Mack Myhy

Mack Myhy The meaning of life is to find your purpose, and the purpose of life is to give it away. Stories here: youtube.com/

Nagiisang larawan na nakunan ko.Muling nakalibot sa isang pamilyar na ruta. Mula Trece, General Trias, Bacoor, hanggang ...
11/06/2026

Nagiisang larawan na nakunan ko.

Muling nakalibot sa isang pamilyar na ruta. Mula Trece, General Trias, Bacoor, hanggang Muntinlupa. Nakarating ng Laguna kung saan nadaanan ko ang mga bayan ng San Pedro at Biñan pabalik ng Cavite.

Sa pagkakataon na ito, sa mga ahon ng Davilan ako sumabak para maiba naman at mabisitang muli ang lugar, ayos!

11/06/2026

Davilan via Carmona, tara?!

10/06/2026

Hapon hits, Tagaytay!

Nakalabas din pagkatapos ng ilang linggo. Maiksing libot lang muna. Bukas ulit!
09/06/2026

Nakalabas din pagkatapos ng ilang linggo. Maiksing libot lang muna. Bukas ulit!

03/06/2026

Happy World Bicycle Day!

Apalit, PampangaMatagal ko ng gusto dumalaw sa Apalit, Pampanga kung saan ako lumaki. Pero dahil sa dami ng kaganapan sa...
31/05/2026

Apalit, Pampanga

Matagal ko ng gusto dumalaw sa Apalit, Pampanga kung saan ako lumaki. Pero dahil sa dami ng kaganapan sa buhay, laging nawawala sa isip ko.

Hanggang magkaroon ng pagkakataon na makadalaw gamit ang bisikleta. Ang laki ng pinagbago ng daan at mga gusali, pero ang pakiramdam na nakabalik ako ay ganun parin.

Nadalaw ko ang aking lola na una sa listahan, at sinubukan kong dalawin ang puntod ng lolo ko pero bigo dahil di ko alam mismo kung saan ito nailagak.

Maaaring dahilan yun para bumalik muli sa susunod na magkaroon ng pagkakataon.

30/05/2026

HABAGAT IS HERE ☔️

WEATHER WATCH: Weather bureau PAGASA declares the beginning of the habagat our southwest monsoon on Saturday, May 30.

"As habagat becomes the dominant weather system, occasional to frequent rains and thunderstorms are expected, particularly over the western sections of the country,” the weather station says.

It added that these conditions may signal the possible onset of the rainy season in the coming days.

27/05/2026

Pumutol ng 300+ na puno, tsaka nila naisipang pag-aralan kung paano irerelocate yung natitirang 92 na puno. Sino ngayon ang dapat managot sa 300+ na punong di na maibabalik pa?

Minsang nagbisikleta ako papuntang Pampanga ay nagkaroon ako ng pagkakataon na madaanan ang Manila Central Post Office s...
27/05/2026

Minsang nagbisikleta ako papuntang Pampanga ay nagkaroon ako ng pagkakataon na madaanan ang Manila Central Post Office sa Liwasang Bonifacio, Ermita, Maynila habang pabalik ako ng Cavite.

Tahimik itong nakatayo sa gitna ng lungsod, dala ang bakas ng sunog na tumama rito noong 2023, ngunit ngayo’y unti unti nang ibinabangon muli sa ilalim ng kasunduang pagpapanumbalik upang maingatan ang kasaysayan nito.

May mga gusaling hindi lamang yari sa bato at haligi, kundi sa alaala ng mga taong minsang naghintay ng sulat, balita, at pagbabalik.

Nakakagaan isipin na muling ibinabangon ang lumang Post Office ng Maynila. Para bang may mga alaala talagang tumatangging tuluyang mawala.

Address

Trece Martires

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mack Myhy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share