
15/09/2025
ARAL Reading Program inilunsad
Bilang tugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral na malinang ang kanilang pagbabasa, opisyal nang sinimulan sa ating paaralan ang ARAL Program (Academic Recovery and Accessible Learning) ng Department of Education. Ang paglulunsad na ito ay hudyat ng pagsisimula ng serye ng mga gawain at interventions na nakatuon sa pagpapalakas ng kasanayan sa pagbasa ng ating mga mag-aaral.
Dumalo ang mga g**o at piling mag-aaral sa nasabing gawain. Tampok dito ang panonood ng video promotion ng ARAL program, nakaka-inspiradong storytelling ni Gng. Yolanda P. Francisco, at mensahe mula kay G. Frederico Antonio B. Dumlao, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagbasa bilang pundasyon ng lahat ng asignatura.
Sa pagtutulungan ng mga g**o, tutors, magulang, at stakeholders, sinimulan na natin ang mas malinaw na hakbang tungo sa paghubog ng mas maraming batang mahusay bumasa. Ang ARAL Reading Program ay simula ng ating sama-samang misyon na tiyakin na “Bawat Bata, May Gabay. Bawat Pangarap, Abot Kamay.” 💚