Ang Bagong Sibol - Titay NHS

Ang Bagong Sibol - Titay NHS Opisyal na Pahayagang Pangkampus sa Filipino ng
Titay National High School
Dibisyon ng Zamboanga Sibugay - Rehiyon 9

25/07/2026

๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‚๐š๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ฌ ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐…๐ซ๐ž๐ž๐๐จ๐ฆ

Sa kabila ng walang humpay na pandarambong, pagmamaniobra, at mga pagtatangkang patahimikin ang taumbayan, nananatiling matatag ang mga mamamahayag bilang tinig ng sambayanan. Buong tapang nilang inilalantad ang mga katiwalian at anomalya upang maipagtanggol ang karapatan ng bawat mamamayan at maisulong ang katotohanan. Higit sa lahat, patuloy nilang hinahamon at itinatama ang mga baluktot na sistemang humahadlang sa tunay na katarungan.

Kaya naman, ang ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‚๐š๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ฌ ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐…๐ซ๐ž๐ž๐๐จ๐ฆ ay hindi lamang isang simpleng pagdiriwang. Ito ay sagisag ng patuloy na pagtataguyod sa kalayaan sa pamamahayagโ€”isang karapatang hindi dapat supilin, diktahan, o ipagkait kaninuman. Sapagkat sa isang malayang pamamahayag, mas malakas ang tinig ng katotohanan.

Sulat niโœ๐Ÿป: Pia Gruyโ€” ๐’๐ˆ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐’๐ŸŒฑ๐€
Disenyo๐Ÿ–ผ๏ธ ni: P**a Matabalanโ€”๐’๐ˆ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐’๐ŸŒฑ๐€

๐Š๐Ž๐‹๐”๐Œ๐ | ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐’๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐š๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ฉ๐š๐ญKahit minsan, naisip mo na ba ang tanong na: Bakit hindi sapat ang dapat?Mula elementarya ...
25/07/2026

๐Š๐Ž๐‹๐”๐Œ๐ | ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐’๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐š๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ฉ๐š๐ญ

Kahit minsan, naisip mo na ba ang tanong na: Bakit hindi sapat ang dapat?

Mula elementarya hanggang sa aking pagpasok sa sekondarya, malimit nang isinasagawa sa bawat paaralang aking pinasukan ang paghahanda para sa pagdating ng samu't saring sakuna. Isa na rito ang karaniwang "Duck, Cover, and Hold," isang pagsasanay na hindi lamang isinasagawa sa paaralan kundi maging sa iba't ibang pasilidad. Layunin nitong maihanda ang lahat sakaling lumindol. Subalit ang napakalaking katanungan ngayon ay, sa kabila ng walang humpay na paghahanda, bakit tila sa panahon ng sakuna ay marami pa ring nabibiktima?

Tuwing buwan ng Hulyo, ipinagdiriwang ang National Disaster Resilience Month. Layunin ng pagdiriwang na ito na maisulong ang kamalayang kinakailangan ng bawat mamamayan sa panahon ng kalamidad. Kabilang dito ang pagsasagawa ng iba't ibang organisasyon, gaya ng Philippine Red Cross, ng mga pagsasanay sa emerhensiya para sa mga mamamayan, lalo na sa mga mag-aaral.

Sa kabila ng mga solusyong hatid ng pagdiriwang na ito, kapansin-pansin pa ring sa gitna ng sakuna ay marami pa ring Pilipino ang nabibiktima, lalo na ang mga mahihirap. Gaya na lamang ng kamakailang pagbaha sa Calamba, Laguna, na naging sanhi ng pagkamatay ng dalawang bata at pagkawala ng tirahan ng humigit-kumulang 28 pamilya. Isa sa mga kumpirmadong dahilan nito ay ang lokasyon ng mga nasabing tahanan na nasa tabi lamang ng ilog na maaaring umapaw anumang oras kapag may malakas na pag-ulan.

Kung tutuusin, hindi natin maiiwasan ang pinsala sa pamamagitan lamang ng pagsasanay o paghahanda, lalo na kung tayo mismo ang patuloy na lumalapit sa panganib. Gaya na lamang ng nangyari sa Laguna, alam naman nating delikadong tumira sa tabi ng ilog. Subalit dahil sa labis na kahirapan at kawalan ng maayos na lupang maaaring pagtayuan ng tirahan, napipilitan na lamang ang marami na manatili roon kahit batid nilang mapanganib ito.

