
09/07/2025
Minsan, hindi mo nakikita, pero may mga mag-asawang silently nagkakaroon ng utang, hindi dahil careless sila…
Kundi dahil sila yung tahimik na nagdadala ng bigat ng isa’t isa.
Hindi lahat ng utang galing sa mga luho.
Minsan, galing ito sa sakripisyo — para sa mga gastusin sa bahay, gamot, at mga pangangailangan,
… habang pareho silang nahihirapan na mag-survive.
“Mag-ipon kayo!” Madali lang sabihin, pero mas mahirap ‘pag yung sahod nila, hindi lang para sa sarili nila, kundi para sa lahat ng pangangailangan ng pamilya.
At hindi ‘yan madalas napag-uusapan.
Puro mga nagbigay ang pinupuri, pero sino ang nagtatanong kung kumusta na sila?
Pero yan ang nakakabilib sa kanila, kahit nahihirapan, nairaraos nila. Kaya nila at kinaya nila lahat para sa pamilya.
Kaya para sa mga mag-asawang ginagawa ang lahat para sa pamilya — be proud of yourself. Kasi hindi madaling magtaguyod ng pamilya, at ang bawat sakripisyo mo ay may halaga. You’re doing great, kahit walang nakakaalam ng hirap na dinadanas mo. ❤️