
29/07/2025
MURDER O HOMICIDE?
Ibinaba ni FISCAL JENNIFER CAHIG ng "BAYBAY CITY PROSECUTOR'S OFFICE ang kasong isinampa ni ALAN GUBALANE laban sa mga suspect sa pagpatay sa kanyang asawa na si DAISY PERALES na kinilala bilang mga taohan ni KERWIN ESPINOSA.
Konteksto;
Ayan si DAISY PERALES, Nakahandusay, duguan at wala nang buhay.,
Si DAISY PERALES ay tatlong buwang buntis nang sya ay walang awang pinagbabaril sa mismong kanilang tahanan sa ALBUERA LEYTE. Ang magka angkas sa motor ay kinilala bilang si RAYMART SELEDIO at JEFF AGUIRRE, ang dalawang lalaki na suspect sa pamamaril kay DAISY PERALES.
Si RAYMART SELEDIO ay ang GUN MAN, habang si JEFF AGUIRRE naman ay ang driver ng motor. Yang lalake naman na nasa tabi ng bangkay ni DAISY PERALES ay ang kanyang asawa na si ALAN. Si ALLAN ay personal na kilala ang dalawang suspect sa pagpatay sa kanyang asawa, dahil ang mga ito ay kasamahan nya sa loob ng sindikato ni KERWIN ESPINOSA.
Ayon sa ating INFO (very reliable source) ay nagmamakaawa na umano itong si ALAN kay KERWIN ESPINOSA na wag patayin ang kanyang asawa, dahil umano itoy buntis ng tatlong buwan,. Si KERWIN AT ALAN ay magkababata, at si ALAN ay matagal nang nagtatrabaho kay KERWIN ESPINOSA. Isa si ALAN sa pinagkakatiwalaan ni KERWIN sa kanyang negosyo na ILLEGAL NA DROGA.
Sa kabila ng p**iusap at pangmamakaawa ni ALAN kay KERWIN ay walang awa parin niya itong ipinapatay kahit alam nya na buntis si DAISY ng tatlong buwan dahil lamang sa pinagbintangan umano na "ASSET" ng mga pulis si daisy perales.
Nang araw na yan ay paalis na sana sila DAISY at Alan papuntang mindanao para magpakalayo layo, pero naabutan sila ng mga suspect. At nang mga oras na din na yan ay wala si alan sa bahay, si daisy lang ang nadatnan kaya sya lang ang pinagbabaril at napatay.
Ngayon, ang tanong dito MURDER NGA BA O HOMICIDE ANG KASO? 🙂