Ang problema ay hindi lamang ang sakuna; kung minsan, tayo mismo ang nagdadala ng panganib sa ating buhay. Kabilang dito ang labis na pagpuputol ng mga puno na nagdudulot ng matinding pagbaha, ang ilegal na pagmimina, at maging ang simpleng pagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar.

Isa sa mga sitwasyong ito ang nangyari sa Subic, Zambales, na tinalakay sa dokumentaryo ng batikang mamamahayag na si Kara David. Ipinakita sa naturang dokumentaryo na ginawang tambakan ng basura ng LGU ng Subic ang bundok na nagsilbing tirahan ng mga katutubong Aeta. Bilang resulta, nasira ang dating maganda, malusog, at luntiang lupain. Nagbago ang likas na anyo ng lupa at dumalas ang pagguho ng lupa o landslide sa nasabing bundok.

Subalit naniniwala akong isa rin sa mga dahilan kung bakit hindi natin kayang maiwasan ang mga pinsalang dulot ng kalamidad ay ang hindi maayos na pamamahala ng mga makasariling tagapamahala. Totoo namang may isinusulong na mga solusyon ang pamahalaan, gaya ng flood control projects, na naglalayong mabawasan ang matinding pagbaha sa Pilipinas, lalo na sa mga lugar na madalas bahain. Subalit ang tanong, maayos nga bang naipatutupad ang mga ito?

Dito nagkulang ang pamahalaan. Ang mga pondong nakalaan sana para sa ating kaligtasan ay nauuwi lamang sa bulsa ng mga makasariling politikoโ€”mga itinuturing na lingkod-bayan ngunit naglilingkod hindi para sa mamamayan kundi para sa sarili nilang kapakanan.

Sa ganang akin, hindi sapat ang pagpapatupad lamang ng mga pagsasanay, paghahanda, at pagpapaalala ng mga dapat gawin sa panahon ng sakuna. Sa halip na ituon lamang ang pansin sa mga dapat gawin, bakit hindi rin natin pagtuunan ng pansin ang mga ugat ng sakuna? Bakit hindi muna natin solusyunan ang mga gawaing lalo pang nagpapalala sa mga ito?

Sa kabuuan, sa atin pa rin nagmumula ang malaking bahagi ng tunay na problema, lalo na sa ating mga tagapamahala. Hindi sapat ang palagiang paghahanda lamang. Kinakailangan itong samahan ng tamang pagkilosโ€”kung paano natin pangangalagaan ang mundong ating ginagalawan at kung paano natin iiwasan ang paninirahan sa mga lugar na bulnerable sa kapahamakan. Para naman sa mga politikong may hawak ng ating kinabukasan, sana'y alalahanin ninyo ang kalagayan ng sambayanan at maayos na ipatupad ang mga proyektong magsasalba sa lahat, anuman ang kanilang estado sa buhay.

Sulat niโœ๐Ÿป: Pia Gruyโ€” ๐’๐ˆ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐’๐ŸŒฑ๐€
Disenyo๐Ÿ–ผ๏ธ ni: P**a Matabalanโ€”๐’๐ˆ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐’๐ŸŒฑ๐€

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | ๐’๐ฒ๐ฆ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ฆ ๐ง๐  ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž ๐€๐ซ๐ฆ๐ฒ ๐ฌ๐š ๐“๐ข๐ญ๐š๐ฒ ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ, ๐๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐š๐ญ ๐Œ๐š๐ค๐š๐›๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ก๐š๐งNaging matagumpay a...
20/07/2026

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | ๐’๐ฒ๐ฆ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ฆ ๐ง๐  ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž ๐€๐ซ๐ฆ๐ฒ ๐ฌ๐š ๐“๐ข๐ญ๐š๐ฒ ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ, ๐๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐š๐ญ ๐Œ๐š๐ค๐š๐›๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ก๐š๐ง

Naging matagumpay ang isinagawang symposium ng mga kinatawan ng Philippine Army sa Titay National High School noong hapon ng ika-20 ng Hulyo, 2026. Sa temang "Conduct of Information and Education Campaign", hangarin ng programa na palawakin ang kaalaman at kamalayan ng mga kabataan tungkol sa pag-iwas sa marahas na ekstremismo, pagpapanatili ng kapayapaan, at pagiging responsable sa bawat galaw at desisyon na gagawin.

