The CSU Communicator

The CSU Communicator The CSU Communicator is the official student publication of Cagayan State University Andrews.

LOOK | Our final booth day is here! Drop by our booth in the Andrews Parking Lot with the Athena Debate Society to grab ...
09/07/2025

LOOK | Our final booth day is here! Drop by our booth in the Andrews Parking Lot with the Athena Debate Society to grab these copies of Komyu’s tabloid and newsletter issues.

Got thoughts? Share them on the KomyuAsks board.
Interested in campus journalism? Pre-reg for this AY’s Editorial Staff. See you, ka-Komyu!

-
Photos by June Reynon

LOOK | Ka-Komyu, here is a list of reminders for  , The Grand Athena Walk tomorrow, July 7.The assembly time will be at ...
06/07/2025

LOOK | Ka-Komyu, here is a list of reminders for , The Grand Athena Walk tomorrow, July 7.

The assembly time will be at 6:00 AM as the parade will start at exactly 7:00 AM. So make sure you don't miss it out!

-
Graphics by Dale Joshua De Castillo

LOOK | Here is the schedule for the start of wearing the prescribed uniform for both new and returning students in Andre...
04/07/2025

LOOK | Here is the schedule for the start of wearing the prescribed uniform for both new and returning students in Andrews Campus.

July 28, 2025 - New Students (First-year students and Transferees)
July 21, 2025 - Returning Students (Second-year students and up)

-

  | Iisang Biyahe, Magkakaibang BiyaheUmaga pa lang ay danas ko na ang init na humahaplos sa aking buong katawan, nagtit...
13/06/2025

| Iisang Biyahe, Magkakaibang Biyahe

Umaga pa lang ay danas ko na ang init na humahaplos sa aking buong katawan, nagtitilamsikan na ang pawis ko sa kahihintay ng masasakyang tricy papuntang terminal. Bitbit ko ang isang maletang puno ng mga labahin, ang isang karton ng pizza na binili ko pa sa plaza para lang may maiabot sa bahay.

Nakarating na ako sa terminal. Kalahating puno na ang van noong ako’y pumasok at mainit ang alingasaw sa loob. Langhap ang iba’t-ibang hininga, ang mga amoy nila, ang pabango nila, mga itsura nila, mga halakhak ng mga estudyanteng nasa tabi ko.

Para bang pelikula kung sila’y pagmasdan habang nasa window seat ako.

Habang ang lahat ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan, isang nanay ang umupo sa harapan ko kasama ang kaniyang anak na babae. Pansin kong mahiluhin ang bata. Kandong kandong ng ina ang kaniyang anak habang binubuksan ang isang menthol oil na ipapahid sa noo nito.

Sa aking tabi naman, ay ang dalawang estudyanteng dada nang dada tungkol sa kanilang interview. Nag-usap lang sila, para bang nag podcast. Ramdam ko ang kanilang kasabikan at kaba. Naalala ko noong sumalang din ako sa interview para sa admission sa unibersidad. At magkaibang magkaiba ang aming kuwento mula sa aking mga narinig sa dalawa.

Sa likuran ko naman ay ang isang lalaki na nakatutok lang sa kaniyang laptop. Kita mula sa front mirror ng sasakyan ang kaniyang mga matang parang pabasag na. Ang mga pamilya naman sa likod ng driver’s seat ay masayang nag-uusap tungkol sa pupuntahan nilang binyag.

Ang mga kamay ng drayber ay nagsimula nang magkumpas sa manibela, ito’y banayad lang na parang tibok ng puso. Para bang kabisado na niya ang daan kung saan ito lumiliko, kung saan ito bumabagsak, at kung saan ka mapapahinto sa paghinga.

Umandar na kami mula sa terminal. Mahina ang tugtog sa radyo. Wala nang halos nagsasalita.

Tiningnan kong muli ang mga sakay ng van.

May kanya-kanyang pupuntahan ang bawat isa. May mga naghihintay. May dalang mga bagay—nakikita man o hindi. Kami ay mga estrangherong magkasama sa iisang van, sa iisang biyaheng magkakaiba ang patutunguhan.

At kahit nakarating na ako sa bahay, naiabot ko na ang pizza, napaikot na ang mga labahin sa washing machine, alam kong masayang nagkuwento ang dalawang incoming freshman sa kanilang mga magulang, alam kong masaya rin ang nanay dahil nakauwi silang walang laman ang plastic labo na inihahanda kapag medyo nasusuka ang bata, alam kong magiging maamo rin ang mata ng lalaki na nakaupo sa likuran ng van, at alam kong makakadalo ang pamilyang nasa likod ng drayber sa binyag.

