Romeyow

Romeyow How To See Yourself And The World

Huwag ka mahiya gawin ang isang bagay kahit na magisa ka. Masaya din minsan na mayroon kang sariling mundo - walang nang...
21/07/2025

Huwag ka mahiya gawin ang isang bagay kahit na magisa ka. Masaya din minsan na mayroon kang sariling mundo - walang nangingialam at walang nanghuhusga. And that's the real freedom na hindi kailan man matatagpuan sa iba.

-Romeyow

Mabilis lang ang takbo ng panahon, kapag hindi ka na kasabay maiiwanan ka talaga. Pero kung kikilos ka sa sarili mong pa...
19/07/2025

Mabilis lang ang takbo ng panahon, kapag hindi ka na kasabay maiiwanan ka talaga. Pero kung kikilos ka sa sarili mong paraan, mayroon ka talagang patutunguhan!

Isa sa natutunan ko dapat hindi pinagdadamutan ang sarili. Mahalaga na may oras ka parin para pasayahin ang sarili mo ka...
17/07/2025

Isa sa natutunan ko dapat hindi pinagdadamutan ang sarili. Mahalaga na may oras ka parin para pasayahin ang sarili mo kahit sa maliit na bagay lang. Kakampi mo ang sarili mo at hindi dapat kaaway.

madami o kaunti lang na kaibigan, basta lahat totoo at may mga pangarap sa buhay, bigyan mo sila ng lugar sa mundo mo.
15/07/2025

madami o kaunti lang na kaibigan, basta lahat totoo at may mga pangarap sa buhay, bigyan mo sila ng lugar sa mundo mo.

Hindi mo kakayanin magisa yan, open mo rin sa iba yan para gumaan🙏
09/07/2025

Hindi mo kakayanin magisa yan, open mo rin sa iba yan para gumaan🙏

KAHIT SOBRANG BIGATLahat naman siguro mayroong pasan-pasan na bigat. Ibat-ibang sitwasyon nga lang tayo. Yung iba nakaka...
05/07/2025

KAHIT SOBRANG BIGAT

Lahat naman siguro mayroong pasan-pasan na bigat. Ibat-ibang sitwasyon nga lang tayo. Yung iba nakakangawit na at yung iba nakakapagod.
Habang tumatanda ka, mas dumo-doble ang bigat nito kasi nagkaka responsibilidad ka na.

Pero yang dala-dala mo ang siyang magbibigay sayo ng dahilan para lumaban. May dahilan ka bakit hindi ka dapat sumuko.

Akalain mo kahit mabigat nariyan ka parin. Maging proud ka sa sarili mo dahil kinakaya mong dalhin.

Hindi rason ang bigat para tumigil ka sa iyong mga nasimulan. Kapag nakamit mo naman yung bagay na pinapangarap mo mabibitawan mo rin yan at mas gagaan.

Magtiis na lang muna sa sakit ngayon, hindi naman palagi nasa ilalim ka. Kaya magtuloy parin KAHIT SOBRANG BIGAT, dahil naghihintay lang sayo ang tagumpay!

LIBRE MO NAMAN SARILI MO!Ang number 1 rule ay hindi mo dapat pinagdadamutan ang sarili mo. Sarili dapat ang una bago ang...
28/06/2025

LIBRE MO NAMAN SARILI MO!

Ang number 1 rule ay hindi mo dapat pinagdadamutan ang sarili mo. Sarili dapat ang una bago ang iba.

It sounds selfish but that's the hard truth. Lahat naman siguro deserve maging masaya lalo na sa small wins natin.

Hindi naman kailangan sa mamahalin ka kumain, as long as na afford mo at alam mong ikakasaya mo, bakit hindi diba?

Tandaan mo, sa mundong ginagalawan mo, isa lang ang iyong kakampi sa huli - ang iyong sarili.

Kaya mahalin mong buo at itrato mo nang tama ang buo mong pagkatao,

At minsan LIBRE MO NAMAN ANG SARILI MO!

Celebrate every part of your efforts and that's the fuel of success!