"Our best defense is not fear but knowledge."

Ito ang mensaheng ibinahagi ni 1LT Jasper R. Ugali (INF) PA, LPT sa kaniyang talumpati bilang paalala na hindi takot ang pinakamabisang panangga laban sa karahasan at maling impormasyon, kundi ang wastong kaalaman at kritikal na pag-iisip. Tinalakay rin ng mga sumunod na tagapagsalita ang iba pang napapanahong usapin, kabilang ang smuggling, ilegal na droga, political awareness, at iba pang isyung may kaugnayan sa kasalukuyang kalagayan ng bansa. Binigyang-diin din nila ang kahalagahan ng mapayapa at responsableng pagtugon ng mga kabataan sa mga suliraning panlipunan at ang wastong pagpapalaganap ng impormasyon.

Sa pagpapatuloy ng programa, aktibong nakilahok ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pakikinig at pakikibahagi sa mga talakayan. Sa pagtatapos ng symposium, taos-pusong nagpasalamat ang Titay National High School sa Philippine Army at sa lahat ng mga tagapagsalita sa pagbabahagi ng makabuluhang kaalaman na makatutulong pagpapanatili ng kapayapaan sa komunidad at bansa.

Sulat niโœ๐Ÿป: Marvie Pamela Paranganโ€” ๐’๐ˆ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐’๐ŸŒฑ๐€
Litrato ni๐Ÿ“ท: Robhie Romanoโ€” ๐’๐ˆ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐’๐ŸŒฑ๐€

๐‹๐€๐“๐‡๐€๐‹๐€๐ˆ๐ | ๐๐ฎ๐ฌ๐จ๐  ๐›๐š ๐š๐ง๐  ๐“๐ข๐ฒ๐š๐ง, ๐จ ๐†๐ฎ๐ญ๐จ๐ฆ ๐š๐ง๐  ๐Š๐ข๐ง๐š๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง?Hindi lahat ng gutom ay naririnig sa pag-ungol ng sikmura. May m...
18/07/2026

๐‹๐€๐“๐‡๐€๐‹๐€๐ˆ๐ | ๐๐ฎ๐ฌ๐จ๐  ๐›๐š ๐š๐ง๐  ๐“๐ข๐ฒ๐š๐ง, ๐จ ๐†๐ฎ๐ญ๐จ๐ฆ ๐š๐ง๐  ๐Š๐ข๐ง๐š๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง?

Hindi lahat ng gutom ay naririnig sa pag-ungol ng sikmura. May mga gutom na tahimik, gutom hindi ng pagkain, subalit ng lakas, pagkatuto, at pagkakataong maabot ang mga pangarap. Sa bawat mag-aaral na pumapasok sa paaralan na walang laman ang tiyan, unti-unti ring nauubos ang siglang dapat sana'y nagtutulak sa kanya tungo sa tagumpay.

Tuwing Nutrition Month, makukulay ang mga programa, masisigla ang mga patimpalak, at paulit-ulit ang paalala tungkol sa wastong pagkain. Ngunit matapos ang palakpakan at mga larawan sa entablado, nananatili ang tanong: Nabusog ba ang mga batang tunay na nagugutom?

Ang nutrisyon ay hindi lamang usapin ng gulay, prutas, o balanseng pagkain. Isa itong usapin ng katarungan. Sapagkat habang may mga batang malayang pumipili ng kanilang kakainin, may iba namang natututong lunukin ang gutom upang makapasok lamang sa klase. Sa bansang sagana sa likas na yaman, bakit may mga kabataang salat pa rin sa lakas na kailangan upang mangarap?

Hindi kailangang maging mamahalin ang pagkain upang maging masustansiya. Mas kailangan ang tamang kaalaman, malasakit, at pagkilos mula sa tahanan, paaralan, at pamayanan. Ang bawat simpleng pagkaing inihahain ay maaaring maging puhunan ng isang siyentipiko, g**o, manggagamot, o lider ng hinaharap.