Mainit pa rin naman dito sa bahay, pero kahit papaano ay naging magaan na ang maletang bitbit ko. Nawa’y sa kanila rin.

-
Words & photo | Clarry Rabaja

  | It Just Ends on a Random AfternoonNo one really tells you when the end comes. You spend months and months counting d...
06/06/2025

| It Just Ends on a Random Afternoon

No one really tells you when the end comes. You spend months and months counting down to it, thinking that maybe it’ll feel grand or life-changing or dramatic or maybe even cinematic. But the truth is, it just ends on a random afternoon.

No announcements. No melodramatic soundtrack. Just a quiet moment when you realize that you've done it. That's it. That burning your midnight oil has finally come to an end, at least for now.

"Was that really the last class? The last time I sat in that armchair, half-listening, half-dreaming? The last time I passed by this wall?”

There was no fanfare. No final bell that marked the end. Just this strange silence and an unfamiliar weight in my chest. I think that’s the part no one prepares you for—how normal it feels when something so big quietly leaves your life.

I expected to feel free. I expected to feel excited. And I did, in some ways. But mostly, I felt like I was leaving behind a version of myself I hadn't fully appreciated. The version who got up early, rushed assignments, laughed in the back row, and learned not just subjects, but how to survive, how to stay soft and tough at the same time, how to dream anyway.

In the end, school doesn’t really say goodbye. It just becomes a memory—one you didn’t realize was happening while you were in it.

I didn’t take a photo that day. I didn’t post anything. I just walked out, feeling both too full and too empty.

I'll be back soon. Don't worry, we'll be sharing some good laughters again, worrying about some tight deadlines again. We're going to burn our midnight oil again. But don't worry too much about it for now.

It’s funny how things ended so quickly yet so slowly. It was such a rollercoaster ride. It's like a door closing behind you while you're already halfway down the hall.

But one thing's for sure: as quiet as this ending feels, life won't simply end on a random afternoon.

Because, I'm afraid, there will be too many books to read once I'm back.
-

Words | Clarry Rabaja
Photo | Augille Pascua

  | One day, I am gonna grow wings.At the edge of an old playground stood a rusted swing set, the metal creaking with ev...
30/05/2025

| One day, I am gonna grow wings.

At the edge of an old playground stood a rusted swing set, the metal creaking with every soft push of the wind. A young man in a wrinkled uniform sat on the swing, barely fitting in. His polished shoes caked with dry earth, from walking nonstop on a muddy ground. His books crumpled like a candy wrapper too messy for hope. He watched the clouds shift slowly, like tired thoughts drifting through his head.

“Why do you look so tired?” a voice asked.

He turned. A boy stood a few feet away, he has a polished black shoes, wearing a white shirt, just plain and innocent. He's holding a paper airplane in his hand. His hair was kempt, his eyes bright and familiar.

“I’m just... waiting, I think,” the young man replied.

“For what?”

The young man hesitated. “I don’t know. Something to change. Something to lift me up. I hope I passed all my exams.”

The boy frowned. “You used to believe you’d grow wings.”

A soft laugh escaped the man. “I remember that.”

“You said someday, you'd fly away from here. From all this.” The boy gestured to the buildings beyond the park. “Did you forget?”

“I guess life got heavier. School, deadlines, disappointments. People expecting you to be someone else you're not.”

The boy folded another airplane and threw it; it sailed crookedly before tumbling to the muddy ground.

“You know,” he said, picking it up, “I think you did grow wings. You just forgot how to use them.”

The young man studied the boy, a growing awareness creeping into his chest. The eyes. The lopsided grin. The voice that used to fill his head before it got too loud in the world. He still has the same shirt; it's now brown, it’s old. It shrank in size. It smells like camphor now.

The boy just smiled. “I'm glad that part of you still remembers. You still believe, do you?”

The young man stood, suddenly lighter. He looked at his hands, calloused from years of writing and studying and reaching and letting go. He looked at the boy again and saw not just a child, but a promise.

“I did grow wings,” he whispered. “Didn’t I?”

“Yeah,” the boy nodded. “You made it out. Keep surviving. You’re now far ahead of me. Continue what we started. You keep going. That’s flight, even if it doesn’t feel like flying. I'm sure you passed all your exams.”

The man looked up. The clouds had broken open, sunlight spilling through in golden streaks.

