29/06/2025
๐๐ฅ๐๐ ๐๐๐ง๐๐ฆ๐๐ฆ๐ ๐ข ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐ข๐ก ๐ก๐ ๐๐๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก
Munting Sambayanang Kristiyano โ Sa loob ng 14 na sabado mula buwan ng Marso, 25 na kabataang nagsipagtapos mula sa MSK Palagaran Kanluran ng kanilang ๐๐ถ๐ฎ๐ฎ๐ฆ๐ณ ๐๐ข๐ต๐ฆ๐ค๐ฉ๐ฆ๐ด๐ช๐ด ๐๐ณ๐ฐ๐จ๐ณ๐ข๐ฎ noong ika-27 ng Hunyo 2025.
Layunin ng programa na patuloy na maituro sa mga bata ang katesismo sa panahon ng bakasyon na mas inilapit pa sa kanila dahil sa halip na sa paaralan, sa kanilang kapilya ng MSK ito ginanap.
Naging tagapamuno ng programang ito si Gng. Loyola Iranzo at aniya, bilang katekista at lay worker, mahalagang patuloy na angkinin at yakapin ang gawaing pakikibahagi ng gampanin ng ating Panginoong Hesukristo, bilang Hari, Pari, at Propeta sa bawat MSK.
โMahirap na agarang umasa na natutuhan agad ang mga itinuro sa mga bata, pero patuloy at hindi [ako] mananawa para tulungan silang matuto, upang kahit paano ay may mabago...[dahil] layunin ng programa na patuloy silang ilapit sa Diyos nating mapagmahalโ, dagdag pa niya.
Lubos na nagpapasalamat si Gng. Iranzo sa mga naging kabahagi ng nasabing programa mula sa Parish Youth Ministry, Devine Worship Commission, at kaniyang mga kasamahan โ Parish Lay Worker of the Diocese, mga Lingkod-pari lalo't higit sina G. at Gng. Efren at Maricar Carandang, at Gng. Katherine Adame na nagkaloob ng mga gamit pang eskwela sa huling araw ng programa.
"Higit sa lahat, [nagpapasalamat ako] sa ating Panginoong Diyos na pinagmulan ng lahat ng biyaya, oras, panahon, kaalaman at karunungan upang ang gawaing ito na alay sa Kaniya ay matapos at maganap na may biyaya ng kagalakan... salamat sa mga kasamahan sa simbahan โ kaya natin lahat ang gawain sa pagtutulungan at malasakit sa isa't isa."
โ Parish Social Communications Ministry