Ang tunay na diwa ng Nutrition Month ay hindi nasusukat sa dami ng mga tarpaulin, slogan, o medalya. Nasusukat ito sa dami ng kabataang hindi na kailangang pumili sa pagitan ng pag-aaral at pagtitiis sa gutom. Sapagkat ang isang batang busog ay hindi lamang may malusog na katawan, mayroon din siyang pag-asang baguhin ang kanyang kinabukasan.

Sulat niโœ๐Ÿป: Crisene Kate Bajoโ€” ๐’๐ˆ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐’๐ŸŒฑ๐€
Guhit ni๐ŸŽจ: Julianne Carabaรฑa โ€” ๐’๐ˆ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐’๐ŸŒฑ๐€
Disenyo๐Ÿ–ผ๏ธ ni P**a Matabalanโ€”๐’๐ˆ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐’๐ŸŒฑ๐€

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | ๐—ง๐—ถ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ก๐—›๐—ฆ, ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿฑ๐Ÿด ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ปSayawan.  Kantahan.  Hiyawan.Matagumpay na idinao...
08/07/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | ๐—ง๐—ถ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ก๐—›๐—ฆ, ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿฑ๐Ÿด ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป

Sayawan. Kantahan. Hiyawan.

Matagumpay na idinaos ang ika-58 taong pagkakatatag ng mataas na paaralan ng Titay National High school noong ika-2 at ika-8 ng Hulyo, taong kasalukuyan.

Sinimulan ang unang Araw ng nasabing pagdiriwang sa pamamagitan ng Glass dance, kung saan ipinamalas ng bawat estudyante ang galing at husay sa pagsayaw, pag-rampa, maging ang may pagmamalaking pagharap sa madla. Kaugnay nito, bilang pagsunod sa ipinatutupad ng DepEd na "No Collection Policy," hindi na itinuloy ang pangongolekta ng salapi sa Glass Dance.

Sa kabilang banda, ipinagpatuloy ang nasabing selebrasyon sa pamamagitan ng mga patimpalak gaya ng singing contest at TikTok dance competition na dinaluhan ng mga estudyanteng suot ang kulay ng kani-kanilang baitang, SSLG officers at committees, head teachers, faculty members, at mga g**o na ang iilan ay siya ring nagsilbing mga hurado.

Samantala, pormal na tinapos ang pagdaraos sa pamamagitan ng pangwakas na mensahe ni Gng. Rosita A. Udani, Head Teacher II at isa ring alumnay ng nasabing paaralan. Sa kanyang mensahe, nagpasalamat siya sa lahat ng naging bahagi ng pagdiriwang, gayundin sa napakalaking suporta ni Bb. Cianeli Z. Claudio, G**ong Tagapayo ng SSLG, at ng butihing Punong G**o na si Gng. Elisa Z. Claudio.

Sulat niโœ๐Ÿป: Pia Gruyโ€” ๐’๐ˆ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐’๐ŸŒฑ๐€
Litrato๐Ÿ“ท ni: Justen Mirandaโ€”๐’๐ˆ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐’๐ŸŒฑ๐€

๐—Ÿ๐—ฎ๐˜๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ถ๐—ป | ๐— ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป, ๐—ง๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ž๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป                Limampu't walong taon ng paglilingko...
07/07/2026

๐—Ÿ๐—ฎ๐˜๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ถ๐—ป | ๐— ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป, ๐—ง๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ž๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป

Limampu't walong taon ng paglilingkod, paghubog, at pagbibigay ng dekalidad na edukasyonโ€”ito ang ipinagdiriwang ng Titay National High School (TNHS) sa ika-58 Foundation Day nito. Mula nang unang buksan ang mga pintuan ng paaralan noong dekada 1970 sa Poblacion, Titay, Zamboanga Sibugay, patuloy itong naging tanglaw ng pag-asa at tahanan ng kaalaman para sa libo-libong kabataang nangangarap ng mas magandang kinabukasan.

