Radyo Pilipinas Tuguegarao

Radyo Pilipinas Tuguegarao Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Presidential Broadcast Service.

13/10/2025
13/10/2025
13/10/2025

| October 13, 2025

Kasama sina Ched Oliva at Dr. Claro Cayanan.

DSWD REGION 02, MULING NAGBALIK SA ISLA NG CALAYAN NA PINAKANAPURUHAN NOON NG STY NANDO UPANG MAGPAMAHAGI NG DAGDAG TULO...
13/10/2025

DSWD REGION 02, MULING NAGBALIK SA ISLA NG CALAYAN NA PINAKANAPURUHAN NOON NG STY NANDO UPANG MAGPAMAHAGI NG DAGDAG TULONG-PINANSYAL MULA SA GOBYERNO

Patuloy ang pamamahagi ng tulong-pinansiyal ng DSWD Region 02 sa mga pamilyang naapektuhan ng Nando sa Calayan, Cagayan.

Personal na nagtungo ang Angels in Red Vests sa mga island barangay ng Babuyan, Camiguin, at Dalupiri upang ipamahagi ang tulong na ngayon ay sa ilalim naman ng Emergency Cash Transfer (ECT) program ng ahensiya.

Isinasabay rin dito ang payout sa mga barangay sa mainland Calayan kabilang ang Cabudadan, Centro II, at Poblacion.

Bawat pamilya ay nakatanggap ng ₱10,080 na financial assistance na kanilang magagamit para sa pagsasaayos ng nasira nilang tahanan at kabuhayan.

Ang ECT ay bahagi ng mga programa ng DSWD na nagbibigay ng agarang tulong-pinansiyal sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad. Layunin nitong magbigay ng suporta habang unti-unting bumabangon ang mga komunidad mula sa pinsalang iniwan ng kalamidad.

Ito ay alinsunod sa direktiba nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at DSWD Secretary Rex Gatchalian na kailangang masiguro na agad maramdaman ng mga mamamayan ang tulong ng pamahalaan, lalo na sa mga lugar na mahirap marating tulad ng Calayan.

Una nang nakatanggap ng tig-10,000 na tulong-pinansyal ang mga residente sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program ng kagawaran, bilang bahagi rin ng tuluy-tuloy na suporta ng ahensiya sa mga pamilyang apektado ng magkakasunod na bagyo.

📷 DSWD Region 2

GASTOS NG PASYENTENG NASUGATAN SA PAGBAGSAK NG TULAY SA ALCALA, CAGAYAN, SAGOT NG ZERO BALANCE BILLING NG GOBYERNOWala n...
13/10/2025

GASTOS NG PASYENTENG NASUGATAN SA PAGBAGSAK NG TULAY SA ALCALA, CAGAYAN, SAGOT NG ZERO BALANCE BILLING NG GOBYERNO

Wala nang anumang poproblemahing gastusin sa pagpapagamot ang isa sa mga nasugatan sa pagbagsak ng Piggatan Bridge, sa Alcala, Cagayan dahil sa Zero Balance Billing policy ng pamahalaan.

Patuloy ang pagtugon sa pangangailangang-medikal ng 24-anyos na pasyente na naka-admit ngayon sa Cagayan Valley Medical Center matapos tamaan ang spinal cord sa pagbigay ng tulay.

Nagtamo ito ng 'multiple physical injury secondary to vehicular accident to consider spinal cord injury.'

Sa kasalukuyan, sumasailalim ang pasyente sa ilang pagsusuri para higit pang matiyak ang kaligtasan nito mula sa epekto ng insidente.

Sa pinalawak na programa ng pamahalaan sa ilalim Marcos, Jr. administration, sinisiguro ng DOH na wala itong babayaran mula sa admission, laboratory tests, at iba pang kinakailangang serbisyong-medikal.

Kabilang ang nasabing pasyente sa pitong nasaktan, na kinabibilangan ng mga pahinante at driver, matapos bumagsak ang 45-taong gulang na tulay hapon ng Oktubre 6, makaraang dumaan ang apat na malalaking trak.

Nabatid na ang iba pang nasugatan ay nagtamo lamang ng gasgas at iba pang minor injuries.

📷 DOH/CVMC

TINGNAN | Sinimulan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Situation Briefing sa Municipal Compound ng Tarragona hi...
13/10/2025

TINGNAN | Sinimulan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Situation Briefing sa Municipal Compound ng Tarragona hinggil sa epekto ng dalawang lindol na tumama sa Davao Oriental noong Oktubre 10, 2025.

Kasama ng Pangulo ang mga kalihim nito sa nasabing briefing. | via Armando Fenequito | RP Davao







13/10/2025

Anong Gagawin Kapag may
Earthquake?

Quiz time with Dingdong Dantes! Ano nga ba ang dapat gawin ‘pag lumindol nang malakas?

I-search ang sa Youtube at Facebook para sa ibang pang tips laban sa sakuna. Maging ligtas, maging

13/10/2025

Earthquake Safety Tips From Dingdong Dantes

Ang safety tips ni Dantes para sa malakas na lindol, pwede rin para sa lovelife mo!

I-search ang sa Youtube at Facebook para sa ibang pang tips laban sa sakuna. Maging ligtas, maging

13/10/2025

| October 13, 2025

Kasama sina John Mogol at Ched Oliva.

TINGNAN | Ang sitwasyon sa Municipal Compound ng Tarragona, Davao Oriental bago ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. ...
13/10/2025

TINGNAN | Ang sitwasyon sa Municipal Compound ng Tarragona, Davao Oriental bago ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang Situation Briefing ngayong Lunes, Oktubre 13, 2025.

Ang nasabing bayan ay kalapit lang ng epicenter na Manay na siyang tinamaan ng dalawang malalakas na lindol noong Biyernes, Oktubre 10, 2025.| via Armando Fenequito, RP Davao




Address

In Front Of SM City Tuguegarao, Bagay Road
Tuguegarao City
3500

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63788441335

Website

https://radyopilipinas.ph/

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Radyo Pilipinas Tuguegarao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share