16/10/2025
Isang Mahalagang Paalala para sa mga Anak ng Diyos
1 Juan 2:15-17
"Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan, ni ang mga bagay na nasa sanlibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanlibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama."
Ang “pag-ibig sa sanlibutan” ay hindi lang tungkol sa kasalanang lantaran (immorality, bisyo, atbp.) kundi sa pagiging abala at pagkahumaling sa mga bagay na pansamantalang nagbibigay-ligaya—pera, kagamitan, trabaho, social media, o posisyon—na unti-unting naglalayo sa puso sa Diyos.
"It is a solemn and terrible truth that many who have been zealous in proclaiming the truth are now becoming corrupted by the love of the world."
(Testimonies for the Church, Vol. 8, p. 118)
Ang salitang corrupted ay nangangahulugang nadungisan, napasama, o nawalan ng kabanalan.
Ibig sabihin: kahit patuloy pa silang “naglilingkod,” ang motibo ay hindi na dalisay — hindi na dahil sa pag-ibig sa Diyos, kundi dahil sa pansariling pakinabang o reputasyon.
“Mangagpuyat nga kayo, na kayo'y mangagsisidalangin sa buong panahon, upang kayo'y mangakatakas sa lahat ng mga bagay na mangyayari, at mangakatayo kayo sa harapan ng Anak ng tao.”
— Lukas 21:36