Sa loob ng 58 taon, hindi lamang mga gusali at pasilidad ang umunlad. Kasabay nito ang patuloy na pag-angat ng kalidad ng edukasyon, disiplina, at mga programang naghahanda sa bawat mag-aaral upang maging mahusay, responsable, at may laban sa mga hamon ng makabagong panahon. Sa pamamagitan ng mga gawaing pang-akademiko, campus tour para sa mga bagong mag-aaral, at taunang Brigada Eskwela, pinatutunayan ng TNHS na ang isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran ay mahalagang pundasyon ng matagumpay na pagkatuto.

Higit pang kontribusyon ng karangalan sa paaralan ang mga natatanging tagumpay ng mga mag-aaral. Kamakailan lamang, nasungkit ng TNHS ang pagiging Kampeon sa Showdown at Ikalawang Pwesto sa Street Dancing Competition sa Pasalamat Festival sa Pagadian City. Nadagdagan pa ito ng First Runner-up sa Sibug-Sibug Festival bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-24 na Araw ng Sibugay. Ang mga tagumpay na ito ay sumasalamin sa husay, dedikasyon, at matibay na pagtutulungan ng mga mag-aaral, g**o, at buong komunidad.

Hindi rin matatawaran ang aktibong pakikilahok ng paaralan sa iba't ibang programang pangkomunidad. Sa patuloy nitong pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan at mga barangay ng Titay, naging katuwang ang TNHS sa paghubog ng mga kabataang hindi lamang mahusay sa akademiko kundi may malasakit, disiplina, at pananagutan sa lipunan.

Sa pagdiriwang ng ika-58 Foundation Day, muling nabuhay ang diwa ng pagkakaisa, pasasalamat, at pagmamalaki ng bawat TNHSian. Napuno ng sigla, tawanan, at makukulay na pagdiriwang ang buong kampus habang sama-samang ginugunita ng mga mag-aaral, g**o at iba pang mga panauhin sa paaralan ang limampu't walong taong makulay na kasaysayan ng paaralan. Ang bawat palaro, pagtatanghal, at gawaing inihanda ay hindi lamang nagbigay ng kasiyahan kundi nagsilbing pagpupugay sa mayamang pamana at matatag na pundasyong iniwan ng mga naunang henerasyon.

Sa bawat hakbang na tinahak sa loob ng 58 taon, mas tumitibay ang pundasyon ng Titay National High School. Sa bawat tagumpay na naabot at bawat hamong nalampasan, patuloy nitong pinatutunayan na ito ay hindi lamang tahanan ng kaalaman, kundi tahanan din ng pangarap, pagkakaisa, at pag-asa.

Mula sa mga alaala ng kahapon hanggang sa mga tagumpay ng kasalukuyan, patuloy na tinatahak ng Titay National High School ang landas tungo sa isang mas maningning na kinabukasan, isang kinabukasang binubuo ng husay, disiplina, paglilingkod, at inspirasyong magtatagal sa marami pang dekadang darating.

Sulat niโœ๐Ÿป: Crisene Kate Bajoโ€” ๐’๐ˆ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐’๐ŸŒฑ๐€
Disenyo๐Ÿ–ผ๏ธ ni P**a Matabalanโ€”๐’๐ˆ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐’๐ŸŒฑ๐€

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | ๐—ฃ๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต, ๐—ง๐—ฎ๐—ผ๐˜€ ๐—ฃ๐˜‚๐˜€๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ถ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ถ๐—ด๐—ต ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—นTunay na ipinakita ng mga TNHSians ang kanil...
30/06/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | ๐—ฃ๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต, ๐—ง๐—ฎ๐—ผ๐˜€ ๐—ฃ๐˜‚๐˜€๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ถ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ถ๐—ด๐—ต ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น

Tunay na ipinakita ng mga TNHSians ang kanilang pagmamalasakit, paggalang, at pagpapahalaga sa mga mag-aaral na kabilang sa LGBTQIA+ community sa pagdaraos ng Pride Month Celebration sa Titay National High School noong ika-30 ng Hunyo ng kasalukuyang taon.

