Seraine DigiBooks Studio

Seraine DigiBooks Studio Free and Paid Stories ♥️

Chapter 4: The Green Zone InvitationMatapos ang Intelligence Trial, parang may nagbago sa hangin ng Aurelius Academy.Hin...
14/03/2026

Chapter 4: The Green Zone Invitation

Matapos ang Intelligence Trial, parang may nagbago sa hangin ng Aurelius Academy.

Hindi pa lumalabas ang official results, pero halata na sa mga estudyante ang tensyon.

May mga confident.
May mga kinakabahan.

At may mga tulad ko…

na kailangang magpanggap.

Habang naglalakad ako papunta sa cafeteria, napansin kong mas maraming bulungan kaysa karaniwan.

“May special challenge daw sa trial.”

“Hindi lahat naka-access doon.”

“Ang sabi may nakasagot daw ng halos perfect.”

Tahimik lang akong nagpatuloy sa paglalakad.

Pagpasok ko sa cafeteria, katulad ng dati ay nahati ito sa iba't ibang zones.

Red.

Orange.

Yellow.

Green.

Blue.

Violet.

At ang pinakamataas—

Black and White.

Dumiretso ako sa Red Zone.

Ngunit bago pa ako makarating sa counter, may humarang sa daan ko.

Green blazer.

Messy hair.

Ngumiti siya.

“Kai Mendoza,” sabi niya ulit, parang hindi pa kami nagkakilala kahapon.

Napabuntong-hininga ako.

“Alam ko.”

“Tara.”

Napakunot ang noo ko.

“Saan?”

“Green Zone.”

Hindi pwedeng basta pumasok doon ang isang Rank F.

“Hindi ako pwede doon.”

“Pwede kung may invitation.”

Ipinakita niya ang Aurelian Card niya.

“Rank privilege.”

Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito.

“Bakit?”

Ngumiti siya nang kaunti.

“Kasi boring kung puro predictable na tao lang ang kausap ko.”

Napatingin ako sa paligid.

May ilang estudyante na nakatingin na sa amin.

Kapag tumanggi ako…

lalong magiging suspicious.

“Fine,” sabi ko.

Sumunod ako sa kanya papunta sa Green Zone.

Mas maaliwalas ang area.

Mas comfortable ang chairs.

At mas maayos ang pagkain.

Habang kumukuha ako ng tray, naramdaman kong may mga mata na nakatingin sa akin.

Isang Rank F…

sa Green Zone.

Hindi normal.

Umupo kami sa isang mesa sa gilid.

“Relax,” sabi ni Kai habang kumakain.

“Hindi ka naman kakainin ng mga tao dito.”

Hindi ko napigilan ang bahagyang ngiti.

Ngunit biglang tumahimik ang buong zone.

Napatingin ang lahat sa entrance.

Blue blazer.

Seraphina Cortez.

Kasama ang ilang Rank A students.

Ngunit hindi sila sa Blue Zone pumunta.

Diretso sila sa Green Zone.

At diretso…

sa mesa namin.

Huminto si Seraphina sa harap ko.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

“Interesting.”

Tahimik ang buong paligid.

“Rank F,” sabi niya.

“Sa Green Zone.”

Walang emosyon ang mukha niya.

Ngunit ramdam ang lamig ng boses.

“Alam mo ba kung nasaan ka?”

Bago pa ako makasagot, sumingit si Kai.

“Invitation ko.”

Tumingin siya kay Kai.

“Hindi iyon ang tanong ko.”

Bumalik ang tingin niya sa akin.

“Tanong ko…”

Lumapit siya nang kaunti.

“…kung alam mo ba kung gaano ka kababa sa system ng academy na ito.”

Tahimik lang akong nakatingin sa kanya.

Hindi ako nagalit.

Hindi rin ako natakot.

Dahil sa isip ko…

alam kong hindi niya alam ang totoo.

Na ang taong kinakausap niya ngayon…

ay maaaring mas mataas pa sa rank na pinoprotektahan niya.

Ngunit bago pa ako makasagot—

may isa pang boses na narinig sa likod niya.

“Seraphina.”

