
06/08/2025
📣 PAGLULUNSAD NG BUWAN NG WIKA 2025‼️
Opisyal na binuksan ng Senior High School- San Beda University Rizal ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, sa pangunguna ng KATAFIL at Makatang Bedista.
Nagpamalas ng natatanging pagtatanghal ang ilang kaguruan sa pamamagitan ng pagsayaw at masining na pagbati gamit ang kanilang wikang katutubo.
Kaugnay ng pagdiriwang, binanggit din ang iba’t ibang gawain at mga patimpalak na magaganap sa mga susunod na araw, tulad ng Tugsayawit, Sanay Magsanaysay, Tula ng Diwa't Wika, Ispelebrasyon, Kasuotan at Salo-Salong Pinoy.
Ang mga nasabing gawain ay nakatakdang ganapin mula bukas, ika-7 ng Agosto hanggang sa susunod na linggo, ika-13 ng Agosto, 2025.
✍️Julia Celestial
📸Xyniah Vasquez