02/04/2025
this is Gavin after our dental appointment, di na namamaga ang mga mata kakaiyak😊👍🏻. first week ng january this year kami nag start sa dental journey n to, napansin kasi namin na may badbreath na at parang laging umiiyak si Gavin tas hinahawakan nya ang ngipin nya, gusto ko sana ignore n lng dahil pag tinitignan ko maayos at malinis ang mga ngipin ni Gavin, sabi ko "baka sensory issues lng" pero as a mother natatakot ako dahil sa condition ni Gavin, baka mali ako, baka mali na inignor ko yung possibility na may dental problem, at ganito nga talaga pag nanay ka kahit takot ka kailangan mong kumilos, kailangan may gawin ka, kailangan maging matapang ka.
nag search lng ako sa google nag hanap ng pedia dentist at good thing meron akong nahanap na sa antipolo lng. fast forward, first visit pa lang namin , check up lng grabe na ang kaba ko, nagkaka anxiety n ako🤣🤣🤣 at grabe din ang iyak ni Gavin, nung time n yun enixplain sa akin ng dentist yung mga gagawing procedure di nman major pero need namin maging ready, mentally, emotionally, pysically and financially🤣, oo may kamahalan din sya since may condition sya at need ng behavior managment which adds to the cost,(pero my 20% discount nman dahil may PWD ID si Gavin) also nag consult din kami sa aming therapist kung anu yung mga gagawin namin to prepare him sa gagawing dental procedures, at ayun nga every visit namin ay grabe ang iyak lagi ni gavin, ni rerestraint kasi sya for his safety na rin, naalala ko may time pa na naiyak din ako dahil naawa ako sa kanya pero need namin gawin to dahil kung hindi namin gagawin ay baka mas malala pa ang mangyari at mas malaking gastos pa, mas mahihirapan sya, and to cut the long story short after ng ilang iyakan sessions finally natapos din!!! at sobrang laki din ng improvements ng behaviour ni Gavin, thank you ky Doctora na sobrang galing at bait, sa mga staff nya salamat at di ninyo pinabayaan, di ninyo inayawan si Gavin, salamat sa papa Nino Aben for working hard para ma provide lahat para ky Gavin at sa laging pagpapalakas ng loob ko dahil every appointment namin may anxiety ako 🤣🤣🤣 at sobrang salamat Lord ginabayan mo kami sa journey na to 🙏🙏 kayo po ang aming pinaka malakas at matibay na sandigan sa lahat ng hamon.