28/09/2025
PINALAYAS NI MAMA ANG MGA KAPATID NG BOYFRIEND KO...
Good afternoon Ambenture Y Stories, call me Frits 29years old from Dagupan..
Almost 2 years na since nakapagpatayo kami ng boyfriend ko ng bahay. Pero hindi pa siya totally fully furnished, kaya halos lahat ng free time at sahod ko, nilaan ko sa pag-ayos. Ako yung nag-DIY ng ibang gagawin sa bahay, pintura, pati pagkabit ng tiles para Sana less gastos since balcony nalang naman ang walang tiles. Hindi ako nagrereklamo kasi para sakin, worth it yung effort pinaghirapan ko to, tahanan namin ‘to.
Pero laging nauuwi sa wala dahil sa dalawang kapatid ng boyfriend ko. Yung boy 9, yung girl 7.
Example yung tiles namin nabasag nila. Aba, bigla na lang naglaro yung kapatid niyang lalaki ng hammer at nabasag ang limang tiles sa sala. Nung tinanong ko, sagot niya: “Di naman namin gagawin yan sa bahay namin e, dito lang daw nila gagawain sa bahay namin .” Anong klaseng utak meron tong batang to. At yung parents nila chill lang sinabihan pa ako, “tiles lang naman yan.” Hindi ba nila gets na ako yung nagbabayad at nagtatapon ng pawis dito, hindi ang ang anak nila!
Dahil first attempt pa lang naman hinayaan ko muna sila.
Pero yung 7years old na sister niya, kahit ilang beses ko nang sinabi na huwag gagalawin ang mga gamit sa bahay ginagawa parin paulit-ulit pa rin. Syempre yung ref na pinaghirapan namin gasgas.
Ito ang Pinaka-malala. Last week, nag-insist yung sister niya na mag-sleepover sila sa bahay namin. Naawa ako kaya pumayag din naman ako. Pero tinawagan ko that time si Mama real Mom ko na kung pwede bumisita siya dito. Ang Mama ko wag ka bungangera siya at pambato ko sa labanan ng chismisan.
Kinabukasan, ayan dumating na si Mama mga kapatid ng boyfriend ko at Mama ng boyfriend ko. Okay pa naman sila hanggang gabi wala naman silang nasira o nabasag.
Pero kaumagahan nun paggising ko, baha sa banyo! Nabali niya yung faucet pipe kasi pinaglaruan ng lalaking kapatid ng boyfriend ko. Siyempre gastos na naman nami