Bunga - Jose V. Yap National High School

Bunga - Jose V. Yap National High School BUNGA: Tinig ng Panulat, Boses ng Lahat
Ang Opisyal na pahayagan sa Filipino ng Jose V. Yap National High School

๐€๐๐”๐๐’๐ˆ๐˜๐Ž | Opisyal nang binubuksan ang pagtanggap ng mga kasapi para sa pampaaralang pahayagan sa Filipino ng Jose V. Ya...
12/07/2025

๐€๐๐”๐๐’๐ˆ๐˜๐Ž | Opisyal nang binubuksan ang pagtanggap ng mga kasapi para sa pampaaralang pahayagan sa Filipino ng Jose V. Yap National High School formerly Tarlac National High School-ANNEX

Isang panibagong yugto ang muling sumisibol para sa mga kabataang handang tumindig, magsalita, at magpahayag.

Kung ikaw ay may diwang mapanuri, pusong mapagmalasakit, at tapang sa pagpapahayagโ€”ikaw ay inaanyayahang makiisa.

Halinaโ€™t maging bahagi ng isang pahayagang hindi lamang sumusulat ng kasaysayan, kundi tagahabi ng kinabukasan.

๐Ÿ“Œ๐‘ณ๐’‚๐’‘๐’Š๐’•๐’‚๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Š๐’๐’š๐’๐’๐’ˆ ๐’ˆ๐’–๐’“๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘ญ๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ ๐’–๐’‘๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’‚๐’๐’Š๐’”๐’•๐’‚ ๐’ ๐’Ž๐’‚๐’‚๐’‚๐’“๐’Š๐’๐’ˆ ๐’”๐’‚ ๐’‘๐’‚๐’Ž๐’‚๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’•๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐’๐’Š๐’๐’Œ ๐’๐’‚ ๐’Š๐’•๐’:
https://forms.gle/FSu4s1QjGm8pzazW8
https://forms.gle/FSu4s1QjGm8pzazW8

19/06/2025
11/12/2024
07/11/2024

'School-Based Press Conference Winners' Meeting & Election'
When: November 08,2024
Time: 9: 00 am - 12:00 pm.
Where : JVYNHS Conference Hall

Your attendance is highly appreciated. See you there!

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | JVYNHS Ipinagdiwang ang Teacher's Day 2024Noong ika-4 ng Oktubre 2024, ipinagdiwang ng ๐—๐—ผ๐˜€๐—ฒ ๐—ฉ. ๐—ฌ๐—ฎ๐—ฝ ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ถ๐—ด...
05/10/2024

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | JVYNHS Ipinagdiwang ang Teacher's Day 2024

Noong ika-4 ng Oktubre 2024, ipinagdiwang ng ๐—๐—ผ๐˜€๐—ฒ ๐—ฉ. ๐—ฌ๐—ฎ๐—ฝ ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ถ๐—ด๐—ต ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น (JVYNHS) ang ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฟโ€™๐˜€ ๐——๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ na may temang "๐‘ฝ๐’‚๐’๐’–๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’†๐’‚๐’„๐’‰๐’†๐’“๐’”' ๐‘ฝ๐’๐’Š๐’„๐’†๐’”: ๐‘ป๐’๐’˜๐’‚๐’“๐’…๐’” ๐’‚ ๐‘ต๐’†๐’˜ ๐‘บ๐’๐’„๐’Š๐’‚๐’ ๐‘ช๐’๐’๐’•๐’“๐’‚๐’„๐’• ๐’‡๐’๐’“ ๐‘ฌ๐’…๐’–๐’„๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’" Ang programa ay isang pagbibigay-pugay sa mga g**o na siyang humuhubog sa kinabukasan ng mga kabataan.

Pinangunahan nina ๐——๐—ฟ. ๐—ฅ๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ฒ๐—น ๐—ฆ. ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฟ๐—ฒ๐—ผ๐—ป, OIC School Head, at ๐—š๐—ป๐—ด. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ ๐—”๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—–. ๐— ๐—ฎ๐—น๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ, Assistant Principal, ang pagbibigay ng mga makabuluhang mensahe na nagbigay diin sa kahalagahan ng mga g**o sa lipunan. Ang selebrasyon ay puno ng saya at buhay, na pinaghandaan ng ๐—ฆ๐˜‚๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ ๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ (๐—ฆ๐—ฆ๐—Ÿ๐—š) ๐—ผ๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€. Naging bahagi ng programa ang mga palaro, raffle, trivia games, at mga natatanging pagtatanghal mula sa piling mga mag-aaral, SSLG officers, at ang JVYNHS Dance Troupe โ€“ ๐™๐™ž๐™ง๐™š๐™›๐™ก๐™ฎ.

Ang matagumpay na selebrasyon ng Teacher's Day 2024 ay hindi lamang nagsilbing pagbibigay-pugay sa mga g**o kundi naging pagkakataon din upang maipamalas ang pagkakaisa at kasiyahan ng buong paaralan.

