14/08/2025
Nakasakay ako sa dulo ng jeep, pagdating sa Edsa Kamuning may sumakay na tatay may kargang baby at pinaurong ang mga pasahero, akala ko sila lang ng baby nya at nagulat ako nung nilapag nya yung anak nya sa mahabang upuan kasama nya din pala ang asawa nya na naka wheelchair, isa-isa nyang binuhat at isinakay.
Nalungkot ako at naawa kasi yung baby may Hydrocephalus at may tubo sa part ng nose tapos yung nanay din may sakit, nasabi ko sa sarili ko na dapat nasa taxi sila pero dahil sa hirap ng buhay jeep lang ang kaya nila. Makikita sa kanila na kahit hindi sila humihngi ng tulong but if you are there mararamdaman mo talaga na they really need help not only financially but prayer also.
Habang nasa harap ko sila sabay kaming napadukot ng babae na katabi ko, alam mo yung hindi mo na iisipin pa or di ka na magdadalawang isip pa, parang kinukurot ang puso ko sa kalagayan nila. Nag-aalangan pa ako kung ibibigay ko yung kinuha kong pera kasi nahihiya ako dahil maliit lang na halaga, pero inisip ko makakatulong yun kahit pandagdag, pangkain or pamasahe man lang.\
Hanggang sa pagbaba nila ng NCH may nag-abot pa na dalawang lalaki. Nakakatuwa lang na pare-pareho kami ng nararamdaman nang mga sandali na yun.
Lord help them. Heal the child and her mother Panginoon. I know hindi mo po sila pinababayaan kaya po nakasakay namin sila kasi ginamit mo po kaming instrument to really help them po kahit papano.
From: Sharmilou Fugaban