Kwento Anekdota Tula Halaw Atbp

Kwento Anekdota Tula Halaw Atbp Naparito ka upang magbasa, magnilay, at at magbahagi, tama ba? Maraming salamat sa pagdalaw!

20/08/2025

Napadalaw?
Pusuan mo!

DAANG BAKALPanimula:Matagal-tagal na ring hindi kita nababagtasNgunit ang mga aral mo’y di pa rin kumukupas.Ang Dalawang...
20/08/2025

DAANG BAKAL

Panimula:
Matagal-tagal na ring hindi kita nababagtas
Ngunit ang mga aral mo’y di pa rin kumukupas.

Ang Dalawang Bakal:
Hindi sila nagpapanagpo ngunit magkatulad ng punta
Magkahiwalay man lagi ngunit sapat lang ang distansiya
Upang sa mga bakal na gulong ay magbigay giya.
Wangis nila’y mga g**o at mahal nating magulang
hindi man nagpapanagpo sa maraming bagay-bagay,
pero iisa ang tunguhin para sa bawat mag-aaral.

Ang Mga Baral
Semento nga at di sukat na mas mahina kaysa bakal
Pero ang pag-aalalay hindi kayang matawaran
Kahit yanong bigat lagi ang sa kanya’y nakaatang.
Wangis nila’y mga lider nitong ating kagawaran
Sambot lahat ng problema, hinding hindi inatrasan
Pagkat tanging ang pangarap: “Lahat ng bata’y nag-aaral”.

Ang Mga Turnilyo
Angkla silang ituturing – daang bakal pinatitibay
Binibigkis ng mahigpit upang hindi maghiwalay
Nang sa gayun aksidente ay ating maiwasan.
Ito naman ang gampanin nitong mga panuntunang
Inilapat, itinakda nitong ating paaralan:
Ating laging sinusunod – hindi tayo naliligaw.

Maestro_1972

Habang nagkakape ay biglang lumundag sa loob ng tasa ang isang langaw. Sa galit ko, itinaktak ko ang kape kahit hindi ko...
17/07/2025

Habang nagkakape ay biglang lumundag sa loob ng tasa ang isang langaw. Sa galit ko, itinaktak ko ang kape kahit hindi ko pa halos nababawasan.
"Kasura ay" bulong ko sa sarili. At dali-dali akong nagtimpla ng bago.
Pagkatapos nun, napaglimi-limi ko: "Bakit ko itinapon ang kape? Samantalang hindi ko naman maitapon ang mga bulok sa aking sistema araw-araw?"
Maaari rin sig**ong "magtimpla" na lang ng bago.

VALENTINE CARDGrade 3 ako nang una kong maranasang gumawa ng Valentine Card kase project namin sa school. At ang bilin n...
16/02/2025

VALENTINE CARD

Grade 3 ako nang una kong maranasang gumawa ng Valentine Card kase project namin sa school. At ang bilin ni mam, mas maganda kung ang magulang ang pagbibigyan. Pero kapag nakita na ni mam at maisulat na ang grade ko, isinasangat ko na lang sa libro. 😊 Ewan ko pero nahihiya ako. Kahit iyong palihim kong ginawang card para kay mam, di ko rin naibibigay. 😁

Tuwing Pebrero mula noon hanggang high school, pinag-iisipan ko ang materyales na gagamitin. Nariyang namimitas ako mg maliliit na dahong hugis puso o kaya ay mga tangkay ng halaman na kapag pinutol hugis puso. Water color lang at Krayola ang alam kong pangkulay noon, kaya iyon ang aking inaatikha. Minsan, ang mga art paper ang pinagdidiskitahan ko kapag tinatamad akong magtunaw ng Krayola o kaya walang toothbrush na magagamit pangwisik ng water color. 😂

Natigil lang ako paggawa noong nasa college na ako. Nakilala ko kase si Hallmark at di na ako naabalang mag-isip pa. Basta may P10 pataas, magkakaroon na ako ng card. Isuuslat ko na lang kung kanino ko ibibigay. Syempre, unang una na si crush. 😍

Nakalimutan ko na rin ang gayun noong magsimula na akong magturo. Ako na ang nakakatanggap mula sa mga maalalahanin at malalambing na mag-aaral. Ni hindi na rin ako nag-iisip na gumawa o bumili para mabigyan ang aking x-girlfriend - asawa ko na ngayon. 😂

Maging ang mga bata ay tila nalimutan na rin ang gumawa ng card dahil may Facebook, Instagram, Twitter at kung anu-ano pang social media na pwedeng doon na lang magpadala ng virtual greeting cards. Nawala na rin sa sirkulasyon si Hallmark. At nalimot na rin ang salitang creativity at originality na taglay ng mga talentadong murang isipan. 😥

Pero nitong nakaraang Lunes, dahil na rin sa pandemic, muling napukaw ang aking diwa at naantig ang damdamin. May mga batang nagpadala ng mumunting cards, bulaklak at sekolate kalakip ng kanilang Activity Sheets. Nakakatuwang isipin na dahil sa pandemyang ito ay muling nanumbalik ang pagkamalikhain ng ating kabataan. 👋

Salamat sainyo, guys! Happy Valentine's Day!
God bless you all! 🥰🤗

P.S. Walang dagdag na grades yan, ha? Haha.

