Banaag

Banaag Opisyal na Pahayagang Pangkampus sa Filipino ng Gaddani National High School

Are you passionate about writing, photography, or design? If so, our school publication wants YOU!
15/08/2024

Are you passionate about writing, photography, or design? If so, our school publication wants YOU!

Ang Banaag ay nasasabik na batiin ang mga nagsipagtapos kanina sa Grade 12 na naging napakahalagang miyembro ng publikas...
31/05/2024

Ang Banaag ay nasasabik na batiin ang mga nagsipagtapos kanina sa Grade 12 na naging napakahalagang miyembro ng publikasyon ng paaralan, ang Punong Patnugot, Jaymark T. Alcaide, sa aming lay-out artist, Oscar Denver B. Penuliar, sa aming mga broadcasters, Mayen Gale Velaquez at Rosemarie Tang-o, at sa manunulat ng lathalain, Chadney Zhane Rayos, isang mainit na pagbati!

Ang inyong dedikasyon, pagkamalikhain, at pagsusumikap ay nag-iwan ng hindi maalis na marka sa lahat ng miyembro ng publikasyon at sa buong paaralan.

Nagpapasalamat kami sa inyong mga nagawa at ang mga makabuluhang kontribusyon para sa Banaag.

Sa pagpapatuloy ng mga susunod na kabanata ng inyong buhay, hangad namin na maging maayos lahat ang inyong mga hangarin sa hinaharap at inaasam naming masaksihan ang mga kahanga-hangang tagumpay na nakalaan para sa inyo.

Congratulations!

-Tagapayo

Congrats Carmie and Mayen! Your Banaag Family is so proud of you!
21/03/2024

Congrats Carmie and Mayen!
Your Banaag Family is so proud of you!

Ang buong Patnugutan ng  Banaag ay nagpapasalamat sa mga g**ong tagapagsanay na sina Gng. Melanie D. Claridad, Gng. Jose...
17/03/2024

Ang buong Patnugutan ng Banaag ay nagpapasalamat sa mga g**ong tagapagsanay na sina Gng. Melanie D. Claridad, Gng. Josephine Dumlao, Gng. Edna Balneg, Gng. Rosemarie Barreyro, Gng. Sharon Balneg, at Gng. Jasmin Balneg sa kanilang pagpatnubay sa mga mamahayag sa katatapos na Division Schools Press Conference 2024.

Sa buong Gaddani National HS lalong lalo na sa mga g**o na nagpakita ng suporta sa mga mamamahayag.. salamat po.

Gayundin kay G. Silverio T. Carino para kanyang walang sawang suporta sa mga ito.

At sa School Paper Adviser ng Banaag na si Gng. Maria Cecilia B. Millare, maraming maraming salamat po!

Bunga ng pagsisikap ng buong Patnugutan, nasungkit ng mga mamamahayag ng Banaag ang mga sertipiko ng pagkilala.

Isang pagbati rin para kay Mc Clinton Biscarra- 5th Place Editorial Cartooning at pasasalamat kay Oscar Denver B. Penuliar para sa pag lay-out ng Banaag at sa mga manunulat na nakibahagi upang mabuo ang publikasyon.

Muli, isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng inyong suporta sa amin.

✍️ Jaymark T. Alcaide, EIC ng Banaag

Work Immersion ng mga mag-aaral ng EIM-TVL nagsimula naSinimulan na ang Work Immersion ng mga mag-aaral mula sa Grade 12...
11/03/2024

Work Immersion ng mga mag-aaral ng EIM-TVL nagsimula na

Sinimulan na ang Work Immersion ng mga mag-aaral mula sa Grade 12 EIM-TVL Track ngayong ikalabing-isa ng Marso hanggang ikadalampu't dalawa ng Marso taong kasalukuyan sa Abra Electric Cooperative sa Calaba, Bangued, Abra. Ito ay bilang pagsunod sa DepEd Order No 39 series of 2018, ang Work Immersion bilang kinakailangang subject para sa mga mag-aaral ng Senior High School.

Ang tatlumput-anim na mag-aaral ay kinakailangang makakompleto ang 80 oras upang magkaroon ng karagdagang kaalaman sa napiling track. Ang mag-aaral ay nasa patnubay at pagsasanay ni Gng. Frances Marie A. Talledo g**o ng EIM ng Senior High School.
Ang nasabing mga mag-aaral ay dumalo sa oryentasyon na pinangunahan ni G. Rexel A. Alipio, OIC - Administrative Supervisor.

✍️ Oscar Denver B. Penuliar
📸 Frances Marie A. Talledo

Ipinagdiriwang ng Gaddani National High School ang BILEG Praise Awarding Ceremony 2024Isang pagdiriwang sa pagkilala ng ...
07/03/2024

Ipinagdiriwang ng Gaddani National High School ang BILEG Praise Awarding Ceremony 2024

Isang pagdiriwang sa pagkilala ng mga walang humpay na pagsisikap ng mga g**o at mga external stakeholders ang ginanap sa Gaddani National High School Multi-Purpose Gym noong ika-anim ng Marso taong kasalukuyan.

Ang BILEG (Building partnership in Instruction and Governance Leading to Educational Gains) ay dinaluhan ng mga mag-aaral ng Gaddani NHS na nagkaroon ng pagkakataong masaksihan ang maraming parangal na iginawad sa mga karapat-dapat na kawani ng faculty at mga stakeholders.
Kinilala ng mga parangal na ito ang walang sawang pagsisikap at walang pag-iimbot na kontribusyon sa pagpapaunlad ng mga paaralan at sa matagumpay na pagpapatupad ng iba't ibang proyekto ng paaralan.

Dinaluhan ng nasabing programa ng mga kinatawan mula sa Municipal Police Station (MPS) Tayum, Bureau of Fire Protection (BFP), Sangguniang Bayan (SB), Barangay Captain at mga opisyales ng Barangay Gaddani, GNHS Parent-Teacher Association (PTA) at iba pang mga internal and external stakeholders ng paaralan.

Binigyang-buhay ang programa ni Dr. Pablo B. Bose Jr., Professor VI/Director for R at D-ASIST na nagbahagi ng mahalagang papel na ginagampanan ng mga g**o sa paghubog ng isipan ng mga mag-aaral. Kasabay nito, binibigyang-diin din ni Dr. Paul ang kahalagahan ng edukasyon bilang puwersa para sa pagkakapantay-pantay sa harap ng kahirapan.

Ang BILEG Praise Awarding Ceremony ay nagsisilbing paalala na ang tagumpay ng Gaddani NHS ay isang kolektibong tagumpay na binuo sa mga pagsisikap ng bawat indibidwal na nag-aambag sa misyon ng paaralan.

✍️ Jaymark T. Alcaide
📷 Isola Pearl Ababon at Ram Jacob T. Mariano

Address

Gaddani National High School
Tayum
2803

Opening Hours

Monday 7:30am - 5pm
Tuesday 7:30am - 5pm
Wednesday 7:30am - 5pm
Thursday 7:30am - 5pm
Friday 7:30am - 3:30pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Banaag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share