30/07/2025
𝐆𝐀𝐃𝐎𝐍 𝐕𝐒 𝐓𝐎𝐏𝐀𝐂𝐈𝐎 𝐒𝐈𝐍𝐆-𝐎𝐅𝐅? 🧑🏽🎤🎶
Hinamon ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon si Atty. Ferdinand Topacio sa isang one-on-one voice and singing competition.
Kasunod ito ng inihaing indirect contempt laban kay Gadon sa Korte Suprema.
Ayon kay Gadon, maaari silang mag-'singing competition for a cause' ni Topacio, kagaya na lamang ng boxing match nina PNP Chief Gen. Nicolas Torre III at Mayor Baste Duterte.
Aniya, magaling daw na jazz singer si Topacio at nagpe-perform sila back-to-back noon.
Sa ngayon, naiintindihan daw niya kung bakit ito ginawa ni Topacio.
Aniya, istilo na raw ni Topacio na mag-ingay at makalikom ng atensyon.
Ito raw ang dahilan kung bakit ang ilang mga kliyente niya ay napapaniwalang magaling siyang abugado at kinukuha siya sa kabila ng kaniyang mahal na singil — pero ang mga ito, lahat daw nakakulong.
Kung maaalala, si Topacio ang may hawak sa ilang mga high-profile na kaso.
Kabilang na rito sina Arnie Teves at Cassy Ong.
#