๐Ÿ–‹๏ธMegan Lee Lazaro
๐Ÿ“ธ Megan Lee Lazaro, Michgail Yasol, Shelley Reicy Cunanan, Gng. Lory Castaรฑeda at G. Roy Mark Batay



๐— ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ง๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—ข๐—Ÿ-๐—•๐—”๐—ฆ๐—˜๐—— ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—–๐—ข๐—ก๐—™๐—˜๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—–๐—˜!Nagsimula na ang pagpapatala para sa taunang School-Based Press Confe...
03/10/2024

๐— ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ง๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—ข๐—Ÿ-๐—•๐—”๐—ฆ๐—˜๐—— ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—–๐—ข๐—ก๐—™๐—˜๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—–๐—˜!

Nagsimula na ang pagpapatala para sa taunang School-Based Press Conference ng Jose V. Yap National High School!

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ต๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ผ:
Maaaring lumapit sa inyong G**o sa Filipino para magpatala. Ang deadline ng pagpaparehistro ay hanggang sa susunod na Linggo.

๐—ฃ๐—ฒ๐˜๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ:
Oktubre 10, 2024

Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa inyong g**o.

๐‘ฉ๐‘ผ๐‘ต๐‘ฎ๐‘จ: ๐‘ป๐’Š๐’๐’Š๐’ˆ ๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’–๐’๐’‚๐’•, ๐‘ฉ๐’๐’”๐’†๐’” ๐’๐’ˆ ๐‘ณ๐’‚๐’‰๐’‚๐’•



Calling all JVYNHS journalists-in-the-making! ๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข
Want to join the school press conference and showcase your writing skills? The School-Based Press Conference is happening on Thursday, October 10, 2024, and you're invited to be part of it!
Prepare your pads and pens, sharpen your critical thinking skills and ready your cameras.

Get ready to learn from the EXPERTS who will be joining us for this exciting event.

Registration is open now, so head to your English or Filipino teacher to sign up.

This is your chance to shine and become a part of the next generation of campus writers!

Layout by:Lexus Ibe

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Koronasyon ng Mr. and Ms. Intramurals,Tampok sa Matagumpay na Pagdiriwang ng JVYNHS Intramurals 2024Napuno ng s...
28/09/2024

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Koronasyon ng Mr. and Ms. Intramurals,Tampok sa Matagumpay na Pagdiriwang ng JVYNHS Intramurals 2024

Napuno ng sigawan, suporta, at kasiyahan ang buong Jose V. Yap National High School sa matagumpay na pagtatapos ng Intramurals 2024, na ginanap noong Setyembre 27, 2024, sa temang โ€œChampions in the Making: Building Character through Sports.โ€

Bukod sa mga kompetisyon sa ibaโ€™t ibang larangan ng palakasan, tampok din ang isa sa pinakaaabangang bahagi ng selebrasyonโ€”ang taunang Mr. and Ms. Intramurals na nagpakitang-gilas ng kagandahan, talino, at kumpiyansa ng mga kalahok. Sa naturang kompetisyon, ipinamalas ng mga estudyante hindi lamang ang pisikal na galing kundi pati ang kanilang husay sa pagsagot at pagdadala ng sarili sa harap ng madla.

Ang mga kalahok ay sumabak sa iba't ibang yugto ng kompetisyon tulad ng pagrampa sa sports attire, pagpapamalas ng talento, at matalinong pagsagot sa Q&A portion. Matapos ang masusing deliberasyon, itinanghal si Trixcee Manalo bilang Ms. Intramurals 2024 at si Jake Asio bilang Mr. Intramurals 2024โ€”isang tagumpay na bunga ng kanilang sipag, tiyaga, at dedikasyon.

Ang matagumpay na pagdiriwang ay nagbigay-diin sa papel ng isports bilang daan tungo sa mas matibay na pagkakaisa at disiplina sa eskwelahan. Sa pangunguna ng MAPEH Department, ipinakita ng Intramurals ang kahalagahan ng kalusugan, disiplina, at pagkakaroon ng balanseng buhay sa loob at labas ng paaralan.

Ulat ni: Megan Lee Lazaro





๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Masiglang Patimpalak sa Zumba, Tampok sa Intramurals ng Jose V. Yap National High SchoolIsang makulay at masigl...
28/09/2024

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Masiglang Patimpalak sa Zumba, Tampok sa Intramurals ng Jose V. Yap National High School

Isang makulay at masiglang Zumba competition ang naganap sa Jose V. Yap National High School nitong Huwebes, Setyembre 26, 2024, na dinaluhan ng mga mag-aaral mula ikapitong baitang hanggang ikalabing dalawa. Mula sa ganap na 9:30 ng umaga, nagpakitang-gilas ang bawat baitang sa kani-kanilang mga Zumba performances na puno ng sigla at koordinasyon.

Hinati ang patimpalak sa dalawang kategorya: ang mga estudyante mula ikapito hanggang ikasiyam na baitang ay lumahok sa tinaguriang Magandang Buhay Division, habang ang ikasampu hanggang ikalabing dalawang baitang naman ay kabilang sa Mabuting Tao Division. Bawat grupo ay nagbigay ng kani-kanilang natatanging interpretasyon ng Zumba, ipinakita ang kanilang husay sa paggalaw at pagbuo ng creative routines.

