16/05/2025
Caloocan, Handa Na Ba Tayong Makinig sa Katotohanan?
Marami pa rin sa atin ang hindi handang tumanggap ng totoo lalo na kung ito’y salungat sa ating paniniwala. Pero panahon na para buksan ang isip, hindi lang ang damdamin.
Oo, maraming DDS sa Caloocan. Pero ang masakit na katotohanan:
Hindi si Trillanes ang tunay na natalo sa halalan kundi tayong lahat sa Caloocan.
Bakit? Dahil sa mga sumusunod:
Disinformation.
Kakulangan sa tamang kaalaman sa politika at pamamahala.
Pagpapasya batay sa emosyon, hindi sa prinsipyo o talino.
Ang Caloocan na pinangarap nating maging katulad ng Pasig—may tapat na pamahalaan, may malinaw na plano, at may tunay na malasakit ay nananatiling pangarap lamang.
Nasanay na tayo sa kaunting ayuda: bigas, de-lata, at pa-picture. Pero nasaan ang long-term na solusyon? Nasaan ang tunay na serbisyo?
Naalala pa ba ninyo ang inyong mga hinaing?
“Mayor, ito lang ba?”
“Bakit walang pagbabago?”
Malinaw na tila hindi pa rin natututo ang ilan sa atin. Pero hindi pa huli ang lahat.
Kaya pa nating baguhin ang takbo ng lungsod
kung tayo ay magising at pumili ng mas tama.
(2028)