
29/08/2025
"silent quit"
SILENT RESENTMENT AS A WIFE
I’m 31F, married for 6 years. May isa kaming anak, 4 years old. From the outside, people think maayos kami. Pero deep inside, I feel like I’ve started to “silent quit” as a wife.
Hindi siya babaero. Wala akong issue na may third party. Pero yun nalang ba talaga ang standard ngayon? Yung wala lang ibang babae = good husband na? Kasi apart from that, wala na akong nararamdaman na effort. No surprises, no special dates, ni hindi na rin niya naaalala birthday ko. Ako pa yung bumibili ng cake para may mapakain sa anak namin.
Pagod na pagod na ako everyday—nagwowork ako online, ako nag-aasikaso sa bata, tapos household chores pa. Siya? Pag-uwi galing trabaho, cellphone agad. Konting kalabit ng anak namin, sisigawan agad. Kung hindi ko pa ipaalala, ni hindi niya kakausapin o kakargahin anak niya. Ang sakit kasi gusto kong palakihin ang anak namin na may gentle parenting, pero nasisira dahil sa init ng ulo niya.
Kapag sinusubukan kong kausapin about how I feel, ang sagot niya: “So wala pala akong kwentang asawa.” Defensive agad, instead of just listening. I cry at night minsan, remembering how he used to promise na hindi niya ako paiiyakin. Pero ngayon, nakikita niyang umiiyak ako… wala lang. Tuloy ang scroll sa phone.
I carry the mental load—budget, groceries, schedule ng anak, lahat ng gawain sa bahay. Parang wala akong ka-partner. Oo, may times na sweet siya, pero mas madalas yung galit at sigaw. And when he says sorry, walang kasamang pagbabago.
Kaya eto na ako ngayon. Hindi na ako nag-aaway. Hindi na ako nagrereklamo. Hindi na ako umaasa. Instead, I focus on myself and my child. Kung gusto niyang sumama sa amin, okay. Kung ayaw niya, mas okay. I’ll take care of my own happiness. Kasi at the end of the day, kung hindi ko mamahalin sarili ko, sino pa?
Hindi ko siya iiwan… pero hindi ko na rin siya pilit lalabanan. Ang kaya ko lang ibigay, bare minimum. Kasi yun lang din naman ang effort na nakukuha ko.