18/01/2025
Patuloy na umuunlad ang Lungsod ng Tuguegarao sa ilalim ng pamumuno ni City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que.
TUGUEGARAO CITY, ITINANGHAL BILANG 2ND INCOME CLASS CITY!
Opisyal nang na-reclassify mula 3rd patungong 2nd income class ang Tuguegarao City, batay sa 2025 Automatic Reclassification ng Local Government Units (LGUs) alinsunod sa Republic Act No. 11964 o ang Automatic Income Classification of LGUs Act, na inilabas sa ilalim ng Department Order No. 074-2024 ng Department of Finance (DOF).
Sa ilalim ng bagong income classification, ang Tuguegarao City ay umabot sa average annual regular income na ₱1 bilyon o higit pa, na nagpapatunay sa mabilis na pag-unlad ng lungsod sa ilalim ng liderato ni City Mayor Maila Rosario Ting-Que.
Ang reclassification na ito ay patunay ng lumalaking kakayahan ng lungsod sa aspetong pinansyal, na magbibigay-daan sa mas maayos na serbisyo publiko, modernong imprastruktura, at higit pang oportunidad para sa mga Tuguegaraoeño.
Ang Tuguegarao City ay patuloy na lumalakas bilang progresibong investment hub sa rehiyon. Sa tulong ng mas matatag na fiscal capacity, asahan ang patuloy na pag-angat ng kabuhayan at negosyo sa lungsod.
Share this story to your friends, relatives and family!
SHARE now!!!