Napalingon ang lahat.

Sa entrance ng Green Zone ay nakatayo si Adrian Velasco.

Violet blazer.

Rank S.

Tahimik ang buong cafeteria habang naglalakad siya papunta sa mesa namin.

Huminto siya sa tabi ni Seraphina.

Pagkatapos ay tumingin sa akin.

Diretso.

Observant.

At may kakaibang interes sa mga mata niya.

“Leave her.”

Natahimik ang paligid.

Tumingin si Seraphina sa kanya.

“Why?”

Saglit siyang tumahimik.

Pagkatapos ay sinabi niya ang mga salitang nagpahinto sa buong cafeteria.

“Because she passed the Special Challenge.”

Parang biglang nawalan ng hangin ang paligid.

Napatingin sa akin ang lahat.

Hindi ako gumalaw.

Hindi ako nagsalita.

Dahil sa sandaling iyon—

alam kong nagsimula na ang problema.

Dahil kung nalaman ni Adrian ang tungkol sa Special Challenge…

gaano pa karami ang alam niya?

At mas mahalaga—

gaano pa karami ang kaya niyang malaman?

14/03/2026

Chapter 4&5 bukas ko ipo-post

Goodnight World!♥️

14/03/2026

Posting another free stories for awhile.. enjoy reading♥️

Case #27: The Varsity Suspect (One Shot Story)Hindi marunong umibig si Althea Ramirez.Hindi dahil wala siyang option.Hin...
28/02/2026

Case #27: The Varsity Suspect (One Shot Story)

Hindi marunong umibig si Althea Ramirez.

Hindi dahil wala siyang option.
Hindi dahil walang nanliligaw.

Kundi dahil mas gusto niyang maghanap ng butas sa alibi kaysa butas sa sarili niyang damdamin.

Campus journalist.
Dean’s lister.

At ang tinatawag ng buong Westbridge University na “Student Detective.”

Kapag may issue—
Siya ang may resibo.
Siya ang may screenshot.
Siya ang may katotohanan.

Kaya nang mawala ang Political Science midterm answer key,
iisa lang ang ginawa niya—

Maghanap ng suspect.

At iisa lang ang pangalan na paulit-ulit lumalabas sa ebidensya.

Marcus Villanueva.

Varsity captain.
Golden boy ng university.
At ang lalaking hindi niya maintindihan kung bakit laging nakatingin sa kanya na parang siya ang binabasa.

Tahimik ang library nang harapin niya si Marcus.

“Alam mo kung bakit kita pinapunta dito,” malamig niyang sabi.

Marcus nakasandal lang sa bookshelf, kalmado.
Masyadong kalmado.

“Impress me,” sagot nito.

Inilapag niya ang printed CCTV still.

“10:43 PM. Faculty hallway. Ikaw lang ang nandun.”

“Context?” taas kilay nito.

“Locked na ang building after 10.”

“Varsity practice ran late.”

“Access mo ang faculty wing?”

“Wala.”

“Pero nandun ka.”

Tumigil ang hangin sa pagitan nila.

Lumapit si Marcus. Isang hakbang. Dalawa.

“Alam mo, Detective,” mahina niyang sabi,
“kung ako ang may kasalanan, masyado naman akong obvious.”

“Guilty people make mistakes,” sagot niya.

“Or,” bulong nito,
“maybe someone wants you to look at me.”

Napalunok si Althea.

Hindi dahil tama siya.
Kundi dahil masyado itong malapit.

Naamoy niya ang faint scent ng cologne nito.
Narinig niya ang steady na paghinga.

“Step back,” utos niya.

“Make me.”

At doon nagsimula ang pinaka-delikadong kaso ng buhay niya.

Habang lumalalim ang investigation, mas dumadami ang butas sa ebidensya laban kay Marcus.

Edited timestamps.
Missing 12 minutes sa CCTV.
Anonymous tipper na ayaw magpakilala.

At isang message sa phone niya:

Stop digging. Or you’ll regret it.

Hindi siya natakot.

Pero nang may mag-iwan ng envelope sa locker niya na may printed photo niya sa rooftop—

Doon siya kinabahan.

