MCO News TV

MCO News TV MCO News TV is a local News TV that features latest News and Entertainment in Eastern Visayas. Communication Group

Backed and Powered by the Member Consumer Owners of Electric Cooperatives in Eastern Visayas.

16/08/2025

PANOORIN: Sabay-sabay na nagtanim ng mga puno at naglinis ng linya ng kuryente ang higit isang daang electric coop sa Pilipinas kasabay ng pagdiriwang ng National Electrification Awareness Month.

Sa LEYECO III, mas naging espesyal at makabuluhan ito dahil sa pagdiriwang nito ng ika-50 anibersaryo.

12/08/2025

PANOORIN: Mula Visayas hanggang Mindanao, nagsama-sama ang mga magagaling na karateka para sa mainit, masigla, at puno ng aksyon na 4th Listo Berto Invitational Karatedo Tournament 2025.

08/08/2025

PANOORIN: Napuno ng saya at talento ang Tunga LGU Grounds sa ginanap na LEYECO III Fiesta Got Talent.

Ang talent competition na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng National Electrification Awareness Month, Tunga Town Fiesta, at ang Golden Anniversary ng LEYECO III.

08/08/2025

WATCH: Lahat ng electric cooperatives sa Pilipinas ay sabay-sabay na lumahok sa isang nationwide fun run upang ipagdiwang ang National Electrification Awareness Month at ang ika-56 anibersaryo ng National Electrification Administration.

26/07/2025

PANOORIN: Masaya at puno ng pag-asa ang naging District Election ng LEYECO III sa Carigara, Leyte. Kahit senior citizens, todo-suporta at hindi nagpahuli sa pagboto para sa kinabukasan ng kooperatiba!

Landslide victory naman ang nakamit ni Silvino Maria Torrevillas Adizas na nanalo sa tiwala ng mga MCO!

15/07/2025

Nanatili sa pwesto bilang Board of Director ng LEYECO III si Van Alex Lantajo para sa bayan ng Sta. Fe.

At sa kanyang ikatlo at huling termino, bitbit niya ang pangakong mas matatag na serbisyo sa kuryente.

08/07/2025

Naitala ang pinakamataas na voter turnout sa district election ng LEYECO III sa Pastrana, Leyte.

Panalo si Marilyn Empillo-Son bilang board of director.

Aniya, hindi niya inasahan ang tagumpay, ngunit handa umano siyang palakasin ang ugnayan ng LEYECO III at mga Member-Consumer-Owners.

16/02/2025

๐——๐—ฎ๐—ฎ๐—ป-๐—ฑ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ, ๐—Ÿ๐—ฒ๐˜†๐˜๐—ฒ, ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ณ๐˜‚๐—ป ๐—ฟ๐˜‚๐—ป ๐—ป๐—ด 121 ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ ๐—–๐—ผ๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐˜‚๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ.

Mula sa mag-asawang tumakbo bilang kanilang โ€˜Valentineโ€™s date,โ€™ mga kaibigang piniling maging mas healthy, hanggang sa 69-anyos na lolo na sumabak sa 10K runโ€”lahat ay lumahok sa takbuhang puno ng diwa ng pagkakaisa!

๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ด๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒโ€™๐˜€ ๐——๐—ฎ๐˜†, ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฑ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—˜๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ป ๐—ฉ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐˜€EASTERN VISAYAS โ€“ Isang magnitude 5.6 na lindol ang yuma...
14/02/2025

๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ด๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒโ€™๐˜€ ๐——๐—ฎ๐˜†, ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฑ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—˜๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ป ๐—ฉ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐˜€

EASTERN VISAYAS โ€“ Isang magnitude 5.6 na lindol ang yumanig sa Eastern Visayas sa mismong gabi ng Araw ng mga Puso, Pebrero 14, 2025. Nangyari ito bandang 8:50 PM at ang sentro ng lindol ay 40 kilometro hilagang-silangan ng Hernani, Eastern Samar, at may lalim na 10 kilometro.

Ang lindol ay dulot ng paggalaw ng mga bitak sa ilalim ng lupa. Maraming lugar sa Eastern Visayas ang nakaramdam ng pagyanig. Pinakamalakas ito sa Palo, Leyte, kung saan umabot sa Intensity III. Ganoon din ang lakas ng pagyanig sa Can-Avid, Eastern Samar; Carigara, Dulag, at Abuyog, Leyte; at Gandara, Samar.

Samantala, mas mahina naman ang naramdaman sa Burauen at Kananga, Leyte; Villareal, Basey, at Marabut, Samar na umabot lang sa Intensity II. Sa iba pang lugar tulad ng Naval, Biliran; Isabel, Leyte; Mapanas, Northern Samar; at Sogod, Southern Leyte, mahina lamang ang pagyanig sa Intensity I.

Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang pinsala, ngunit posibleng magkaroon ng aftershocks. Pinapayuhan ang lahat na manatiling kalmado at maging handa sakaling muling may maramdaman na pagyanig.

Sa kabila ng malawakang epekto ng lindol sa buong Silangang Visayas, wala namang naiulat na nasaktan o nasirang ari-arian.

07/02/2025

๐—ง๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐—”๐—ฃ๐—˜๐—– ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜†๐—น๐—ถ๐˜€๐˜ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ด๐—ถ๐—ผ ๐——๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ผ๐—ฐ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ผ๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ต๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ป๐—ถ ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐——๐˜‚๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ฒ?

๐—•๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฝ๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐—ฟ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ต๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜?

05/02/2025

Nagkaisa ang mga consumer at progressive groups, gayundin ang mga empleyado ng mga electric cooperatives sa Mindanao sa isang Peace Rally sa Tagum City upang tutulan ang pagpapalawak ng prangkisa ng Davao Light and Power Company (DLPC) sa nasasakupan ng NORDECO.

01/02/2025

๐˜ผ๐™‹๐™€๐˜พ ๐™‹๐™–๐™ง๐™ฉ๐™ฎ๐™ก๐™ž๐™จ๐™ฉ ๐™๐™š๐™ฅ. ๐˜ฟ๐™–๐™œ๐™ค๐™ค๐™˜: "๐™†๐™–๐™ข๐™ž ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ฅ๐™–๐™จ๐™ช๐™œ๐™– ๐™–๐™ฃ๐™ž, ๐™ ๐™–๐™ข๐™ž ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™ค๐™ข ๐™–๐™ฃ๐™ž, ๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™ฃ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™๐™ค๐™ฃ?"

Naging emosyonal si Cong. Sergio Dagooc ng APEC Partylist matapos marinig ang kantang isinulat ng BILECO (Biliran Electric Cooperative) na sumasalamin sa matapang na laban ng electric cooperatives kontra oligarkiya. Sa kanyang pagbisita, inisa-isa niya ang mga batas na naipasa upang mapagaan ang pasanin ng mga kooperatiba at kanilang mga miyembro.

Address

Tolosa
6503

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MCO News TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to MCO News TV:

Share