04/07/2025
LPA SA LOOB NG PAR, ISA NANG GANAP NA BAGYO; SIGNAL NO. 1, NAKATAAS SA KANLURANG BAHAGI NG BABUYAN ISLANDS- PAGASA
Isa nang ganap na bagyo ang minomonitor na Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility na may lokal name na "Bising", kaninang alas dos ng madaling araw, Hulyo 04, 2025.
Sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo ay kasalukuyang nasa layong 200km kanlurang hilagang kanluran ng Calayan, Cagayan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin 45km/h malapit sa gitna nanmay pagbugso na 55km/h habang patuloy na kumikilos pa-timog kanluran sa bilis na 20km/h.
Kaugnay rito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa kanlurang bahagi ng babuyan Islands partikular ang isla ng Calayan at Dalupiri at Pagudpud, Bangui, Burgos, Pasuquin, Dumalneg sa Ilocos Norte.
Ayon sa PAGASA, magdadala ng pag-uulan ang naturang bagyo lalo na sa mga lugar na may nakataas na wind signal, kaya pinag-iingat ang publiko sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Posible rin umanong ngayong araw ay lalabas na ng PAR ang bagyo pero maaaring magkaroon ng "re-entry" ang bagyo dahil magre-recurved ito sa kanlurang bahagi ng PAR.
Samantala, sa mainland Cagayan asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan dulot ng bagyo. (Digna Bingayen)