10/12/2024
Vice: 3 years ka ng teacher, eh ilang years ka ng breadwinner?
Sir Michael: Since 3rd year highschool po ako up to now po breadwinner po ako ng family.
Vice: So may sampung taon na?
Sir Michael. Yes po, mahigit po.
Vice Ganda: ilan ang buhay na tinataguyod mo?
Sir Michael: Bale yung father, mother ko po. Tapos yung kapatid ko po na apat. Tapos yung anak po ng panganay naming na apat na pamangkin ko po.
Vice:Ang dami, so mahigit sampu? Panginoon, paano magkakasya ‘yung P16,000 kung may kaltas sa sampu sa isang buwan.
Sir Michael: Bale ang ginagawa ko na lang po is for example sumasahod po ako ng 8,000. Ang linis po ‘nun ay nasa P7,500. ‘Yung 7,000 po dun pinapadala ko po lahat sa family since ako lang po talaga ngayon yung inaasahan nila.
Vice: Paano ka dito sa Maynila kung walang natitira sa’yo. Kung lahat nasa kanila.
Sir Michael: ‘Yung naiiwan po na P500, pinagkakasya ko po ‘yun bago ako ulit sumahod.
Vice: For 15 days?
Sir Michael: Yes po. Minsan po nanghihiram na rin po ako and I’m so thankful po na may mga kaibigan o co-teacher po ako na talagang binibigyan din ako ng tulong dahil alam po nila ang sitwasyon ko sa buhay.
Vice: Paano ka kamukain sir? Kung 500 sa 15 days, magkano per day?
Sir Michael: Minsan po bumibili na lang ako ng chicken pastil, ‘yung P30 po. Bale minsan po dalawang beses or isang beses na lang po ako kumakain sa isang araw.
Vice: Ang hirap ng buhay mo, I can’t imagine. Paano ka tumatawa? Masaya ka pa ba? Sumasaya ka pa ba? Tumatawa ka pa ba?
Sir Michael: Sa mga nagdaang araw po up to now, hindi po talaga. Kasi, ilang araw na akong hindi nakakatulog ng maayos dahil lagi kong iniisip ‘yung pangangailangan ng family ko po. Lalong lalo na wala naman pong trabaho si father at si mother po tapos may mga iniinda pa pong sakit. Kaya hindi ko na namamalayan kung ngumingiti pa baa ko. Sig**o pag nasa school nalang ako kasi as a teacher kailangan mong gampanan ‘yung role mo na ipakita po sa mga students na okay ka, physically, mentally at emotionally kailangan mong ipakita sa kanila na okay ka.
Vice: Nakakamusta ka ba ng pamilya mo? Alam ba nila ang pinagdadaanan mo?
Sir Michael: Actually po, pagnatawag sila sa bahay lagi kong sinasabi na okay ako. Di ko po pinapakita na umiiyak ako kapag gabi, na ganito po ang sitwasyon ko. Nanood po sila ngayon. Ngayon lang po nila malalaman na ganito na po kabigat ‘yung nararamdaman ko. Minsan naiisip ko ng magpahinga pero hindi pwede kasi ako lang po ngayon ‘yung inaasahan ng pamilya namin.
———————-
Courtesy: Youtube/ ABS-CBN Entertainment