15/08/2026
๐๐๐ง๐๐๐๐๐๐ก | ๐๐ข ๐๐ญ๐ฐ๐ฑ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐๐ข๐บ๐ด๐ข๐ฉ๐ฆ
Sa bawat hampas ng mayuming hangin, at sa bawat aninong tugma sa sikat ng araw kasabay ng bawat hakbangin, ay ang mga punong kumakaway, kandong ng marikit nitong tanawin.
Sa bayan ng Tiaong, at probinsya ng Quezon matatagpuan ang isa sa mga kinikilalang unibersidad sa lungsodไธang Southern Luzon State University. Kilala ang Quezon Province bilang isa sa mga lalawigan na mayroong magagandang tanawin, sa anyo ng mga bundok, o hindi kaya naman ay sa dagat, at ilan pang anyong tubig. Sa estilo na ito, payak na nakahimlay ang gusali ng paaralan, na tila ba niyayakap ng payapa nitong kapaligiran. Kung mapapansin, sa pagpasok pa lamang sa dalwang tarangkahan nito, bubungad na agad ang mga nagsisikaway na Indian trees, mga punong parang guardya kung iisipin na nakamasid sa bawat mong hakbang at galawin, o hindi kaya naman ay parang kaibigan na natutuwa sa pagbaba mo sa sinakyang dyip, at sa bawat mong pagdating. Kung uusad pa, ay matatanaw mo rin ang riles sa gitna ng daan, ang hati na parang sumisimbolo sa lalakbayin mong hinaharap, at iiwanan mong nakaraan. Maaari ding paalala, na kung ikaw ay hahakbang sa sunod mong gagawin, ay hayaan mo munang bumagal ang iyong lakad, mag-isip muli, at huminga nang malalim. Sa pagtuloy pa, ay makikitang muli ang mga Indian trees na tila sumasalo sa sikat ng araw, at sa iyong paglakad ay nagsisilbing lilim.
Kung itutuloy pa ang paglakad sa paaralan, ay sasalubungin ka naman ng kahali-haliling pagsilip ng bundok Banahaw, na minsan ay mapaglaro pang nagtatago sa mga dumaraang ulap sa ilalim ng langit na bughaw, o minsan pa rin ay nang-aakit na siya ay pagmasdan, kuhanan ng litrato sa bawat tanaw. Kung lilibutin pa ang buong paaralan, kabi-kabilang mahika ang iyong madaratnan, katulad na lamang ng mga kubong saksi sa iyong pagpapahinga, pagrereview, o hindi kaya naman ay sa masasaya ninyong kwentuhan. Isama pa ang bus stop na suking-suki sa umpukan at tambayan. Kasama na rin ang library na nagtutulak sa mga estyudante na sipagan pang mag-aral, o para sa iba ay tila lugar na naghehele sa kanila na nauuwi sa tulugan. Gayon din naman ang mga duyan sa paligid na sumasalo sa mga nais lamang mapag-isa, ngunit madalas ay para sa mga magkasintahang araw-araw nagliligawan, na tila nag-uudyok sa paglabas ng mga nananahimik na langgam. Isama pa rin ang canteen na palaging bumubusog sa mga nagugutom na mga tiyan.
๐ฆ๐ฎ ๐ต๐๐น๐ถ, ๐ถ๐ฏ๐ฎโ๐ ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐๐ฒ๐ป๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐๐ถ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐๐๐น๐ผ๐ธ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฎ๐ปไธ๐บ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐๐ฎ, ๐บ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฎ๐, ๐บ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ต๐ถ๐ฑ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐น๐๐ต๐ฎ, ๐บ๐ฎ๐ ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ด๐ฎ๐น๐ถ๐, ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป. Tunay na kay ganda ng bawat likha, isang sining na nagpapaalala sa atin na sa loob ng paaralan ay mayroon tayong karamay. Ang bawat tanawin ay saksi sa ating bawat pagkadapa, pag-iyak, at higit sa lahat, ay sa ating pagbangon sa mga pagsubok na ating nararanasan, hindi lamang sa akademikong larangan, ngunit pati na rin sa ating buhay. ๐๐๐ฏ๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐ต๐ฎ-๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐ต๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ถ๐๐๐ผ๐ฟ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ผ, ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ฏ๐๐ฏ๐๐ผ ๐ฝ๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐บ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป, ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ผ๐๐ผ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐น๐ผ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ด๐ฎ ๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ฎ๐ต๐ฒ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป.
~ panulat ni Queenie Pearl Bandojo
~ paglalapat ni Heart Jillian Joble