Sa pagbubukas ng programa, nagpakitang-gilas ang mga kinatawan mula sa bawat baitang sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kanilang natatanging talento at kakayahan. Tampok sa programa ang mga makabagong sayaw, kahanga-hangang pag-awit, at malikhaing pagsasadula na nagbigay-sigla at inspirasyon sa mga manonood. Pinatunayan ng mga kalahok na ang bawat isa ay may natatanging husay at talento.

Sa kaniyang Message of Inspiration, sinabi ni TNHS Guidance Counselor, Sir Ronald Astillero, "Anuman ang ating paniniwala, kultura, at identidad, pakitunguhan ang kapwa nang may paggalang at kabutihan." Ang kaniyang mensahe ay nagsilbing paalala sa lahat na sa isang lipunang patuloy na nagbabago, mahalagang pairalin ang bukas na isipan, paggalang sa pagkakaiba-iba ng bawat tao, at pagkilala sa pagkakapantay-pantay ng lahatโ€”hindi lamang sa loob ng paaralan kundi maging sa buong pamayanan.

Sulat niโœ๐Ÿป: Pristine Elcamelโ€” ๐’๐ˆ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐’๐ŸŒฑ๐€
Larawan ni๐Ÿ“ท Justen Mirandaโ€”๐’๐ˆ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐’๐ŸŒฑ๐€

๐€๐ง๐  ๐›๐ข๐ง๐ก๐ข๐ง๐  ๐ง๐š๐š๐ง๐ญ๐š๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐›๐š๐ ๐ฒ๐จ, ๐ญ๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐ฒ๐จ๐ญ, ๐š๐ญ ๐ฅ๐ข๐ง๐๐จ๐ฅ ๐š๐ฒ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐›๐จ๐ฅ. ๐ŸŒฑSa bawat unos na nalampasan, lalo itong tumitibay...
22/06/2026

๐€๐ง๐  ๐›๐ข๐ง๐ก๐ข๐ง๐  ๐ง๐š๐š๐ง๐ญ๐š๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐›๐š๐ ๐ฒ๐จ, ๐ญ๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐ฒ๐จ๐ญ, ๐š๐ญ ๐ฅ๐ข๐ง๐๐จ๐ฅ ๐š๐ฒ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐›๐จ๐ฅ. ๐ŸŒฑ

Sa bawat unos na nalampasan, lalo itong tumitibay at mas handang harapin ang mga ๐ฉ๐š๐ก๐ข๐ง๐š, ๐ฉ๐š๐ง๐š๐ฒ๐š๐ฆ, ๐ฆ๐ข๐ค๐ซ๐จ๐ฉ๐จ๐ง๐จ, ๐š๐ญ ๐›๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ ๐ก๐ข๐ก๐ข๐ง๐ญ๐š๐ฒ ๐ฆ๐š๐ข๐ฉ๐š๐ก๐š๐ฒ๐š๐ . ๐ŸŽ™๏ธ

๐ŸŒธ ๐€๐ง๐  ๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ ๐š๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ค๐š๐ซ๐ž๐ซ๐š, ๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ฆ๐ ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ญ๐š๐จ๐ง๐  ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ฌ๐ข๐ง. Ngayon na ang panahon upang maging ๐ฆ๐š๐ญ๐š, ๐ญ๐š๐ข๐ง๐ ๐š, ๐š๐ญ ๐›๐จ๐ฌ๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐ง.

Kung ikaw ay may ๐ฉ๐š๐ง๐š๐ฎ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ข๐ง๐ข๐ , ๐ค๐ฎ๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ๐ง๐  ๐ง๐š๐ข๐ฌ ๐ฆ๐š๐ข๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ, at ๐ค๐š๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐ก๐š๐ง๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ข๐ฌ ๐ฆ๐š๐ข๐ฉ๐š๐ก๐š๐ฒ๐š๐ , ihanda ang iyong ๐›๐จ๐ฌ๐ž๐ฌ, ๐ฉ๐š๐ง๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ, ๐š๐ญ ๐ค๐š๐ฆ๐ž๐ซ๐šโ€”sapagkat narito na ang iyong pagkakataon.

