18/01/2026
“KAKALIKOT SA TENGA, HALOS NAWALAN NG PANDINIG”
Babae sa Cavite Naospital Dahil sa Cotton Buds
Isang babae mula sa Cavite ang isinugod sa ospital matapos magkaroon ng matinding impeksiyon sa tenga na halos ikabingi niya.
Ayon sa kanyang salaysay, araw-araw at halos limang beses sa isang araw siyang naglilinis ng tenga gamit ang cotton buds.
“Pagkagising, pagkatapos maligo, at tuwing may maramdaman akong makati sa tenga, nililinis ko agad.”
Hindi nagtagal, nagkaroon siya ng tigiyawat sa loob ng tenga.
Sa tuwing pumuputok ito, may nana at dugo na lumalabas, pero patuloy pa rin niya itong kinakalikot hanggang sa tuluyang magka-impeksiyon.
Hanggang isang madaling-araw, bandang 3AM, hindi na niya kinaya ang sakit.
“Mainit na ang tenga ko, sobrang sakit, at hindi ko na ito magalaw. Umiiyak na ako.”
Nang magpatingin siya sa doktor, sinabi sa kanya na kailangan siyang ma-confine dahil sa seryosong infection sa loob ng tenga.
“Natakot ako kasi puwede raw akong mawalan ng pandinig. Kapag nangyari ‘yon, mawawala rin ang trabaho ko.”
Ayon sa mga doktor, ang madalas na paggamit ng cotton buds ay maaaring magdulot ng sugat sa loob ng tenga, magtulak ng dumi papaloob, at maging sanhi ng impeksiyon, pamamaga, at posibleng pagkabingi.
Babala sa lahat:
Ang tenga ay may sariling paraan ng paglilinis.
Ang sobrang pagkalikot at paggamit ng cotton buds ay mas nakakasama kaysa nakakatulong.
Ito ay para sa awareness.