Prtty Vibes

Prtty Vibes ronna�

04/08/2023

Awww 🖤🥺

- Love & Other Drugs 🎬

04/08/2023
❤❤
03/08/2023

❤❤

03/08/2023

Pa support po ng page ko,thankyouu❤

"HANGGANG SA HULI"Third Anniversary namin ng girlfriend ko na si Ayesha ,andito kami ngayon nakaupo habang pinagmamasdan...
07/09/2022

"HANGGANG SA HULI"

Third Anniversary namin ng girlfriend ko na si Ayesha ,andito kami ngayon nakaupo habang pinagmamasdan ang hampas ng mga alon,habang ang mga ulo nya ay nakapatong sa aking kanang balikat.
Tatlong taon na kami ng girlfriend ko at sa tatlong taon na yon,pilit akong lumalaban sa sakit na meron ako,na alam kong magtatapos na,gusto ko pang mabuhay ng matagal para matupad ang mga pangarap ko kasama nang girlfriend ko.
"Alam mo love,napakagandang pagmasdan ng dalampasigan no?dito naiibsan ang mga sakit at porblema na nararanasan ko,at lalo pa kung kasama kita,nakakagaan ng loob at nakakaganang mabuhay" sabi ko sa kanya nang may bahid nang lungkot.
"Kahit na anong mangyaree love,tandaan mo lagi na andito ako,sasamahan kita sa laban mo,sa sakit mo sa mga problema mo. Hinding hindi kita iiwan hanggang sa huli ang laban na to okay?" Ani Ayesha na nagpalaglag sa aking mga luha.

Nagpasama ako sa kanya dito,kahit na ayaw akong payagan ng doctor na lumabas ng ospital. Alam ko sa sarili ko na hanggang dito na lang ang laban ko. Naisip ko na pano kaya kapag naiwan ko ang babae na to dito?iniisip ko na kapag nawala na ako,sana makahanap siya agad ng mamahalin sya ng sobra. Yung hindi sya iiwan katulad ko. Gusto kong makalimutan niya yung mga sakit na naranasan niya kasama ako.
"Love,kung darating man yung araw na mawala ako,wag kang iiyak sa harapan ko. Dahil hindi ko na magagalaw ang mga kamay ko para punasan ang mga luha mo." Sa sinabi kong yon handa nakong iwan siya.
Humarap sya sa akin.
"Hindi ko alam kung nagpapaalam kana,pero ayoko,ayaw pa kitang mawala. Sa tuwing naiisip ko na,gigising ako tuwing umaga na wala kana n-ngayon pa l-lang parang gustong kong magwala,naiisip ko na mawawala na yung mga pangarap nating dalawa kase nga wala kana,ayoko. Yung mga ngiti mo na diko na makikita at ang mga yakap at halik mo na hindi ko na mararamdaman yun pa lang ang sakit sakit na. Pero sa tuwing nakikita kitang nanghihina at napapagod don palang parang pinapatay na ako. Kayaa love,kung naiisip mo kung paano ako pag nawala ka. Wag kang magalala, lalaban pa din ako pangako." Umiiyak na sabi nya sakin.

Ramdam ko na hanggang dito na lang siya,hindi ko siya pipilitin sa gusto kong manatili siya,hinang hina na sya at pagod na pagod. Kung pwede nga lang na hati kami sa sakit nararamdaman nya ay tutulong ako sa kanya.
Hinalikan nya ako sa labi at ang ulo nya ay ipinatong niya sa aking balikat.

"Mahal ko,ipipikit kona ang aking mga mata,ayokong mawalay sa iyong mga yakap ngunit dinadala na ako ng tadhana sa aking tunay na tahanan. Aking sinta nawa'y ang puso mo ay palayain mo sa kalungkutan,mga luha mo ay iyong pigilan dahil ang mga kamay ko ay ibababa ko na. Mahal kita Ayesha,salamat at hanggang sa huli ay nariyan ka hanggang sa huli kong pamamaalam."

At pag katapos ko marinig ang kanyang mga salita ay sya ring pagbagsak ng kanyang kamay.

"Mahal ko,bantayan mo ako,hindi kana dyan maghihirap mahal kita ng sobra." Hagulgol ko sa kanya habang yakap yakap ko sya.
"Sleep well mahal ko,mahal kita."

"NAUBOS MAN ANG ATING PAHINA,TADHANA MAN NATIN AY NAGIBA,ANDITO KA PA RIN SA PUSO KO,MANANATILI KA SA PUSO KONG NAGIISA. HANGGANG SA HULI MAHAL KO,PAALAM."

Address

Mabuhay
Torrijos
4103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Prtty Vibes posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category