28/05/2025
AWARENESS POST:
Ano ang Mpox?
Ang Mpox (dating tinawag na monkeypox) ay isang viral infection na dulot ng mpox virus. Kabilang ito sa parehong pamilya ng smallpox virus, pero mas banayad ang sintomas at mas kaunti ang panganib.
Sintomas ng Mpox:
❗Lagnat
❗Pananakit ng ulo
❗Pananakit ng kalamnan
❗Pagkapagod
❗Namamagang kulani (lymph nodes)
❗Pantal o butlig na nagiging paltos at nagbubuo ng langib
Ang pantal ay karaniwang lumalabas sa mukha, kamay, paa, o maseselang bahagi ng katawan. Nagtatagal ito ng 2 hanggang 4 na linggo bago gumaling.
PAANO KUMALAT ANG Mpox:
Malapitang skin-to-skin contact (kasama na ang sexual contact)
Pagkahawa sa likido ng katawan, sugat, paltos, o gamit ng may impeksyon (tulad ng tuwalya o kumot)
Droplets mula sa ubo o paghinga (kung matagal na magkaharap)
Pagkakadikit sa hayop na may impeksyon
Delikado ba ito?
Karamihan sa ka*o ay banayad at kusang gumagaling.
Posibleng maging malala sa mga bata, buntis, o may mahinang immune system, pero bihira ang kamatayan.
❗Paano MAIWASAN ang Mpox❗
Iwasan ang malapitang contact sa taong may sintomas.
Gumamit ng mask, gloves, at tamang proteksyon kung kailangan mag-alaga ng may mpox.
Panatilihing malinis ang kamay at paligid.
May mga bakunang maaaring gamitin para sa mga nasa high-risk (hal. JYNNEOS na dating gamit sa smallpox).
MAY GAMOT BA?
Walang partikular na gamot para sa mpox, pero karaniwang gumagaling ito nang kusa.
Sa mga malalang ka*o, maaaring gamitin ang antiviral na Tecovirimat (TPOXX).
Pwedeng uminom ng gamot sa lagnat at uminom ng maraming tubig para maibsan ang sintomas.
❗CASES IN PHILIPPINES❗
As of May 26, 2025, the Philippines has reported a total of 52 confirmed mpox (monkeypox) cases since the first detection in July 2022.
Breakdown of Confirmed Cases by Region:
National Capital Region (NCR): 33 cases
Calabarzon: 13 cases
Central Luzon: 3 cases
Cagayan Valley: 2 cases
Central Visayas: 1 case
Baguio City: 4 cases
South Cotabato: 10 confirmed cases
Sultan Kudarat: 3 cases
Davao City: 2 cases
Ctto.