11/09/2024
Day 179: Devotional Time ππ£
Text: Santiago 5:13
May paghihirap ba ang sinuman sa inyo? Manalangin siya. Nagagalak ba ang sinuman? Umawit siya ng papuri sa Diyos.
Title: Pasasalamat
Isang Mapagpalang Araw po mga Kapatid. Kumusta napo ang araw ninyo ngayon?Nakapanalangin at nakapag-basa na poba kayo ng Salita ng Diyos. Muli samahan po ninyo ako sa ating pag-aaralang talata ngayong araw.
Ang paghihirap ay maraming kategorya. Nahihirapan ka dahil kulang ka sa financial, wala kang lovelife, hindi ka nakapasa sa pagsusulit, maraming galit sayo, napagalitan ka ng magulang mo at kung ano ano pa. Kapag masaya ka naman., nabibili mo ang gusto mo, marami kang kaibigan, wala kang kaaway, maganda ang lovelife, perfect ka sa exam. Ganyan ang nagiging routine ng ating pamumuhay sa araw-araw. Natural lamang na makaramdam ka ng kalungkutan at kagalakan dahil tayo ay mayroong emosyon. Ngunit ang itinuturo ng Salita ng Diyos na sa lahat ng ganitong sitwasyon tayo ay magalak at magpasalamat sa Panginoon. Everytime na nakakaranas ka ng paghihirap mas higit na tumawag at lumapit tayo sa Panginoon dahil Siya lamang ang makapagbibigay sa atin ng tunay na kapayapaan sa puso at isipan natin. Tuwing nagagalak naman ay huwag nating kalimutang magbalik ng taos pusong pasasalamat sa Diyos Ama na nagkaloob sa atin ng maraming pagpapala. Ang buhay natin ay nakasalalay sa Panginoon kung kaya mas naisin ng puso natin na sa umpisa palang ng pag mulat ng iyong mga mata ay agad na yumuko at isipin ang Panginoon at manalangin. Humingi ng gabay at proteksyon upang tayo ay ilayo sa mga kapahamakan at mga hindi magandang sitwasyon sa buong araw na darating.
Application:
Ipagkatiwala sa Panginoon ang iyong buong buhay sa araw-araw.
Prayer:
Panginoon Hesus., maraming salamat sa araw na ito. Buong puso po akong nagtitiwala na Ikaw ang mag-iingat sa akin sa mga gawa ng kaaway ako ay ilayo at ingatan. Tanging sa Pangalan mo lamang aking Panginoon Jesus. Ikaw po ang masunod palagi sa buhay ko. Amen.
Glory to God
Godbless ππ
melissaaliangan