๐๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ข๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ž๐ฌ๐š๐๐จ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐  ๐‘๐€๐ƒ๐ˆ๐Ž ๐๐‘๐Ž๐€๐ƒ๐‚๐€๐’๐“๐ˆ๐๐†, magtungo sa ๐’๐’๐‹๐† ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž sa ๐‡๐ฎ๐ฐ๐ž๐›๐ž๐ฌ (๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ๐Ÿ“), ๐š๐ฅ๐š๐ฌ-๐Ÿ’:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐ง๐  ๐ก๐š๐ฉ๐จ๐ง.

๐Ÿ–‹๏ธ ๐๐š๐ซ๐š ๐ง๐š๐ฆ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ง๐š๐ ๐ง๐š๐ง๐š๐ข๐ฌ ๐ฆ๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ก๐š๐ฒ๐š๐ ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐ก๐š๐ง๐๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ ๐ฎ๐ฉ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ, magtungo rin sa ๐’๐’๐‹๐† ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž sa ๐๐ข๐ฒ๐ž๐ซ๐ง๐ž๐ฌ (๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ๐Ÿ”), ๐š๐ฅ๐š๐ฌ-๐Ÿ’:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐ง๐  ๐ก๐š๐ฉ๐จ๐ง.

๐ŸŒฑ ๐’๐ฎ๐ฆ๐ข๐›๐จ๐ฅ. ๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ. ๐Œ๐š๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ.

Sulat niโœ๐Ÿป: Jenny Claire Molejonโ€” ๐’๐ˆ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐’๐ŸŒฑ๐€
Disenyo๐ŸŽจ: P**a Matabalan โ€”๐’๐ˆ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐’๐ŸŒฑ๐€

๐‹๐€๐“๐‡๐€๐‹๐€๐ˆ๐ | ๐’๐š ๐‹๐ข๐ค๐จ๐ ๐ง๐  ๐๐š๐ก๐š๐ ๐ก๐š๐ซ๐ข      Hindi lahat ng sugat ay dumudugo.    May mga sugat na natututong ngumiti. May mga...
14/06/2026

๐‹๐€๐“๐‡๐€๐‹๐€๐ˆ๐ | ๐’๐š ๐‹๐ข๐ค๐จ๐ ๐ง๐  ๐๐š๐ก๐š๐ ๐ก๐š๐ซ๐ข

Hindi lahat ng sugat ay dumudugo.

May mga sugat na natututong ngumiti. May mga luhang natututong magkubli sa likod ng halakhak, at may mga pusong pinipiling manahimik dahil ang pagiging totoo ay maaaring maging dahilan upang sila'y iwanan ng mundong nais lamang nilang maging kabilang.

Sa kabila ng makulay na pinta ng bahagharing mundo, may mga kuwentong singlalim ng bughaw na karagatan ang hindi nabatid.

Isa na rito ang kuwento ni Dexter Bation. Isang matalino, talentado, at bahagi ng Titay National Highschool organizations na parte ng LGBTQIA+ community.

Bago niya natutunang ipagmalaki ang kanyang pagkatao, una muna niyang natutunang matakot at mangamba. Takot sa mga matang mapanghusga. Pangamba sa mga salitang kayang durugin ang isang pusong nagsisikap lamang maging totoo. Lalong lalo na sa posibilidad na baka sa oras na makita ng mundo ang tunay niyang kulay, ay maaring hindi na siya tanggapin.

Habang ang ibang kabataan ay abala sa pagtuklas ng kanilang mga pangarap, si Dexter ay abala sa pakikipagdigma sa sarili niyang mga agam-agam. Bawat araw ay tila pagsusulit na walang tamang sagot. Bawat kilos ay may kasamang takot at pag-aalinlangan. Bawat salita ay binabantayan upang hindi maging dahilan ng panibagong paghusga.

Katanungan. Laban. Pag-aalinlangan.
Ang pinaka-una niyang kabalan, ay hindi ang sangkatauhan. Kundi ang laban sa tanong na paulit-ulit bumubulong sa kanyang isipan: "Kapag ipinakita ko ang tunay kong sarili, pagmamahal ng mga tao'y sa'kin kaya manatili?"

Isang tanong na marahil ay hindi kailanman kailangang itanong ng karamihan, ngunit araw-araw na pasan ng maraming miyembro ng LGBTQ+ community.