He picked up the paper airplane and launched it into the wind. It soared, like wings.

He felt it—that weightless, fragile hope.

Not all wings are feathers. Some are made of patience and perseverance.

And some, of the memory of a child who never stopped waiting to fly.

Just a young man, alone, sitting on a rusty swing that doesn't even fit him.

-
Words & Photo | Clarry Rabaja

𝐍𝐀𝐅𝐀𝐅𝐀𝐓𝐔! 🔥The highest heat index in   today is expected to hit in ISU Echague, Isabela with 41°C under the “extreme cau...
26/03/2025

𝐍𝐀𝐅𝐀𝐅𝐀𝐓𝐔! 🔥

The highest heat index in today is expected to hit in ISU Echague, Isabela with 41°C under the “extreme caution” category, together with other five areas in the region.

In Tuguegarao City, Cagayan, the heat index could peak to 40°C today, according to PAGASA.

High heat index between 33-41°C falls under “extreme caution” category, posing health risks such as heat cramps and heat exhaustion that could lead to heat stroke.

Other areas in Region 2 under the “extreme caution” category include Aparri, Cagayan, Bayombong, Nueva Vizcaya, Calayan, Cagayan, and Itbayat, Batanes.

Meanwhile, 31°C is expected to hit Basco, Batanes. Heat index between 27-31°C falls under “caution” category. Fatigue and heat cramps are possible with prolonged exposure and activity.

PAGASA advises the public to take precautionary measures such as limiting the time spent outdoors and drinking plenty of fluids.

-

  | Waiting SeasonTo all single women, May you always remind yourselves that being single does not mean you are unloved ...
17/03/2025

| Waiting Season

To all single women,

May you always remind yourselves that being single does not mean you are unloved and unworthy to be pursued. Remember that you are more precious than the most expensive jewels—worthy to be cherished, respected, and loved for who you are. If you find yourselves worrying and in doubt, stay still and know that the best love story is not rushed nor forced. Let your waiting season be a preparation for you to seek the true meaning of love and begin loving yourself first.

And when the time is right, you don’t need to look for love, because love itself will find its way into your hearts.

-
Words by Majie Faye Sanchez
Art by Njay Corla

  | Puno ng Pag-asa"Sigurado ka bang kaya mo? Babae ka pa man din."Habang ika'y nakikipagbaka, hindi maiiwasang sundan k...
10/03/2025

| Puno ng Pag-asa

"Sigurado ka bang kaya mo? Babae ka pa man din."

Habang ika'y nakikipagbaka, hindi maiiwasang sundan ka ng mga matang nagdududa. Dumarating din ang pagkakataon na nabibingi ka sa bulong ng panghuhusgang tinapalan ng mabulaklak na mga salita. Sa tuwing susukatin mo ang timbangan ng lipunan, pilit na itinatago sa'yo ang pantay na pamantayan. Tandaan mong mas matalim pa ang mga salita kaysa sa balaraw, kaya pakiusap, gawin mong pamurol ang iyong repleksyon sa kanilang balintataw.

Sinta, isa kang makahiya kung ituring, subalit sintibay mo ang isang punong narra sa gitna ng disyerto. Alalahanin mong sa iyong matayog na presensya'y silungan ka ng lipunang pugad ng ligaw at masamang damo. Inilalarawan mo ang bawat bahagi ng punong ito--- ang babaeng bumubuo sa salitang kababaihan.

Malaman mo sanang hindi ka anino lamang, bagkus, himpilan ka ng mga pusong nakipaghimagsikan sa tinatawag nating mundo. Magpatuloy ka sa iyong paglalakbay, dahil kinakatawan mo ang imahe ng pag-asa't tagumpay.

-
Words by Maria Paz Bucayu
Art by Jeff Lee Yan Jose

  | KarinaSi Karina palagi na lang nasa kalsada,minsan isa, minsan dalawa ang batana kasabay n’ya sa paglalakad;minsan k...
07/03/2025

| Karina

Si Karina palagi na lang nasa kalsada,
minsan isa, minsan dalawa ang bata
na kasabay n’ya sa paglalakad;
minsan kandila, minsan kendi at yosi,
minsan mga basahan ang dala-dala.

Noong nakaraan, nakita ko si Karina
sa kalyeng pinamumugaran ng mga daga.
Una’y kinakapa n’ya ang kanyang bulsa
tapos ang laylayan ng kanyang blusa
saka marahang hinaplos ang sikmura.

