25/03/2025
BARANGAY AT SK OFFICIALS, PINAHIHINTULUTANG MANGAMPANYA NG KANDIDATO PARA SA MAY 2025 ELECTIONS-COMELEC
,
, Inanunsiyo ng Commission on Elections (COMELEC) na maaaring makilahok ang mga Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Official sa partisan political at campaign activities para sa darating na 2025 Midterm Elections.
,
, Ito ay batay sa inilabas na Comelec Minute Resolution 24-1001 ng ahensiya kung saan hindi kabilang ang mga halal na opisyal mula sa mga barangay sa pinagbabawalang makilahok sa political activities ng mga kandidatong tumatakbo at tanging ang mga empleyado ng gobyerno at civil service lamang ang pinagbabawalang sumali sa pangangampanya alinsunod din sa kautusang ng Korte Suprema.
,
, "The Comelec resolves to exclude elected barangay and SK officials from the coverage of the prohibition against intervention in any election campaign or engagement in partisan political activities," batay sa Comelec Minute Resolution 24-1001.
,
, Bagama't maaaring sumali ang mga barangay at SK official sa pangangampanya, ipinagbabawal pa rin sa mga ito ang paghingi ng kontribusyon mula sa kanilang mga kasamahan, gayundin ang pagsasagawa ng anumang aktibidad na labag sa Omnibus Election Code (OEC) partikular sa Section 261 (i) o vote buying/ vote selling.
,
, "(It is) subject to the limitation that they do not solicit contributions from their subordinates or subject them to any of the acts prohibited in the Omnibus Election Code." dagdag ng Comelec.
,
, Maliban dito, pinapayagan din ng COMELEC ang mga empleyado ng gobyerno sa ilalim ng contract of service (COS) at job order (JO) na maaaring sumali sa partisan political activities at election campaign.
,
, Paliwanag ng ahensiya, walang direktang probisyon ng Article IX-B, Section 2(4) ng 1987 Constitution at Section 261 (i) OEC na nagbabawal sa pagsali ng mga JO at COS sa pangangampanya.
,
, Gayunman, mahigpit namang ipinagbabawal ng ahensiya ang paggamit ng pondo ng gobyerno upang kumuha ng JO at COS workers para sa election campaign o partisan political activities.
,
, "(This is) without prejudice to the liability of any person, who would use under any guise whatsoever, directly or indirectly, public funds or money to employ JO and COS workers for the purpose of any election campaign or partisan political activity," giit ng COMELEC. (Rachell Galamay)