06/08/2026
Ang wika ay hindi lamang salamin ng ating pagkakakilanlan. Ito ang tinig ng ating kamalayan at sandigan ng ating pag-unlad bilang isang bansa. Sa panahon ng mabilis na pag-usbong ng teknolohiya, higit na kinakailangang itaguyod ang Wikang Filipino bilang wika ng kaalaman, pananaliksik, at makabuluhang diskurso.
Sa pagdiriwang ng ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ ๐๐๐๐ na may temang "๐พ๐๐๐๐๐ ๐ญ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐จ๐ฐ: ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ป๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐," kaisa ang The Creed sa paninindigang ang โArtificial Intelligenceโ ay nararapat magsilbing katuwang at hindi kapalit ng mapanuring pag-iisip, masusing pananaliksik, at pananagutang akademiko.
Sa huli, naninindigan ang The Creed sa pagsusulong ng isang intelektuwalisadong Wikang Filipino, isang wikang hindi lamang nakasasabay sa pag unlad ng teknolohiya kundi patuloy ding humuhubog sa isang sambayanang mapanuri, makabayan, at nakaugat sa katotohanan.
Dibuho | Kiera Knightley Saripa