31/10/2025                                                                            
                                    
                                                                            
                                            Eto na sinasabi ko eh, thanks Cagayan Post                                        
                                    
                                                                        
                                        FAKE CATHOLICS? Fr Aquino, binatikos ang religious group na nagpapakilalang Katoliko at nag-sosolicit sa iba’t ibang business establishments at gov’t offices
Tuguegarao City - Dinepensahan ni Fr. Ranhilio Aquino si Tuguegarao Mayor Maila Ting Que sa kumakalat na video statement ng isang religious group sa umano’y hindi maganda pakikitungo sa kanila sa kanilang pagbisita sa siyudad.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Fr. Aquino na “panloloko” ang paggamit ng grupo ng salitang “Katoliko” sa kanilang pangalan gayong hindi naman sila konektado sa Roman Catholic.
“Don’t pass yourself off as Catholic for the purpose of raising money,” dagdag pa ni Fr Aquino. 
Sa aming pagsasaliksik, napag-alaman ng aming team na “SUSPENDED” ang registration status sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang ginagamit nilang pangalang “Simbahang Katoliko Pilipino Inc.”
Matatandaan pinuna ang nasabing grupo noong isang taon dahil sa paggamit nila ng Certificate of Appearance mula sa LGU Tuguegarao bilang attachment sa kanilang solicitation request sa mga business establishments at government offices sa siyudad.
Ayon sa aming source, tinuturing na isang panlilinlang ang paggamit ng naturang dokumento para mag-solicit dahil isa lamang itong pagpapatunay na sila’y bumisita sa Office of the Mayor.
Hindi ito ang unang pagkakataon na sangkot sa kontrobersya ang nasabing grupo. 
Naglabas na rin ng babala ang LGU Baguio, Provincial Government ng Surigao Del Sur, at iba laban sa grupo.
Sa isang liham ng Diocese of Nueva Segovia  para sa Ilocos Sur Provincial Police, itinanggi nilang isang lehitimong miyembro ng Katoliko ang nasabing grupo kaya hindi nila magagawang iendorse ang kanilang solicitation activities.