26/06/2026
Hindi lahat ng pagod nakikita.
May mga gabing habang tulog na ang iba, tayo naman ang naghahalo ng batter. May mga umagang amoy mantikilya at harina ang kamay bago pa man mag-almusal. May mga cake na ilang oras ginawa, pero ilang minuto lang ubos.
Pero sa bawat “Ang ganda!” at “Ang sarap!”, lahat ng pagod nagiging sulit.
Hindi lang tayo gumagawa ng cake.
Gumagawa tayo ng alaala para sa mga espesyal na araw ng ibang tao.
Kaya sa bawat baker na minsang napagod, nadismaya, o muntik nang sumuko… tandaan mo, may puso sa bawat likha mo. ❤️
Keep baking. Keep creating. Keep making people smile.
— Sweetie Tow 🧁