11/08/2025
TIYAK MO NA BA ANG LANGIT KAIBIGAN?
Ang isang katotohanang at tiyak na mangyayari sa bawat isa sa atin ay ang araw ng ating kamatayan. Ngunit naitanong mo na ba sa iyong sarili na kung sakaling dumating ang kamatayan, "Nakakatiyak ka na ba na sa Langit patutungo ang iyong kaluluwa? Tiyak mo na ba na hindi ka patutungo sa lugar ng impiyerno?" Kung hindi pa, narito ang katotohanang kelangan mong malaman at tanggapin sa iyong sarili upang matiyak mo ng isang daang porsiyento na sa Langit ang iyong tungo at hindi ka mapapahamak sa lugar ng impiyerno!
Una, sabi ng Diyos sa Romans 3:23 "For all have sinned, and come short of the glory of God;" (Ang lahat ay nagkasala nga at hindi makakaabot sa kaluwalhatiin ng Diyos.)
At bilang makasalanan mayroong kabayaran ang iyong kasalanan sa Diyos. Sabi ng Diyos sa Roma 6:23 "For the wages of sin is death,..." (Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan)
At saang lugar mo pagbabayaran ang iyong kasalanan? ayon sa Revelation 21:8 "But the fearful, and unbelieving, and the abominable, and murderers, and whoremongers, and sorcerers, and idolaters, and all liars, shall have their part in the lake which burneth with fire and brimstone: which is the second death."
(...ang LAHAT ng SINUNGALING ay kapuwa ibubulid sa lawa ng nagniningas ng apoy at asupre na siyang ikalawang kamatayan.) Walang ibang lugar kung saan itinalaga ng Diyos na kung saan pagbabayaran mo ang iyong kasalanan sa Diyos ng walang hanggan kundi sa lugar ng APOY NG IMPIYERNO. At yan ang masamang balita para sa iyo, malaman mo man o hindi, maniwala ka man o hindi "MANANATILING TOTOO PA RIN ANG SALITA NG DIYOS." Ngunit salamat sa habag at biyaya ng Diyos, sapagkat ang mabuting balita para sa iyo, may nagbayad na ng lahat na iyong mga kasalanan, at Siya ay ang Bugtong na Anak ng Diyos si Hesu Kristo. Sabi ng Bibliya sa Romans 5:8 "But God commendeth his love toward us, in that, while we were yet sinners, Christ died for us." (...ipinagtagubilin ng Diyos ang Kaniyang pag-ibig sa atin na nang tayo'y makasalanan pa , si Kristo ay namatay para sa atin.)
Iyan ang mabuting balita, si Kristo na ang nagbayad ng lahat ng iyong mga kasalanan imbes na ikaw ang magbayad sa walang hanggang apoy ng Impiyerno. Sa pamamagitan ng Kaniyang Banal na Dugo na nadanak sa Krus ng Kalbaryo. Si Kristo ay namatay, inilibing at sa ikatlong araw binuhay namagmuli ng Diyos para sa iyong kaligtasan. Sa sandaling ito, maaari mong matanggap ang regalo ng Diyos na kapatawaran, katiyakan ng Langit at buhay na walang hanggan kung tatanggapin mo si Kristo bilang sarili mong tagapagligtas ng buong pananampalataya at buong puso.
Paano mo tatanggapin si Kristo? Sabi ng Bibliya, Romans 10:13 "For whosoever shall call upon the name of the Lord shall be saved." (Kaya't ang sinumang tumawag sa Pangalan ng Panginoon ay maliligtas.)
Saang lugar maililigtas? Sa lugar ng kapahamakan sa daga't dagatang "APOY NG IMPIYERNO".
Paano mo tatanggapin si Kristo? Sa pamamagitan ng panalanging may pagsisisi sa iyong mga kasalanan at pagtanggap kay Kristo bilang sarili mong tagapagligtas ng buong pananampalataya.
Ako'y naniniwala gusto mong tanggapin si Kristo sa iyong puso bilang sarili mong tagapagligtas. Sambitin mo sa Diyos ang panalanging ito ng buong puso.
"DAKILANG DIYOS, INAAMIN KO PO NA AKOY MAKASALANAN NAPAPAHAMAK SA APOY NG IMPIYERNO NGUNIT SALAMAT PO SA GINAWA NI HESU KRISTO SA KRUS NG KALBARYO UPANG PAGBAYARAN ANG LAHAT NG AKING MGA KASALANAN, NAGDANAK NG KANIYANG DUGO, SIYA'Y NAMATAY, INILIBING AT SA IKATLONG ARAW NABUHAY NAMAGMULI PARA SA AKING KALIGTASAN. PANGINOONG HESU KRISTO TINATANGGAP KITA NGAYON SA AKING PUSO BILANG SARILI KONG TAGAPAGLIGTAS UPANG HINDI NA AKO KAILANGAN PANG MAGBABAYAD NG AKING KASALANAN SA APOY NG IMPIYERNO KUNDI MAYROONG BUHAY NA WALANG HANGGAN SA LAHAT. ITO ANG AKING DALANGIN SA PANGALAN NG PANGINOONG HESUS, AMEN."
Sa panalangin ito, sino ang tinaggap mo? "Si HESUS"
Tinanggap mo siya bilang ano mo? "Sariling Tagapagligtas"
Saan ka iniligtas ni Kristo? "Sa kapahamakan sa apoy ng impiyerno"
Ngayon kung ikaw ay ligtas na mula sa kapahamakan sa Impiyerno, saan ka na patutungo pag dumating ang kamatayan? 'SA LANGIT NA!"
Sapagkat ayon sa Romans 8:1 "There is therefore now no condemnation to them which are in Christ Jesus, who walk not after the flesh, but after the Spirit." Wala ng hatol sa mga na kay Kristo Hesus. At sa John 1:12 :But as many as received him, to them gave he power to become the sons of God, even to them that believe on his name:" (Datapuwat ang lahat ng sa Kaniya (kay Hesus) nagsitanggap ay pingkalooban nga sila ng karapatang maging mga anak ng Diyos...) Ngayong tumanggap ka ano ka na ng Diyos? Anak ng Diyos.
Pag ang anak ng Diyos namatay saan pupunta? SA LANGIT! sapagkat walang anak ng Diyos na pupunta ng Impiyerno.
YAN ANG PINAKAMABUTING BALITA NA IYONG NALAMAN at TINANGGAP. Ngayong anak ka na ng Diyos, mamuhay ka ng may kabanalan sa harapan ng Diyos. Magbasa at mag-aral ka ng Bibliya at sumimba sa isang simbahang nagtuturo ng Salita ng Diyos na si Hesu Kristo lamang ang nagliligtas, Siya ang tanging Daan patungo sa Langit...
Pagpalain ka ng Panginoong Diyos...ngayon kung LIGTAS ka na sa Langit ka na patutungo, ikalat mo itong mabuting balita sa abot din ng iyong makakaya
Maraming Salamat po...please forward if you already received the gift of eternal life through Jesus Christ our Lord.