20/06/2025
LOOK G**o, 'Di Inasahan ang Liham Mula sa Estudyanteng Gutom at Walang Pambaon
Maraming netizens ang naantig sa ibinahaging kwento ni Teacher Myo Ren, isang Junior High School TLE teacher sa isang pampublikong paaralan, matapos niyang ikuwento ang karanasan niya sa isa sa kanyang Grade 7 advisees.
Sa isang Facebook post, inilahad ni Teacher Myo Ren na habang siya ay nagbe-break sa oras ng recess, lumapit sa kanya ang estudyante at humiram ng pera. Hindi raw ito ang unang pagkakataon na humingi ng Php10.00 ang bata—minsan pambile ng meryenda, pamasahe, o pang-araw-araw na kailangan. Sa kabila ng kahirapan, laging sinisigurado ng bata na maibalik ang inutang—kahit na hindi na ito tinatanggap ng g**o.
Ngunit sa pagkakataong ito, Php100.00 ang iniabot ni Teacher Myo Ren. Ang bilin niya: "Bumili ka ng rice meal para siguradong busog ka."
Pagbalik ng bata, iniabot nito ang Php90.00 at biscuit lamang ang binili niya. Muli, pinairal ng bata ang disiplina at pagtitipid kahit sa gitna ng kakulangan.
Ibinahagi rin ni Teacher Myo Ren na madalas umabsent ang estudyante dahil wala itong pambaon. “Gagawan pa raw ng paraan ng mama niya,” ani ng g**o. Kaya’t sinabi niya sa bata na basta pumasok ito sa klase, bibigyan niya ng biscuit at tubig.
“Ang trabaho talaga natin bilang g**o ay hindi naguumpisa at natatapos sa klase—madalas higit pa don,” dagdag pa ni Teacher Myo Ren.
Umani ng papuri ang g**o mula sa netizens, na nagsabing saludo sila sa mga g**ong katulad niya. Hindi man malaki ang sahod, handa pa rin silang tumulong at maging pangalawang magulang sa mga batang tulad ni Tonyo.
Nanawagan din ang ilang netizens na sana ay mas mapalawak pa ng gobyerno ang mga feeding program sa mga pampublikong paaralan. Dahil nakakabahala ang katotohanang may mga batang nagugutom habang nasa loob ng klase.
Ang kwento ni Teacher Myo Ren ay paalala sa lahat na sa likod ng bawat estudyanteng tahimik lang sa isang sulok, maaaring may pinagdaraanan. CTTO