06/06/2025
Hello Admin,paki hide nalang Yung name ko, sobrang thankful ako sa page na to
Gusto ko lang mag share ng sugarol stories ko, lagi akong nag babasa sa page na to lagi ko inabangan Yung mga bagong post mo about sa mga naaadik sa sùgãl
Di ko alam na aabot din Pala sa part na pati ako kailan ko ng iShare Yung karanasan ko sa dem0ny0ng online games na Yan..
Isa akong sales promoter sa mall sa Isang kilalang brand ng cellphone minimum lang Ang sahod ko pero kaya kung kumita ng 1k to 2k a day bukod pa sa basic salary ko at may monthly incentive pa akong nakukuha nasa 10k to 15k dipende sa na benta ko na unit
Madiskarte akong tao at may mga commission kami na natatanggap kapag nakaka benta ako may Isa akong anak at asawa Masaya kami sa Araw Araw.
Nabibili ko Yung mga kailan para sa anak ko at mga gamit sa bahay kada month may bagong gamit akong nabibili at laruan para sa anak ko at na igagala ko madalas mag ina ko sa mall kada rest day ko.
Nag umpisa pala ako mag sùgãl way back 2023 Nung may napanuod ako na sikat na vlogger at nakikita ko din sa mga ka trabaho ko na may nilalaro Sila sa gcash na online games scãtt3r
Nung una tamang nuod lang ako at Hindi interesado, tapos hanggat sa nag try ako nag cash in ako 100 lang sabi ko kahit matalo okay lang libangan lang Naman kada break time ko 100 lang at iniisip ko baka swertihin din ako kagaya ng ka work ko na nanalo ng 30k,
Ayun na nga nanalo ako 16k Masaya ako nun pero Ayun na Pala Yung Araw na mag uumpisa ng pag bagsak ko sa Buhay dahil na ãdd!ct ako
Hindi nako na kuntento sa 100 na cash in lang tapos buong Araw nako nag lalaro sa Isang araw natatalo ako ng mahigit 5k at natalo din Yung napanalunan ko na 16k tuloy padin ako na inisip ko baka maka max win at maka bawi ako tapos Saka nako titigil pero Ganon padin Araw Araw talo
Hanggat sa nag Kanda utang utang nako na Hindi ko Naman talaga Gawain dahil mahiyain ako pag dating sa ganon, pati trabaho ko napabayaan ko na di na din ako nakaka benta ng unit dahil nag lalaro lang ako at di nag aasist ng mga customer napabayaan ko trabaho ko pati sahod ko nasusùgãl ko
Hindi ko sinasabi sa asawa ko Yung kabob0han ko at katangahan na pinasok ko, pero nag tataka na Siya bakit Wala akong palaging pera na dati Naman palagi pako may pasalubong sa kanila ng anak ko kada uuwi ako galing trabaho
Tuloy padin ako sa pag sinungaling ko, hanggat sa di nako maka bayad ng bahay na inuupahan namin 4 months Wala akong maibayad sa bahay, mabuti at mabait Yung may Ari ng bahay na inuupahan namin puro pangako lang sinabi ko na mag babayad ako ng buo,
Tapos madalas na din kami mag away ng asawa ko dahil sa mga pag sisinungaling ko dumating sa part na muntik na kami mag hiwalay dahil nga sobrang sinungaling ko
Nag desisyon na din asawa ko na mag work nalang din para maka tulong sakin sa mga bayarin dahil Hindi ko na daw kaya bayaran Yung mga dapat bayaran,
Yung anak namin inuwi Muna sa probinsya nila dahil walang mag aalaga at parehas na kami may work at ate nya Yung nag aalaga, dun nako napa isip Grabe Pala talaga Yung demonyong sùgãl na Yan lahat kaya wasakin, mentally at physically mo wasak talaga
Grabe Yung stress at depressed na ginagawa nyan sa tao Wala ka talagang kalaban laban, inamin ko sa asawa ko lahat ng kalokohan ko na sinabi ko na ãdd!ct ako sa sùgãl napaiyak talaga ako at sinabi ko na tulungan nya ako bumalik sa dating ako tulungan nya ako matigil Yung pag ka adik ko sa sùgãl,
Ginawan ng asawa ko kinuha Yung ATM ko at bumalik ako sa pag lalaro ng Mobile legend, dun sa part na yun naiwasan ko mag sùgãl at medyo nakaka recover na ng paunti unti
Sobrang bait ni lord na Hindi nya ko hinayaan na sobrang masira pamilya ko,
Eto ko ngayon at konti konti ng nakaka ahon ulit na sana mag tuloy tuloy na at nakaka bayad paunti unti sa mga taong pinag ka utangan ko
Kaya sa mga nag uumpisa pa lang Jan na nag susùgãl hanggat maaga pa tigil nyo na walang magandang maidudulot Yan dem0ny0ng sùgãl na Yan sisirain buong pag katao nyo pati pamilya nyo kayang kaya sirain nyan,
Salamat Admin.