Jil Aberte yutiga

Jil Aberte yutiga 📔“Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27).

18/02/2026

Good morning po ang mga salita ni Almighty God at napaka sakit talaga kaya subrang sakit kapag wala tayong patotoo sa harap ng Diyos alam na natin ang katotohanan piro ayaw natin nagpatotoo sa harap ng Diyos bumabalik parin sa ating mga sarili ang ating mga dating gawi napakalungkot isipin na isa tayo sa mawawasak kapag hindi natin sisikapin mag patotoo sa harapan ng makapangyarihang Diyos 🥺

𝐆𝐨𝐝 𝐒𝐚𝐲'𝐬,
📖 "Hindi kita pipilitin kung hindi ka nagpapatotoo para sa Akin—ngunit dapat mong malaman na magiging puntirya ka ng pagkawasak sa huli. Kung wala Akong matatamong patotoo sa iyo, matatamo Ko iyon sa ibang mga tao.

📖 Kung ayaw mong magpatotoo para sa Akin,umalis ka! Hindi Kita pipilitin! Huwag ninyong isipin na hindi ako makakakilos nang wala kayo."

Hindi na pinipilit ng Dios ang ayaw makinig sa kanya dahil kung sino lang yung may gusto na pakinggan siya yun lang ang maililigtas🥺🥺😭

Juan 12:48
Ang nagtatakwil sa akin,at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita ay mayroong isang hahatol sa kanya;ang Salitang aking sinalita,ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw.

🍀Isang Espirituwal na Labanan🍀💙📕📖"Sabi ng Makapangyarihang Diyos,📖“Magmula nang maniwala ang mga tao sa Diyos, nagkimkim...
15/02/2026

🍀Isang Espirituwal na Labanan🍀

💙📕📖"Sabi ng Makapangyarihang Diyos,

📖“Magmula nang maniwala ang mga tao sa Diyos, nagkimkim na sila ng maraming maling intensyon. Kapag hindi mo isinasagawa ang katotohanan, nararamdaman mong lahat ng iyong layunin ay tama, ngunit kapag may nangyari sa iyo, makikita mong maraming maling intensyon sa kalooban mo. Kaya, kapag ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao, sinasanhi Niya na matanto nila na maraming kuru-kuro sa kanilang kalooban na humahadlang sa kanilang pagkakilala sa Diyos. Kapag natatanto mong mali ang iyong mga intensyon, kung nagagawa mong itigil ang pagsasagawa ayon sa iyong mga kuru-kuro at intensyon, at nagagawa mong magpatotoo sa Diyos at panindigan ang iyong posisyon sa lahat ng nangyayari sa iyo, nagpapatunay ito na nalabanan mo na ang laman. Kapag nilalabanan mo ang laman, tiyak na magkakaroon ng isang labanan sa iyong kalooban. Susubukang himukin ni Satanas ang mga tao na sundin ito, susubukan sila nitong utusan na sundin ang mga kuru-kuro ng laman at panindigan ang mga interes ng laman—ngunit liliwanagan at paliliwanagin ng mga salita ng Diyos ang kalooban ng mga tao, at sa oras na ito ay nasa iyo na kung susundin mo ang Diyos o susundin si Satanas. Pangunahing hinihingi ng Diyos sa mga tao na isagawa ang katotohanan upang pakitunguhan ang mga bagay na nasa kalooban nila, upang pakitunguhan ang kanilang mga kaisipan at mga kuru-kuro na hindi kaayon ng puso ng Diyos. Pinupukaw ng Banal na Espiritu ang mga tao sa kanilang puso, at nililiwanagan at pinaliliwanag sila. Kaya sa likod ng lahat ng bagay na nangyayari ay isang labanan: Tuwing isinasagawa ng mga tao ang katotohanan, o isinasagawa ang pag-ibig sa Diyos, mayroong isang malaking labanan, at bagama’t maaaring mukhang maayos ang lahat sa kanilang laman, sa kaibuturan ng kanilang mga puso, sa katunayan ay nagpapatuloy ang isang labanan sa pagitan ng buhay at kamatayan—at matapos lamang ng matinding labanang ito, matapos ang napakaraming pagmumuni-muni, saka mapagpapasyahan ang tagumpay o pagkatalo. Hindi alam ng isang tao kung tatawa o hihikbi. Dahil marami sa mga intensyon na nasa kalooban ng mga tao ang mali, o kaya’y dahil marami sa gawain ng Diyos ang taliwas sa kanilang mga kuru-kuro, kapag isinagawa ng mga tao ang katotohanan, isang malaking labanan ang nagaganap sa likod ng mga eksena. Matapos maisagawa ang katotohanang ito, sa likod ng mga eksena, hindi na mabilang ang mga patak ng luhang ibinuhos ng mga tao dahil sa kalungkutan bago nila tuluyang napagpasyahan na bigyang-kasiyahan ang Diyos. Dahil sa labanang ito kung kaya’t dumaranas ang mga tao ng paghihirap at pagdadalisay; ito ay totoong pagdurusa. Kapag nangyari sa iyo ang labanan, kung magagawa mong tunay na pumanig sa Diyos, magagawa mong bigyan ng kasiyahan ang Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos

mula sa Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I)



13/02/2026

📖 Mateo 19:24
“Muli kong sinasabi sa inyo: mas madaling makadaan sa butas ng karayom ang isang kamelyo kaysa makapasok sa kaharian ng Diyos ang isang mayaman.”

