21/06/2025
Mga PAALALA at Mensahe Sa mga PASTOR. 1Peter 5:2-3 Kaya nga, hinihikayat ko kayo, mga nakatatanda, pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na nasa inyo. Pangalagaan niyo sila, hindi dahil kailangan ninyo, pero dahil nais ninyo ito, ayon sa Diyos. Pangalagaan niyo sila nang maluwag sa inyong kalooban, hindi para sa pera. 3. Huwag kayong umasta na tila mga amo sa mga taong nasa inyong pangangalaga, sa halip maging halimbawa kayo sa kawan.
10 REMINDERS FOR YOU AS A PASTOR.
1. Huwag puro ikaw ang masusunod, kundi dinggin mo din ang mga boses ng iyong meyembro.
2. Huwag kayong mangialam sa mga offerings or usaping Pera o contribution sa inyong simbahan. Hayaan mo ang officials at ang church president ang manguna nito.
3. Kung mayroong problema ang iyong meyembro personally, dalasan mo ang pagdalaw upang I comfort.
4. Kung may nagkakaalitan sa mga meyembro mo, ikaw Pastor at iyong asawa ay dapat pumagitna sa pagitan nila iwasan mong maging BIAS sa Isa. Gaya ng Diyos sa atin, pumarito siya sa mundo ng pantay ang tingin sa ating lahat.
5. Iwasan mong ipaabot sa meyembro mong may mga nigatibong usapin na hinanakit ng kabila mong meyembro na ipinagkakatiwala sa'yo, laban sa kanila. Ikaw at ang asawa mo ay dapat pumagitna sa dalawang panig, at huwag maging BIAS.
6. Huwag ng iparating ang usapin na sensitibo at private na hindi nakakataba sa puso na ipinag katiwala sa'yo sa kabilang meyembro, dahil makakasira lamang ito ng inyong relasyon bilang magkapatid sa Panginoon.
7. Kapag may kapatiran kayong umalis sa simbahan at di na nagpaalam, huwag niyong haayan na Tila akala mo babalik din yan. I'm telling you, hindi sa lahat ng sitwasyon ay Tama ang NASA isip mo. Bilang Isang Pastol, ang kanyang tupa sa Pag sapit ng Gabi, binibilang mo dapat yan, habang papasok sa bahay pahingahan, at kung may kulang man di ka matutulog sa Gabi kung di mo mahahanap at mailagay sa kanyang luklukan. Lalo na kung sugatan, at pilay di makalakad at nahulog na sa bangin ang kadahilanan.
8. Ikaw, bilang Pastor mahalin mo ang iyong asawa, huwag kang pasasakop sa decision ng iyong asawa, sa halip siya ang pasasakop sa'yo at ikaw ang mangunguna sa kanya.
9. Ituro mo ang pamumuhay bilang Isang tagasunod ni Jesus, kung paano mamuhay bilang anak ng Diyos, at spiritual na pagkain mula sa Diyos na nagpapatibay ng PANANAMPALATAYA mula Kay Kristo Jesus.
10. Maging halimbawa ka sa ibang Pastor, hindi mo dapat ipagmamayabang ang kung ano yung iyong narating, REVERENT man yan or kung ano ano yung iyong katungkolan. Mas piliin mong magpapakumbaba, at wala ng iba pang isipin kundi ang kaayusan at peaceful na pamumuhay ng iyong kapatiran sa Simbahan.