Maestro_1972

11/02/2025

Break Time

Itinaktak ang isang tasang kape dahil lang sa maliit na langaw?
Whew!... Kung maitataktak din ang puso at katauhan, malaon na marahil naitapon at naubos ang laman. Panu ta ay di lang langaw ang laman... kundi pag-iimbot, kabiguan, at pagkagupiling ang nagsisilbing uod na kumakain! :)

Lasong naturingan ang langaw pero ang mapanlinlang na kalooban ay hindi kayang hiwalayan. Animo'y bagkat na napakatamis ngunit sa labi lang nararamdaman. :)

Maestro_1972


:)

10/02/2025

Si Yabang!
(Isagani P. Nocus)

“Otoy, ano iyan?” tanong ko.
“Si yabang po!” ang tugon
“Si yabang tamad yung kanya. Itong akin, si yabang ginto”, wika ng isa.

Nakakatuwa ang mga bata. Kulisap lamang ay nagiging libangan na. Bagama’t nakakaawa ang mga ito kapag kinukuha sa mga sanga ng puno, nakapagdulot ito sa akin ng inspirasyon.

Itinatali nila ito upang hindi makalayo ng lipad. Paikut-ikot sa itaas ng ulo, sa tagiliran, at sa kung saan-saan. Patuloy sa paglipad. Patuloy din ang pag-ugong ng pumapagaspas na pakpak. Ibig kumawala! Maging malaya! Lipad, tigil! Lipad, hinto! Lipad uli! Hirap na rin marahil kaya muling titigil. Mag-iipon ng lakas, saka muling lilipad.

Tayo din sa ating buhay ay may mga pagkakataong bumabagsak. Muling lilipad! Mapapagod, babagsak! Ito ang buhay na dapat nating maunawaan; tayo’y may maikling tali na ang nagtatangan ay ang Maykapal, ang Diyos! Kaya’t ipagpasalamat natin ang ating pagtigil sa paglipad at pagbagsak. Hindi nga baga at kapag tayo ay nakahandusay at walang lakas, saka pa lamang maaalaala na tayo ay nasa pangangalaga ng mapagpalang kamay ng Diyos? Totoo, na sa bawat pagbagsak natin, tayo ay tinatapik ng Diyos upang magpatuloy sa paglipad. Lipad, tigil! Lipad, hinto! At muling mag-iipon ng lakas upang muling makalipad.

03 Marso 2001

Kapit LangAraw-araw kong binabagtas ang mga kalyeng iyon. Halos memoryado ko na nga pati mga lubak. Kaya naman, malimit ...
08/02/2025

Kapit Lang
Araw-araw kong binabagtas ang mga kalyeng iyon. Halos memoryado ko na nga pati mga lubak. Kaya naman, malimit ay sa kasalubong o sinusundan kong sasakyan napapatuon ng husto ang aking pansin.
At kanina, kakaibang kakaiba ang aking biyahe - bukod sa marami akong karga sa aking motor eh namili pa ako ng set ng upuang kawayan. Kakaiba talaga. Kung dati ay mga dalawa o tatlong overloaded na traysikel lamang ang nakakasalubong o nilalampasan ko, kanina ay may karamihan. Parang nasanay na rin ako ng ganun. Pero kanina, kakaiba talaga!
Oo nga mabagal ang takbo ng traysikel na iyon, pero nakita ko ang pakikipagtuos ng mga bisig ng isang mag-aaral na babae (nasa elementarya siya) habang nakakapit ng husto sa likurang bahagi ng traysikel. Oo, sa likod! Mabuti man lamang sana kung ang likurang iyon ay may kargahan (backload slot). Kapit na kapit si Nene! Pursigong makapasok sa paaralan sa kabila ng paghihirap. Hindi alintana ang panganib!
Nagsasalimbayang diwa ang naglaro sa aking kaisipan habang daan... habang binabagtas ko ang halos memoryado ko ng kalye. Marami talaga! Napakarami!
Sa puntong ito, marahil ay magkatulad tayo ng naramdaman at naisip o kaya ay ginawa.

Maestro_1972

Isang RepleksyonKatulad din ng halaman na kinain na ng dawag.Ang problema'y lumalaki kapag wala kang panlunas.Ang kailan...
24/01/2025

Isang Repleksyon

Katulad din ng halaman na kinain na ng dawag.
Ang problema'y lumalaki kapag wala kang panlunas.
Ang kailangan ay linisin upang makita ang lawak
Na posibleng magpagaan ng problemang dinaranas.

Ang halaman kung bago pa sa lupa ay itatanim
Kailanga'y paghahanda, itong lupa'y patabain.
Hindi nga ba at ang tao bago kamtan ang hangarin
Paghahanda ay kailangan: katawan, isip at damdamin?


Address

Ilasan Ibaba
Tayabas
4327

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kwento Anekdota Tula Halaw Atbp posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share