Gaya ng sabi ni Dexter, marami siyang pinagdaanang hamon at kritisismo. Ngunit sa bawat panghuhusga, may bagong aral na kanyang natutunan. Sa bawat pagtanggi, may panibagong tapang na kanyang natagpuan. Ang mga sugat na minsang nagpaluha sa kanya ang siya ring naging dahilan upang matutunan niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. At marahil iyon ang hindi natunghayan ng marami.

Sa tuwing nakakakita sila ng isang taong matapang na ipinapakita ang kanyang tunay na pagkatao, hindi nila batid ang mga gabing puno ng pagdududa. Hindi nila naririnig ang mga tahimik na iyak. Hindi nila nararamdaman ang bigat ng takot na baka isang araw ay hindi ka na kayang tanggapin ng mga taong pinakamamahal mo.

Ngunit heto si Dexter. Hindi perpekto. Hindi ligtas sa sakit. Hindi ligtas sa paghusga. Ngunit patuloy na lumalaban. Patuloy ang kadakilaan.

Sapagkat ang Pride ay hindi lamang tungkol sa pagwagayway ng watawat o pagsusuot ng makukulay na damit. Ang Pride ay tungkol sa pagpiling mabuhay nang totoo sa kabila ng posibilidad na masaktan. Ito ay tungkol sa pagpiling mahalin ang sarili sa mundong minsang nagturo sa iyong ikahiya ang iyong pagkatao.

Sa likod ng bawat ngiti ni Dexter Bation ay isang pusong minsang nasaktan, ngunit piniling mabuhay nang totoo kaysa mabuhay nang nakakubli sa madilim na katauhan.

Kaya ngayong Pride Month, nawa'y hindi lamang natin makita ang mga kulay ng bahaghari. Nawa'y makita rin natin ang mga luhang naging dahilan kung bakit ito naging makulay. Sapagkat sa likod ng bawat bahaghari ay may bagyong pinagdaanan. Ika nga ng karamihan "may munting bahagharing madadatnan, pagkatapos hagupit ng bagyo't ulan." Kaya salute sa mga kapatid nating parti ng bahagharing sambayanan.

๐ŸŒฑ ๐™„๐™จ๐™– ๐™ ๐™– ๐™—๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ž๐™ฃ๐™๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ž๐™จ ๐™จ๐™ช๐™ข๐™ž๐™—๐™ค๐™ก?O kayaโ€™y bulaklak na nais mamukadkad, hindi para sa sarili lamangโ€”bagkus ay para...
14/06/2026

๐ŸŒฑ ๐™„๐™จ๐™– ๐™ ๐™– ๐™—๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ž๐™ฃ๐™๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ž๐™จ ๐™จ๐™ช๐™ข๐™ž๐™—๐™ค๐™ก?

O kayaโ€™y bulaklak na nais mamukadkad, hindi para sa sarili lamangโ€”bagkus ay para sa ikabubuti ng lahat? Halinaโ€™t makiisa sa samahang magsisilbing katalista ng pagbabagoโ€”Ang Bagong Sibol๐ŸŒฑ.

Kung ikaw ay may talento sa pagsulat, pagguhit, o pagkuha ng larawan, panahon na upang itoโ€™y ipakita! Maging ManuMULAT sa napapanahong isyu at maging isang tagabunyag ng katotohanan!

Sa mga nais sumali at maging isang SIBOLISTA, during free time ( recess, lunch, after class) maaari kayong dumulog kina:

๐ŸŒฑCianeli Claudio (SSLG Office)
๐ŸŒฑ Reena Bael ( G7 Building)
๐ŸŒฑ Pia Gruy (G12 Mahusay)
๐ŸŒฑ P**a Matabalan (G12 Mahusay)

Maaari rin kayong magkomento sa post na ito o direktang i message kami upang aming makilala ang mga aspiring sibolista na magsisilbing boses๐Ÿ—ฃ๏ธ ng lahatโœจ!

โœ๐Ÿป: Pia Gruy - ๐’๐ˆ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐’๐ŸŒฑ๐€
๐ŸŽจ: P**a Matabalan - ๐’๐ˆ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐’๐ŸŒฑ๐€

Address

San Antonio Road, Purok Mauswagon, Poblacion
Titay
7003

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Bagong Sibol - Titay NHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share