10/10/2025
                                            Babala ng PHIVOLCS: Sunod-sunod na Lindol, Posibleng Hudyat ng The Big One‼️
Sa gitna ng serye ng malalakas na lindol na yumanig sa iba't ibang bahagi ng bansa, lalong lumalakas ang pangamba sa posibilidad ng pagyanig ng tinaguriang “The Big One” — isang napakalakas na lindol na maaaring mangyari anumang oras.
Kamakailan lamang, niyanig ng 6.9 magnitude na lindol ang Cebu, habang isang 4.6 magnitude na pagyanig ang naitala sa Baguio nitong Huwebes. Kasabay nito, patuloy ang pag-ulan ng aftershocks sa Batangas, at ngayong araw, Oktubre 10, isang mapaminsalang 7.5 magnitude na lindol ang yumanig sa Davao.
Ayon sa mga eksperto, ang ganitong sunod-sunod na lindol o “clustered earthquakes” ay isa sa mga senyales na maaaring nauugnay sa nalalapit na paggalaw ng West Valley Fault — ang fault line na responsable sa posibleng paglabas ng “The Big One”.
Kung mangyayari ito, tinatayang mahigit 50,000 katao ang maaaring masawi, habang higit sa 100,000 ang posibleng masugatan, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Maraming lugar sa kalakhang Maynila at kalapit na probinsya ang lubos na maaapektuhan ng pagyanig.
Panawagan ng mga awtoridad: 
Maging handa. Siguraduhing mayroong emergency kit, alam ang mga evacuation plan, at laging alerto sa mga babala ng mga ahensya ng gobyerno.
Sa panahong ito ng hindi tiyak na kalamidad, ang pagiging handa ang ating pinakamahusay na sandata.
C: QPNU