💸💸Hindi tinutuligsa ni Jesus ang pagkakaroon ng yaman, kundi ang pagiging alipin nito. Ang kayamanan ay may kapangyarihang dahan-dahang umupo sa trono ng puso—kung saan ang Diyos lamang ang nararapat. Kapag ang tiwala ng tao ay nasa pera, ari-arian, o seguridad ng mundong ito, nagiging mabigat ang kaniyang kaluluwa. At ang pusong mabigat sa yaman ay hindi makalulusot sa makitid na daan ng kaharian ng Diyos.

🐪🐪Ang kamelyo ay hindi makapapasok sa butas ng karayom—hindi dahil masama ito, kundi dahil masyado itong malaki. Ganiyan din ang pusong punô ng sariling kaya, kontrol, at pag-asa sa materyal na bagay. Ang kaharian ng Diyos ay para sa mga pusong hubad, mapagpakumbaba, at ganap na umaasa sa Kanya.😇😇

⚠️ Paalala
Mag-ingat tayo na ang hinahabol natin ay hindi maging hadlang sa ating kaligtasan. Ang kayamanan ay kasangkapan lamang, hindi sandigan. Ang tunay na kayamanan ay hindi nasusukat sa laman ng bulsa kundi sa kalagayan ng puso. Kung may anumang bagay na pumapalit sa Diyos sa ating buhay—pera, trabaho, negosyo, o sariling kakayahan—ito ay dapat isuko.😇😇

👉 Mas mahalaga ang kaharian ng Diyos kaysa sa lahat ng kayamanan ng mundo.
👉 Ang pagpapakumbaba ang susi sa makitid na pintuan ng kaligtasan.🙌

📕Sabi ng Diyos,

🌿📖" Ang lahat ng namumuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman ay yaong mga namumuhay sa gitna ng kamatayan, yaong mga pag-aari ni Satanas. Kung hindi sila inililigtas ng Diyos at hinahatulan, at kinakastigo ng Diyos, hindi makakatakas ang mga tao sa impluwensiya ng kamatayan; hindi sila maaaring maging mga buhay na tao. Hindi makakapagpatotoo sa Diyos ang mga ganitong taong patay, ni hindi rin sila maaaring gamitin ng Diyos, lalo nang hindi makakapasok sa kaharian.

mula sa Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos

Sabi ng Makapangyarihang Diyos 🙏😇Ang pagkilala sa Diyos ay kailangang maisagawa sa pamamagitan ng pagbasa at pag-unawa s...
13/02/2026

