21/08/2025
๐๐ข๐๐จ๐ | ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ, ๐ง๐๐บ๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด ๐ง๐ฎ๐๐ผ!
โThe Filipino is worth dying for.โ
Minsan pangako ng pamahalaan.
Minsan pangarap at pananawagan ng bayan.
Ngunit kahit gaano ito subukang gawing pakitang tao o kasabihan lamang, isang katotohanan ang malinaw: paninindigan ang hinihingi ng kasabihang ito. At sa bawat pagpapahayag na walang kasamang gawa, sa bawat pag-alaala nang wala pa ring pagkilos, unti-unti nating binabawasan ang bigat ng pinapahayag nito.
Oo, mahirap manindigan.
Oo, mas madaling manahimik nalang.
Oo, nakakapagod sumubok ng paulit-ulit at wala pa ring pagbabago.
Pero kailan pa naging sapat na dahilan ang pagod at hirap para piliin ang katahimikan pagdating sa katotohanan?
Habang ang pulitiko ay salita lang ang dala, may mga mamamayang malinaw ang hiling, agarang aksyon at pananagutan.
Habang karamihan ay ginagawa itong kasabihan lamang, may iba pa ring araw-araw itong isinasabuhay at pinipili ang tama.
At habang mas pinipili ang katahimikan dahil sa mga dahilan na ito, mayroon pa ring tumitindig, nagsasabi ng totoo, at kumikilos para sa kabutihan ng bayan.
Hindi lahat ng pag-alaala ay may kasunod na pagkilos. At ang mahirap, kapag salita lang ang pinili, nagbigay daan na rin ito sa pang-aabuso.
Kahit ulit-ulitin mong banggitin ang kasabihan, kung hindi mo kayang tumindig para sa katotohanan at pananagutan, anong klaseng pagmamahal sa bayan โyan?
Hindi ito tungkol sa pagiging perpekto. Lahat tayo napapagod sa paulit-ulit na paglalahad ng panawagan at paninindigan sa katotohanan. Pero kung lagi mo nalang ginagawang takbuhan ang katahimikan, hindi mo ba napapansing sarili at bayan mo na rin ang hinahayaan mong masanay sa pang-aabuso at panlilinlang?
Walang patutunguhang pagbabago kung puro kasabihan lang ang bitbit at walang aksyong kasunod. Hindi uunlad at aangat ang ating bayan kung puro pag-iwas sa hirap ang pinipiling daanan. At walang respeto sa sariling bansa kung mas pinipili mong magpanggap na makabayan kaysa maglingkod, magbantay, at kumilos para sa ating bayan.
Hindi mo kailangang maging bayani. Pero kailangan mong maging makatotohanan. Dahil hindi sa dami ng pagpapahayag ang basehan ng pagmamahal sa bayan. At sa huli, hindi ingay ng sigaw ang sinusukat, kundi kung paano mo ito isinasabuhay.
Kung hindi mo alam kung saan magsisimula, tanungin mo ang sarili mo kung bakit. Dahil ba ito sa takot? Dahil ba ito sa kakulangan ng impormasyon, o wala lang oras?
Kung nahihirapan ka, humanap ka ng wastong paraan. Magpakatotoo sa mga gawain, tumanggi sa pandaraya, suportahan ang mga panawagan para sa agarang aksyon. Dahil ang bawat desisyong pinipili mo sa araw-araw ay dahan-dahang humuhubog sa kinabukasan ng ating komunidad at bansa na gusto nating makita, mamamayan na pumapanig sa katotohanan at pananagutan, hindi sa katahimikan.
Hindi lahat ng tahimik ay walang malasakit. Ngunit lahat ng pumipili ng kasinungalingan at hindi pagkakaroon ng pakialam ay nagkukulang ng respetoโhindi lamang sa sariliโkundi pati na rin sa kapwa, at mas lalo na sa ating bansa.
Sa buhay, hindi nasusukat sa kamatayan o pagdurusa ang katapangan. Pero mas mahalaga pa ring mabuhay nang may katotohanan at dangal para sa bayan, kaysa mamuhay sa kasinungalingan, kahit gaano kabigat ang mga dalang salita.
---
Kolum ni Xean Rabanal
Dinisenyo nina Khyna Gabrielle Tang at Kate Justine Bautista