WALA NANG NATIRAMay iba siguro sa inyo nagtataka wala nang natitira. Ilang araw lang matapos ang sahod sobrang bilis lan...
25/06/2025

WALA NANG NATIRA

May iba siguro sa inyo nagtataka wala nang natitira. Ilang araw lang matapos ang sahod sobrang bilis lang maubos.

Alam mo, lahat ng tao dumadaan sa ganyan. Minsan pa nga zero days at walang makapitan.

Ang tanong lang naman diyan ay saan napupunta ang pera? If you are using your money to help others or spending it for yourself and the future, hindi nasasayang yon. Naiipon lahat yon at aanihin mo lahat yun pagdating ng panahon.

Make sure you spend not only your money but your time wisely. Malaki ang pagbabago sayo nito kung alam mo saan gagamitin.

Kaya kung zero ka ngayon, hindi ibig sabihin wala kang kwenta. You are just preparing yourself for your better future.

Malay mo someday your, "WALA NANG NATIRA" turns to, "SOBRA-SOBRA PA."

MALAYO PA MARARATING MO!Pagdating sa pangarap, wala yang hangganan. Pataasan yan kahit saan ka pa umabot.Yan yung bagay ...
24/06/2025

MALAYO PA MARARATING MO!

Pagdating sa pangarap, wala yang hangganan. Pataasan yan kahit saan ka pa umabot.
Yan yung bagay na kapag dala-dala mo you are unstoppable.

But some dreams become just dreams if you stop believing. Yan ang nagiging multo na tinatawag nila.

Kung nakita mong naliligaw ka sa gusto mong marating, pwede ka naman bumalik. Pwede mo balikan. Nawawala lang naman minsan ang kislap nito kapag hindi mo binibigyan ng apoy para lumihab.

I know it's hard, but if you believe, you will succeed. Kahit na ano pang pinagdadaanan mo ngayon o kahit nasan ka pa, ikaw lang ang makakagawa ng sarili mong realidad.

Hindi ka lang basta nariyan at nabubuhay. You have something within yourself that is more valuable than material wealth.

Huwag mong limitahan ang pagiisip mo dahil MALAYO PA ANG MARARATING MO!


PAGOD KANA?Alam ko naman kahit hindi mo sabihin. The way you sacrifice your energy para lang kumita is a sign of hard wo...
21/06/2025

PAGOD KANA?

Alam ko naman kahit hindi mo sabihin. The way you sacrifice your energy para lang kumita is a sign of hard work.

It's normal to feel that way lalo na if you have big dreams to achieve. Yang pagod mo ay requirements lang yan para sa mas magandang bukas.

Ganon lang naman yun eh, kung hindi ka napapagod ibigsabihin hindi ka kumikilos. Kapag hindi ka kumikilos ibigsabihin wala kang plano sa buhay mo.

Yang efforts nagbubunga din yan lalo na kung consistent ka. Kaya okay nang mapagod at least you see results kahit na kaunti lang and you are improving everyday.

Huwag kang tumigil abutin ang pangarap mo. Kung napapagod ka man, magpahinga ka. Don't push yourself too hard. Showing up everyday is a big game changer.

Kung nakaramdam ka ulit ng pagod,

ISIPIN MO ANO ANG DAHILAN PARA SAAN BA LAHAT NG GINAGAWA MO

Malinaw na layunin ang susi para hindi ka maligaw at hanapin mo yung sayo!

SAAN KA BA PAPUNTA?We have different paths and choices we face everyday. Yung iba sobrang bigat na dalhin at yung iba na...
19/06/2025

SAAN KA BA PAPUNTA?

We have different paths and choices we face everyday. Yung iba sobrang bigat na dalhin at yung iba naman hindi mo alam kung saan ka ipupunta.

Pero isa lang ang sigurado ako, nariyan ka parin at hindi sumusuko dahil sa mga pangarap mo.

May malaki ka pang vision para sa sarili mo at sa ibang tao at yan ang dahilan bakit patuloy ka parin sa pagharap sa panibagong hamon.

Sa mga dinadaanan nating lugar - malubak o malayo, isa lang din naman ang patutungungan natin.

ANG BUHAY NA GUSTO NATING MAKUHA.

Laban lang, magbubunga rin lahat ng paghihirap mo!

Address

Taytay

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Romeyow posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Romeyow:

Share