Naiuwi ng ikasiyam at ikasampung baitang ang unang gantimpala sa kanilang mga division, samantalang nakamit ng ikawalo at ikalabing dalawang baitang ang ikalawang gantimpala. Ang ikapito at ikalabing isang baitang naman sa ikatlong gantimpala.

Samantala, kinilala rin ang mga natatanging performance tulad ng Best Lyrics Award na iginawad sa ikapitong baitang, ang Audience's Favorite Award sa ikalabing dalawang baitang, at ang Most Creative Routine at Best Performance Award ay napunta sa ikasampung baitang.

Ang patimpalak na ito ay hindi lamang naghatid ng saya at sigla sa mga kalahok at manonood, kundi nagsilbing paalala sa kahalagahan ng ehersisyo, disiplina, at pagkakaisa sa kabila ng kumpetisyon.

Ulat ni: Nathalee Sunga
Mga kuhang larawan ni: Michgail Yasol





๐—ฌ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ผ๐˜„ ๐—ง๐—ถ๐—ด๐—ฒ๐—ฟ, ๐—ก๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฒ๐—ป'๐˜€ ๐—ฉ๐—ผ๐—น๐—น๐—ฒ๐˜†๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—น ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐—๐—ฉ๐—ฌ๐—ก๐—›๐—ฆ ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐˜€ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฐSa matinding sagupaan sa court, ang ...
27/09/2024

๐—ฌ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ผ๐˜„ ๐—ง๐—ถ๐—ด๐—ฒ๐—ฟ, ๐—ก๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฒ๐—ป'๐˜€ ๐—ฉ๐—ผ๐—น๐—น๐—ฒ๐˜†๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—น ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐—๐—ฉ๐—ฌ๐—ก๐—›๐—ฆ ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐˜€ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ

Sa matinding sagupaan sa court, ang Grade 8 Yellow Tiger ay ipinakita ang kanilang lakas at husay matapos nilang masungkit ang kampeonato sa Men's Volleyball ng JVYNHS Intramurals 2024. Ang laban ay ginanap noong Setyembre 26, 2024, kung saan nagpakitang-gilas ang bawat manlalaro ng Yellow Tiger laban sa kanilang mga kalaban, na walang humpay sa pagbigay ng mga malalakas na spike at matitinding blocks.

Naging dikit ang mga set, ngunit sa huli, nanaig ang diskarte at pagkakaisa ng Yellow Tiger. Pinangunahan ng kanilang mga beteranong spiker ang opensa, habang ang kanilang depensa ay matibay na pader na humadlang sa bawat atake ng kalaban. Sa huling set, hindi na nagpabaya ang koponan, pinaigting ang kanilang laro, at tuluyang sinelyuhan ang pagkapanalo.

Ang pagkapanalo ng Yellow Tiger ay sumasalamin sa kanilang dedikasyon, training, at puso sa bawat rally ng bola. Isang tunay na tagumpay na naging simbolo ng kanilang pagkakaisa at sportsmanship sa Intramurals 2024.





๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | Baitang 9, Namayagpag sa Women's Volleyball ChampionshipRumatsada ang Red Hawk mula sa ika-9 na baitang matapo...
27/09/2024

๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | Baitang 9, Namayagpag sa Women's Volleyball Championship

Rumatsada ang Red Hawk mula sa ika-9 na baitang matapos pataobin ang katunggaling Green Dragon mula sa baitang 7 sa larangan ng Women's Volleyball Championship Intramurals na ginanap sa Jose V. Yap National High School noong Setyembre 25, 2024 ng hapon sa iskor na 15-12.

Nagpakitang gilas agad ang dalawang team upang makahigit sa laban at maibulsa ang kampeonato ngunit malabakal na kamay ang taglay ng Green Dragon upang depensahan ang kalaban, 25-21.

Ginulantang naman ng Red Hawk ang mga kalaban at manonood matapos magpakawala nang sunod-sunod na puntos sa pamamagitan ng drop ball at blocks sa matinding opensa na dulot ng karibal na mga manlalaro, wagi ang Grade 9 sa ikalawang set ng laro sa puntos na 25-23, 1-1, dikit ang laban ng mga atleta.

Pagpatak ng ikatlong set, tuluyan nang sinelyuhan ng Pulang Lawin ang pagkapanalo laban sa kabilang koponan nang ipalasap ng mga ito ang matatalim na mga tirada sa pangunguna ng captain ball na si Yasmien Vivar at iba pang player na nagpahirap ng lubos sa mga kalaban, nagtapos ang bakbakan nang may ngiti sa labi at itinanghal na kampeon ang Red Hawk, 2-1.

"๐˜”๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ฐ ๐˜บ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ, ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฌ๐˜ต๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข, ๐˜ต๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ด๐˜ข'๐˜ต ๐˜ช๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ", saad ng Captain Ball ng baitang 9 na si Yasmien Vivar.

Ulat ni: Ralph Dane Ruales





Address

Toledo

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bunga - Jose V. Yap National High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share