikaw, kailan?” 😅
Minsan, dahil sa paulit-ulit nating naririnig, unti-unti nating naiisip:
“Baka may mali sa akin.”
“Baka nahuhuli na ako.”
“Baka kulang talaga ako.”
Pero dear single,
Hindi ka kulang dahil single ka.
Ang relationship status mo ay hindi sukatan ng worth mo.
Hindi nasusukat ang value mo sa kung may naghihintay sa’yo sa isang relationship.
Hindi rin matatagpuan ang tunay na fulfillment sa:
“I love you.”
Sweet messages.
Dates.
Anniversary posts.
O sa pagiging “in a relationship.”
Dahil ang puso ng tao ay hindi ginawa para ibang tao ang maging ultimate source ng fulfillment nito.
God alone can fill the place that belongs to Him.
May mga taong may boyfriend.
May mga taong may girlfriend.
May mga taong may asawa.
Pero maaari pa ring makaramdam ng loneliness, insecurity, at emptiness.
Bakit?
Dahil kahit gaano kaganda ang isang relationship, hindi nito kayang maging kapalit ng Diyos.
Kapag ginawa mong sagot ang isang tao sa lahat ng loneliness mo, magiging mabigat iyon para sa inyong dalawa.
Kapag ginawa mong source ng identity mo ang isang tao, madali kang mawawala kapag nagbago ang relationship.
At kapag ginawa mong buong mundo ang isang tao, mas masasaktan ka kapag dumating ang araw na kailangan niyang umalis.
Kaya huwag mong tingnan ang pagiging single bilang waiting room.
Tingnan mo ito bilang season of growth.
Isang season para mas makilala mo si Lord.
Isang season para lumalim ang faith mo.
Isang season para matutunan mong mahalin at alagaan ang sarili mo nang tama.
Isang season para maging content kahit wala ka pang relationship.
Dahil hindi dapat maging requirement ang relationship para maging masaya ka.
A relationship can add joy to your life, but it cannot become the source of your joy.
Sabi sa Colosas 2:10:
«“At kayo'y ganap sa kanya, na siyang ulo ng lahat ng pamamahala at kapangyarihan.”»
You are complete in Christ.
Hindi mo kailangan ng jowa para maging valuable.
Hindi mo kailangan ng relationship para magkaroon ng identity.
Hindi mo kailangang may kasama para masabing may halaga ang buhay mo.
You already have worth because you belong to God.
Bago ka pa mahalin ng isang tao dito sa mundo,
minahal ka na ng Diyos.
Kaya, dear singles,
Huwag mong madaliin dahil naiinggit ka.
Huwag mong pilitin dahil nai-pressure ka.
Huwag mong ibigay ang puso mo sa maling tao dahil lamang ayaw mong mag-isa.
Don't settle just because you're lonely.
Sa halip na habulin ang relationship,
habulin mo muna si Lord.
Grow in Him.
Serve Him.
Know Him.
Love Him.
At kung dumating man ang taong ipinagkatiwala ng Diyos sa buhay mo, hindi niya kailangang kumpletuhin ang buhay mo.
Dahil hindi naman siya ang kulang na piraso ng puzzle mo.
Kumpleto ka na kay Cristo. 🤍
Your singleness is not a punishment.
It is a season.
And whatever season you're in,
God is still working in you.
God bless, Shalom! 🕊️