Huminga nang malalim si Karina
habang pinapakinggan ang paghakbang
ng malaking lalaki mula sa kanyang likuran.
Karengkeng, tawag nito kay Karina,
hindi ka pa rin pala nakakapagsaing?

Kasunod nito’y paglagapak ni Karina
sa kalsadang araw-araw s’yang tangan.
Napalakas yata ang sampal ng lalaki
na nanghihingi ng pambili ng gin,
‘Wag mo sabihing matumal pa rin.

Tumayo si Karina, hindi ininda ang galos.
Hindi na s'ya musmos na laging nakagapos
sa kamay ng lalaking panay kamot sa ulo.
Ano, lalaban ka na sa akin, lampang babae?
Alisin mo 'yang masama mong tingin at baka—

Sa bunganga ng lalaki isinuksok ni Karina
ang mga barya mula sa paglalako ng sampagita.
Nabilaukan, nagsuka ang lalaking mayabang.
At mula noo’y hindi ko na ulit nakita si Karina,
o sinuman sa dalawang batang lagi n'yang kasama.

-
Words | Maria Angelica Beran
Artwork | Njay Corla

  | Pagpupugay sa kababaihanPagpupugay sa lahat ng kababaihang patuloy na lumalaban at tumitindig para sa kanilang karap...
03/03/2025

| Pagpupugay sa kababaihan

Pagpupugay sa lahat ng kababaihang patuloy na lumalaban at tumitindig para sa kanilang karapatan, sa mga kababaihang nagsisilbing liwanag at mitsa ng pagbabago, at sa bawat kababaihang taglay ang tapang, talino at pagmamahal na inspirasyon ng karamihan.

Babae ka, hindi ka babae lang. Sa kabila ng mga hamon at hadlang, patuloy kayong bumabangon, lumalaban, at nagwawagi. Ang inyong mga boses ay hindi dapat pinapatahimik, ang inyong mga pangarap ay hindi dapat pinipigilan.

Maligayang pagdiriwang para sa buwan ng kababaihan!

-
Words by Chrizzy De Leon
Art by Clarry Rabaja

  | Sika ti biagHaan ka kuma nga maum-uma. Haan mo kuma nga dildillawen ti panagmaymaysam. Aglalo nu awan ti panagarem, ...
25/02/2025

| Sika ti biag

Haan ka kuma nga maum-uma. Haan mo kuma nga dildillawen ti panagmaymaysam. Aglalo nu awan ti panagarem, panangsarungkar, ken pannaki dinna.

Haan ka nga agbibyag para lang iti bagim. Sika ti biag dagiti nagannak mo nga agpanpanunut nu nangan kan. Biag dagiti kabagis mo nga agur-uray kaano panagawid mo. Dagiti gayyem nga haan nga makauray nga sumurutam nga mangan. Ti panagangus mo— haan mo lang kukwa.

Ti kinaado ti rupa ti panagayat, haan ka kuma maupay ti kinaawan ti maysa. Uray man aglabas iti bulan nga siksika lang ti awan sabung nga naawat na. Uray man nu siksika lang ti magmagna nga awan kakinkinnibin na.

Ti panunutem, sika iti biag ti adu nga tao— siuuray ken sikakararag ti isasangpet mo.

-
Ikaw ang buhay.

Huwag ka sanang magsawa. Hindi mo sana husgahan ang iyong pag-iisa. Higit pa kung walang panliligaw, pagtatangka, at maging pananatili.

Hindi ka nabubuhay para lamang sa iyong sarili. Ikaw ang buhay sa mga magulang mong nag-aalala sa iyong pagkain. Buhay sa mga kapatid mong nakaabang sa iyong pag-uwi. Sa mga kaibigang 'di makapaghintay na sila'y saluhan mo sa kainán. Ang paghinga mo— hindi mo lamang pag-aari.

Sa dinami-rami ng mukha ng pagmamahal, hindi mo sana panghinayangan ang kawalan ng isa. Kahit pa matapos ang buwan na ikaw lamang ang walang bulaklak. Kahit na wala kang kahawak-kamay maglakad sa kalsada.

Ang pagnilayan mo, ikaw ang buhay ng ibang tao— naghihintay at nagdarasal sa pag-uwi mo.
-
Words and art by Jeff Lee Yan Jose

Address

The CSU Communicator, Student Services Building, Cagayan State University, Caritan Sur
Tuguegarao City
3500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The CSU Communicator posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The CSU Communicator:

Share