04/10/2026
๐๐๐ง๐๐๐๐๐๐ก | ๐ง๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ต๐ฒ๐ฟ, ๐๐ธ๐ฎ๐ ๐ก๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป: ๐ฆ๐ฎ ๐๐ถ๐๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐๐ถ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐๐ป๐๐ฒ๐น๐น๐ถ๐ด๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ, ๐ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐๐๐ผ ๐ฃ๐ฎ ๐ฅ๐ถ๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐ด๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น
Sa patuloy na pag-usbong ng makabagong teknolohiya at Artificial Intelligence (AI), tila mabilis nagbabago ang mundo ng edukasyon. Ngunit sa kabila ng lahat ng modernisasyon, may isang bagay na hindi kailanman mapapalitan ng kahit anong gawa ng siyensyaโ ang mainit na yakap, ang tapik sa balikat, at ang pusong nagmamalasakit ng isang g**o. Sa bawat silid-aralan, nariyan sila hindi lamang magturo ng mga aralin, kundi handang makinig, umunawa, gumabay, at magbigay ng pag-asa sa mga mag-aaral.
Ito ang naging sentrong mensahe sa ginanap na paglulunsad ng National Teachersโ Month 2026 noong Setyembre 5 sa Limketkai Atrium, Cagayan de Oro City. Sa ilalim ng pambansang temang โTeacher, Ikaw Naman,โ pormal na pinangunahan ni Kalihim ng Edukasyon Sonny Angara ang isang buwang selebrasyon na naglalayong ituon naman ang atensyon, suporta, at pagkilala sa mismong mga bayani ng silid-aralan.
Sa mahabang panahon, ang g**o ang laging nagbibigay at nagsasakripisyo para sa mga mag-aaral. Sa pagkakataong ito, ipinaalala ng Kagawaran ng Edukasyon na panahon na upang ang mga g**o naman ang pasalamatan at ingatan.
โIn this age of artificial intelligence, there will never be a substitute for a warm hug, a warm pat on the shoulder, or even saying hi and mentioning the name of our learners,โ diin ni Sec. Angara sa kanyang talumpati.
Ayon sa Kalihim, buo ang suporta ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ibigay ang lahat ng makakayang tulong para sa kapakanan ng mga g**o. Maging ang Unang Ginang na si Louise Araneta-Marcos, na isa ring g**o, ay nagpaabot ng kanyang mensahe at pagkilala sa sakripisyo, pagtitimpi, at dedikasyon ng mga titser sa buong bansa.
Sa isang simpleng โGood morning, Maโam,โ sa isang ngiti bago magsimula ang klase, o sa isang mag-aaral na muling sumusubok matapos mabigo, makikita ang maliliit ngunit mahahalagang sandali ng buhay ng isang g**o. Ngunit para sa mga mag-aaral, ang mga sandaling ito ay maaaring maging alaala na matagal nilang dadalhin. Maaaring maalala nila ang g**ong unang naniwala sa kanilang kakayahan, ang g**ong nagpaalala sa kanila na huwag sumuko, o ang g**ong nakinig nang kailangan nila ng taong makauunawa.
Minsan, hindi agad nakikita ng isang g**o kung gaano kalaki ang epekto ng kaniyang mga salita at kilos sa isang bata. Ang simpleng paghikayat na โkaya mo iyan,โ ang pasensiyang ibinibigay sa isang nahihirapang mag-aaral, o ang pagkilalang ibinibigay sa isang batang tahimik lamang sa klase ay maaaring maging dahilan upang muli itong magkaroon ng tiwala sa sarili. Sa paglipas ng panahon, ang mga aral na itinuro ng g**o ay hindi lamang nananatili sa loob ng silid-aralan, kundi sumasama sa mga mag-aaral habang sila ay lumalaki at humaharap sa kanilang sariling mga pangarap.
