05/02/2025
Bilang Seventh-day Adventist, tayo ay mga Protestante, na nangangahulugang naniniwala tayo sa sola Scriptura, ang Bibliya lamang bilang ang tanging makapangyarihang pundasyon ng ating pananampalataya at mga doktrina. Ito ay partikular na nauugnay sa mga huling araw, kung kailan, gaya ng sinabi ni Ellen G. White, ang Diyos ay magkakaroon ng “isang bayan sa lupa upang mapanatili ang Bibliya, at ang Bibliya lamang, bilang pamantayan ng lahat ng doktrina at batayan ng lahat ng mga reporma. ”—The Great Controversy, p. 595.