Sabi ng Makapangyarihang Diyos 🙏😇
Ang pagkilala sa Diyos ay kailangang maisagawa sa pamamagitan ng pagbasa at pag-unawa sa mga salita ng Diyos. Sinasabi ng ilan: “Hindi ko pa nakikita ang Diyos na nagkatawang-tao, kaya paano ko makikilala ang Diyos?” Sa katunayan, ang mga salita ng Diyos ay isang pagpapahayag ng Kanyang disposisyon. Mula sa mga salita ng Diyos, makikita mo ang Kanyang pagmamahal at pagliligtas para sa mga tao, gayundin ang Kanyang pamamaraan ng pagliligtas sa kanila…. Ito ay dahil ang Kanyang mga salita ay ipinahayag ng Diyos Mismo, hindi isinulat ng mga tao. Personal na ipinahayag ng Diyos ang mga ito; ipinapahayag ng Diyos Mismo ang sarili Niyang mga salita at tinig na nasa Kanyang kalooban. Bakit tinatawag ang mga ito na mga salitang nagmumula sa puso? Dahil ang mga ito ay nagmumula sa kaibuturan, at nagpapahayag ng Kanyang disposisyon, Kanyang kalooban, Kanyang mga iniisip, Kanyang pagmamahal sa sangkatauhan, Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, at Kanyang mga inaasahan sa sangkatauhan…. Kasama sa mga pahayag ng Diyos ang masasakit na salita, at banayad at may konsiderasyong mga salita, gayundin ang ilang salitang nagbubunyag na hindi naaayon sa mga naisin ng tao. Kung titingnan mo lamang ang mga salitang nagbubunyag, maaari mong madama na medyo mabagsik ang Diyos. Kung titingnan mo lamang ang mga banayad na salita, maaari mong madama na hindi gaanong makapangyarihan ang Diyos. Samakatuwid ay hindi mo dapat unawain ang mga ito nang wala sa konteksto; sa halip, tingnan mo ang mga ito mula sa bawat anggulo. Kung minsan ay nagsasalita ang Diyos mula sa isang banayad at mahabaging pananaw, at pagkatapos ay nakikita ng mga tao ang Kanyang pagmamahal para sa sangkatauhan; kung minsan ay nagsasalita Siya mula sa napaka-istriktong pananaw, at pagkatapos ay nakikita ng mga tao ang Kanyang disposisyon na hindi magkukunsinti sa kasalanan. Ang tao ay nakalulungkot ang karumihan, at hindi siya karapat-dapat na tumingin sa mukha ng Diyos o humarap sa Kanya. Tinutulutan na ngayon ang mga tao na humarap sa Kanya dahil lamang sa Kanyang biyaya. Makikita ang karunungan ng Diyos sa paraan ng Kanyang paggawa at sa kabuluhan ng Kanyang gawain. Nakikita pa rin ng mga tao ang mga bagay na ito sa mga salita ng Diyos, kahit walang anumang tuwirang pakikipag-ugnayan mula sa Kanya. Kapag nakaugnayan ng isang taong tunay na nakakakilala sa Diyos si Cristo, ang pagtatagpo nila ni Cristo ay maaaring tumugma sa kanyang kasalukuyang kaalaman tungkol sa Diyos; gayunman, kapag ang Diyos ay nakatagpo ng sinumang mayroon lamang teoretikal na pagkaunawa, hindi niya nakikita ang koneksyon. Ang aspetong ito ng katotohanan ang pinakamalalim sa lahat ng hiwaga; mahirap itong arukin. Ibuod ang mga salita ng Diyos tungkol sa hiwaga ng pagkakatawang-tao, tingnan ang mga ito mula sa lahat ng anggulo, pagkatapos ay sama-samang manalangin, magnilay-nilay, at higit pang magbahagi tungkol sa aspetong ito ng katotohanan. Sa paggawa nito, magtatamo ka ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu at makakaunawa ka. Dahil walang pagkakataon ang mga tao na tuwirang makaugnayan ang Diyos, kailangan nilang umasa sa ganitong uri ng karanasan para maingat silang makapagpatuloy at unti-unting makapasok upang magtamo ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos.

Hinango mula sa “Paano Kikilalanin ang Diyos na Nagkatawang-tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

📖"Ang mga sakuna sa mundo ay tumitindi sa bawat araw, at sa Aking tahanan, ang mga malalang sakuna ay patindi nang patin...
13/02/2026

📖"Ang mga sakuna sa mundo ay tumitindi sa bawat araw, at sa Aking tahanan, ang mga malalang sakuna ay patindi nang patindi. Ang mga tao ay tunay na walang mapagtataguan, wala nang lugar na maikukubli nila ang kanilang mga sarili. Dahil ang pagpapalit ay nagaganap na ngayon, hindi alam ng mga tao kung saan sila susunod na hahakbang. Magiging hayag lamang ito pagkatapos ng Aking paghatol.

mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw

📕📖"Sabi ng Makapangyarihang Diyos🔥

📖"Ipaalam sa lahat ng tao, ipaalam ito sa buong sansinukob at sa mga dulo ng lupa, sa bawat sambahayan at lahat ng tao: Ang Makapangyarihang Diyos ang nag-iisang tunay na Diyos. Lahat ay isa-isang luluhod para sumamba sa Akin, at kahit ang mga batang katututo pa lamang magsalita ay sisigaw ng “Makapangyarihang Diyos”! Makikita ng mga nanunungkulang nagtataglay ng kapangyarihan gamit ang kanilang sariling mga mata ang tunay na Diyos na nagpapakita sa harapan nila, at sila rin ay magpapatirapa sa pagsamba, na nagsusumamo para sa habag at kapatawaran, ngunit ito ay totoong huli na, dahil ang sandali ng kanilang pagpanaw ay nakarating na. Dapat na lamang silang tapusin at hatulan na mapunta sa walang-hanggang hukay. Dadalhin Ko ang buong kapanahunan sa katapusan, at lalo pang palalakasin ang Aking kaharian. Lahat ng bansa at mga bayan ay magpapasakop sa Aking harapan magpasawalang-hanggan!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 35

mula sa Araw-araw na mga Salita ng Diyos

Address

Cunanan Street Purok 1 Hugo Perez Trece Martires Cavite
Trece Martires

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jil Aberte yutiga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share