Hindi lang sa pamamagitan ng papuri ibinuhos ang pagpupugay sa mga g**o ngayong taon. Binigyang-diin din sa programa ang mga repormang naglalayong bawasan ang kanilang pasanin at iangat ang kanilang pamumuhay:
Mula sa dating isang daan at pitumpu't apat (174) na regular na pormas, binawasan ito ng DepEd patungong limang (5) kinakailangang pormas na lamang upang mas makatuon ang mga g**o sa mismong pagtuturo at paggabay sa mga bata. Sa ilalim ng Kabalikat sa Pagtuturo Act, nadoble ang taunang teaching allowance mula limang libong piso (โฑ 5,000) patungong sampung libong piso (โฑ 10,000) (non-taxable). Mayroon na rin silang hanggang pitong libong piso (โฑ 7,000) na taunang medical allowance, limang (5) araw na paid annual wellness leave, at pinaunlad na Vacation Service Credits (hanggang tatlumpung araw).
Sa tulong ng Expanded Career Progression (ECP) System, mahigit siyamnapu't tatlong libong (93,000) g**o at school heads na ang na-promote at nabigyan ng mas malinaw na landas para sa kanilang propesyon.
Naging masigla at makulay ang kick-off event sa Mindanao sa pamamagitan ng mga bench cheering competitions, palabas ng iba't ibang rehiyon, pagpaparangal sa mga natatanging g**o, at ang paglalabas ng Special Commemorative Cover mula sa Philippine Postal Corporation (PHLPost). May mga suporta rin mula sa iba't ibang pampribadong sektor at katuwang na kumpanya na nagbigay ng tulong at papremyo para sa mga dumalo.
Sa pagtatapos ng seremonya, sama-samang inawit ng buong bulwagan ang kantang โHawak Kamayโ โ isang simbolo na sa paghubog ng kinabukasan ng kabataan, hindi nag-iisa ang ating mga g**o. Sa bawat kamay na umaalalay at pusong handang makinig, nananatiling buhay ang tunay na diwa ng pagiging g**o.
At marahil, sa bawat g**ong nakisabay sa awit, may sariling kuwentong sumabay sa bawat titik nito. Kuwento ng mga batang minsang tinuruan, pinayuhan, pinasigla, at pinaniwalaang kaya nilang abutin ang kanilang mga pangarap. Sa kabilang banda, may mga g**ong naging bahagi rin ng kuwento ng kanilang mga mag-aaralโmga g**ong maaaring hindi na maalala ang bawat pangalan o mukha, ngunit hindi naman nakalimutan ng mga batang minsang naturuan nila.
Dahil ang impluwensiya ng isang g**o ay hindi nasusukat sa dami ng araling natapos o pagsusulit na naipasa. Makikita ito sa batang natutong maniwala sa sarili, sa estudyanteng nagpatuloy kahit ilang beses nabigo, at sa taong dala-dala pa rin ang mga pagpapahalagang unang itinuro sa kaniya sa loob ng silid-aralan. Ang isang g**o ay maaaring maging bahagi lamang ng isang yugto sa buhay ng mag-aaral, ngunit ang mga aral at halimbawang iniwan niya ay maaaring manatili nang mas matagal kaysa sa mismong panahong magkasama sila.
Ngayong ika-5 ng Oktubre, araw ng pagdiriwang ng World Teachersโ Day, isa lang ang sigaw ng bawat paaralan at komunidad: Teacher, ikaw naman!
Ikaw naman ang kamustahin.
Ikaw naman ang pakinggan.
Ikaw naman ang alagaan.
Dahil sa likod ng bawat g**ong nagtuturo ay isang pusong napapagod din, nasasaktan din, nangangailangan din ng pahinga, ngunit patuloy na nagbibigay.
At sa mundong unti-unting natutong makipag-usap sa mga makina, marahil ito ang hindi dapat nating makalimutan: maaaring maraming bagay ang kayang gawin ng AI, ngunit may mga bagay na tanging puso lamang ang makagagawa.
At sa gitna ng lahat ng pagbabago, may puso pa ring nagmamahal.
Ang puso ng isang g**o.
| mga salita ni Danica Pontejos
| iginuhit ni Nivher De Castro