May nagmamasid.

At hindi iyon si Marcus.

Gabi ng foundation day.

May nakita siyang kahina-hinalang galaw sa rooftop.

Hindi siya nag-atubiling umakyat.

Nandoon ang Academic Officer.
May hawak na USB.

“Looking for this?” tanong nito.

Confession spilled.
Desperation.
Access privilege abuse.

Pero bago niya marecord ang lahat—

Hinila siya ng lalaki.

Nadulas siya malapit sa edge.

At sa isang iglap—

May kamay na humawak sa kanya.

Marcus.

Hawak ang braso niya.
Buong lakas siyang hinila palayo sa gilid.

“Are you insane?!” sigaw nito.

“May ebidensya ako—”

“Pwede kang mahulog!”

“Worth it—”

“Hindi ka worth risking!”

Tumigil siya.

Sa unang pagkakataon, galit ang mata ni Marcus.
Hindi playful.
Hindi smug.

Takot.

“Akala mo ba hindi ako natatakot?” boses nitong nanginginig.
“Simula nang simulan mo ‘tong kaso, ikaw ang binabantayan ko.”

“Binabantayan?” hingal niyang tanong.

“Hindi dahil guilty ako.”

“Kung hindi?”

Doon siya tumahimik.

Lumapit si Marcus, mas malapit kaysa dati.

“Dahil ikaw ang pinaka-reckless na matalino sa campus.”

Tahimik ang rooftop.
Naririnig lang ang fireworks sa ibaba.

At doon siya umamin.

“Hindi ko alam kung kailan nagsimula,” mahina niyang sabi.

“Siguro nung una mo akong ininterrogate.”

“Hindi ka takot.”

“Hindi ka impressed.”

“Hindi ka katulad ng iba.”

Napatingin siya sa kanya.

“At first, gusto lang kitang asarin.”

“Pero habang tumatagal…”

Huminga siya nang malalim.

“Mas interesado ako sa’yo kaysa sa kaso.”

Hindi agad siya nakasagot.

“Althea,” mas seryoso ang tono nito,
“hindi ako ang suspect mo.”

“Ang kinakatakutan mo—
yung possibility na may maramdaman ka.”

“Because you don’t lose cases.”

At mas lalong ayaw niyang matalo sa pag-ibig.

Lumapit pa si Marcus.

Hinawakan ang mukha niya—dahan-dahan, parang may pahintulot sa bawat galaw.

“Hindi kita gustong maging case file.”

“Gusto kitang maging choice.”

Bumilis ang tibok ng puso niya.

“Paano kung mali ako?” tanong niya.

“Then let’s solve it together.”

At doon niya unang inamin sa sarili—

Hindi lahat ng mystery kailangan lutasin mag-isa.

Nahuli ang totoong culprit.
Naibalik ang integrity ng exam.
Na-clear ang pangalan ni Marcus.

Pero may naiwan pang isang envelope.

Sa loob—

Mga candid photos niya sa campus.

May note.

Case #28:
“Paano mapaamin ang student detective na mas matagal na siyang may gusto sa suspect kaysa sa pag-amin niya sa sarili niya?”

Lumapit si Marcus mula sa likod.

“Research pa rin ‘yan?” tanong niya.

Ngumiti ito.

“Long-term study.”

“Tungkol saan?”

“Tungkol sa’yo.”

Tahimik.

Walang fireworks.
Walang audience.

Siya ang unang nagsalita.

“Marcus.”

“Hmm?”

“Case closed.”

“Which one?”

Lumapit siya.
Hinawakan ang collar nito.

“Itong pag-iwas ko.”

Hindi dahil nanalo siya.
Hindi dahil may ebidensya.

Kundi dahil sa unang pagkakataon—

Pinili niyang hindi maging detective.

Kundi maging babae.

---End---

Cover photo release!!!✨🫶😍Ano tingin niyo maganda ba?🤗
26/02/2026

Cover photo release!!!✨🫶😍

Ano tingin niyo maganda ba?🤗

Address

Taytay
1920

Telephone

+639273587212

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Seraine DigiBooks Studio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share